Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo poke fun at romance rumors

by Bernie V. Franco
Nov 18, 2020
Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo react to allegations that they are now an item. (Center:) Zanjoe and Angelica in a candid shot. The two topbill the ongoing Kapamilya teleserye Walang Hanggang Paalam.
PHOTO/S: @iamangelicap and @onlyzanjoemarudo on Instagram

Nagpasaring sina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban sa usap-usapang nagkadebelopan sila sa set ng kanilang ongoing project.

Magkapareha ang dalawa sa ABS-CBN teleseryeng Walang Hanggang Paalam, at dito raw nabuo ang kanilang magandang pagtitinginan.

Ang pang-iintriga sa dalawa ay kasunod ng pambibisto ng close friends ni Angelica, na may nagpapasaya sa kanya ngayon.

Sa kanyang online show na Ask Angelica noong November 6, maraming beses tinukso si Angelica ng kanyang pinakamalalapit na showbiz at non-showbiz friends.

Bagamat hindi lantaran, pahapyaw nilang isiniwalat na may nag-aalaga ngayon sa 34 anyos na aktres.

Gayunpaman, hindi pinangalanan ang lalaking itinutukso nila kay Angelica.

LOLIT POSTS ABOUT RUMORED ANGELICA-ZANJOE ROMANCE

Noong November 10, sinabi ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post na “meron pala na develop” sa pagitan nina Angelica at Zanjoe.

Sabi ng talent manager at showbiz columnist, nahulog ang loob nina Angelica at Zanjoe sa isa’t isa dahil lock-in taping sila sa ginagawang teleserye.

Continue reading below ↓

Sana raw ay magtuluy-tuloy ang “new romance” sa pagitan nilang dalawa.

Bukod sa magkatrabaho, aminado si Angelica na sobrang close sila ng kaibigang si Zanjoe.

RUMORED BOYFRIEND

Halatang nakarating kina Angelica at Zanjoe ang pang-iintriga sa kanila, pero tila idinaan na lang nila ito sa biro.

Nitong weekend, nag-post sa Instagram si Angelica ng pahaging tungkol sa pagli-link sa kanila ni Zanjoe.

Piniktyuran ni Angelica si Zanjoe habang sakay sa kanyang itim na kotse. Nakasuot ng red cap at face mask ang aktor at nakatingin sa camera.

Caption ng aktres: “Sinalubong ako ng rumored boyfriend ko [laughing with tears emoji]”

Continue reading below ↓

Burado na ang post na ito ni Angelica, pero may mga fans na ni-repost ito sa kanilang Instagram accounts.

May patutsada rin ang post ni Zanjoe ngayong Miyerkules, November 18.

Base sa suot ni Zanjoe sa photo, kinunan ang litrato ng parehong araw na ipinost ni Angelica ang larawan ng aktor.

Sa post, makikitang magkatapat ang mga sasakyan nila ni Angelica habang pareho silang nakasakay sa mga ito.

Makahulugang caption ni Zanjoe: “Pa like naman, para may heart sa gitna #rumoredboyfriend”

Continue reading below ↓

Samantala, bagamat tinutukso ng mga kaibigan, wala pang pagkumpirma si Angelica kung may karelasyon siya ngayon.

Ang pagkakaalam naman sa showbiz, karelasyon ni Zanjoe ang Filipino-Australian model na si Josie Prendergast.

Unang napaulat ang pagkakamabutihan nina Zanjoe at Josie noong 2018.

Bukod sa Walang Hanggang Paalam, nagkasama rin sina Angelica at Zanjoe sa teleseryeng Playhouse (2018-2019) at pelikulang One More Try (2012).

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo react to allegations that they are now an item. (Center:) Zanjoe and Angelica in a candid shot. The two topbill the ongoing Kapamilya teleserye Walang Hanggang Paalam.
PHOTO/S: @iamangelicap and @onlyzanjoemarudo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results