Cassy Legaspi on real score with Darren Espanto; Mavy Legaspi on why he calls Darren "brother-in-law"

by Rachelle Siazon
Nov 19, 2020
Kapuso actress Cassy Legaspi (left) says she is close friends with Kapamilya singer Darren Espanto (center). Mavy Legaspi (right), for his part, details how they all became part of a tight group in showbiz.
PHOTO/S: @cassy / @darrenespanto / @mavylegaspi Instagram

Ipinamalas ng magkapatid na Mavy at Cassy Legaspi ang kanilang pagiging malapit dahil pati sa usaping pag-ibig ay wala silang itinatago sa isa't isa.

Ang twins na sina Mavy at Cassy ay anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Napapanood sila sa Kapuso shows na All-Out Sundays at Sarap, 'Di Ba? Sila ay parehong 19 years old.

Sa panayam ng PEP Exclusives, napag-usapan ang isyu na nauugnay si Cassy sa Kapamilya singer na si Darren Espanto.

Ano nga ba ang real score sa pagitan nina Cassy at Darren?

Pabirong balik-tanong ng twins na sina Cassy at Mavy, "Darren, ano ba talaga?"

Panay naman ang halakhak ni Cassy, na tila bumuwelo muna bago sinagot kung may kilig ba sa pagitan nila ni Darren o magkaibigan lang sila.

Sabay paglilinaw ng dalaga, "We're all friends. We're all enjoying each other's company."

Ipinaliwanag naman ni Mavy kung bakit "brother-in-law" ang tawag niya kay Darren, na isa sa mga malapit niyang kaibigan sa showbiz.

Continue reading below ↓

"Ako kasi, Darren to me, brother ko na 'yan e. As in we're really that close na, most especially si Kyle Echarri din.

"Brotherhood talaga 'yan, like, in the industry, we're very, very close.

"Those kinds of mga terms, it's very, like, family, friendship-oriented na. It's just teasing lang, basically. "

Pangungulit naman ni Mavy kay Cassy, "Ikaw, Cass, what do you wanna say? Hmmm?"

Sagot ni Cassy, "Like what Mavy said, I think naging family yung bond."

FRIENDSHIP ACROSS NETWORKS

Ayon pa kay Mavy, hindi kailanman naging isyu ang pagkakaugnay ni Cassy kay Darren.

Alam daw ng magkapatid kung ano ang prayoridad nila sa ngayon.

Aniya, "We always have this conversation. We're all in the same industry.

"But, siyempre, we're trying to attack the industry at a young age.

"I guess, all we have in our minds is to have our careers first."

Singit ni Cassy, "And friends!"

Malapit na magkakaibigan sina Mavy, Darren, Cassy, pati na ang Kapamilya actor-singer na si Kyle.

Continue reading below ↓

Hindi raw sila nawawalan ng komunikasyon kahit na magkakaiba sila ng TV networks.

Dagdag ni Mavy, "We have genuine support for one another, no matter which network you're from. As long as it's your own work, support lang."

HOW MAVY, CASSY, DARREN, AND KYLE BECAME FRIENDS

Paano nga ba naging kaibigan nina Mavy at Cassy sina Darren at Kyle?

Paliwanag ni Mavy, "With Darren and Kyle, from a variety show... When they just both came out from The Voice, we already met there.

"We met at an early age—12 or 13 years old."

Si Darren, 19, ay runner-up The Voice Kids Philippines Season 1 noong 2014; habang si Kyle, 17, ay contender ng The Voice Kids Philippines Season 2 noong 2015.

Unang nakasama nina Mavy at Cassy sina Darren at Kyle nang mag-guest ang twins sa ABS-CBN Sunday musical-variety show na ASAP noong May 2015.

Over the years, lalo pa raw tumibay ang kanilang samahan at kung minsan ay sa bahay pa ng mga Legaspi nagkakasalu-salo ang mga ito.

Continue reading below ↓

Sabi ni Cassy, "Oh, kasi when we have tapings and stuff like that, we always text each other.

"Because we're usually around the area, 'Oh, do you wanna eat out?' 'Okay, let's eat out.' Or usually, mas safe pag dito sa bahay, so dito na lang."

MAVY AS A PROTECTIVE BROTHER

Aminado naman si Mavy na siya ay protective brother sakaling handa nang tumanggap ng manliligaw si Cassy balang araw.

"Siyempre, pag may manliligaw, I'm very, 'You have to pass through me first.'

"Pero once na relationship na yun, that's yours alone. She has to deal with her own decisions.

"I'm not the type to say na, 'Bawal iyan.'"

Sabay biniro ni Mavy si Cassy dahil kailangang pasado sa kanya at pati sa ama ang future manliligaw ng dalaga.

"Naku! Good luck!" natatawang hirit pa ni Mavy.

NOT IN A RELATIONSHIP

Sa ngayon, parehong single ang magkapatid na Cassy at Mavy.

Continue reading below ↓

Tinanong ng PEP.ph si Mavy, na minsang napabalitang may naugnay sa kanyang showbiz personality.

Pero paglilinaw ni Mavy, wala siyang itinatagong karelasyon.

Nakangiting pahayag niya: "I think people get the wrong idea. Since we're all in the industry, lahat kami friends, e.

"So, there are pictures na, let's say nakaakbay, parang barkada na talaga, e.

"Pero I can't really stop rumors or people spreading fake news kasi parang it's all social media."

Diin ng binata, "All you just have to do is be honest.

"If you have nothing to hide, sabihin mo lang, 'friends lang kami or whatever.' Kasi there's nothing to hide naman."

Watch full interview of Mavy and Cassy Legaspi on PEP Exclusives here:

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Cassy Legaspi (left) says she is close friends with Kapamilya singer Darren Espanto (center). Mavy Legaspi (right), for his part, details how they all became part of a tight group in showbiz.
PHOTO/S: @cassy / @darrenespanto / @mavylegaspi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results