Willie Revillame to sell P35M Rolls-Royce to aid Typhoon Ulysses victims in Cagayan, Isabela

by Arniel C. Serato
Nov 19, 2020
Willie Revillame to visit Cagayan and Isabela soon to give cash aid: "Tulung-tulong, sama-sama tayo. Kung may pagkakataon na maibenta yung isa kong sasakyan, tatakbo ako ng Cagayan, tatakbo ako ng Isabela. Yun ang gagawin ko."
PHOTO/S: Screenshot from Wowowin on YouTube

Pinapabenta na rin ni Willie Revillame ang kanyang luxury car na Rolls-Royce.

Ito ang rebelasyon ni Willie sa kanyang programang Wowowin: Tutok To Win kahapon, November 18.

Personal na nakausap ni Willie sa show si Marikina Mayor Marcy Teodoro, na kanyang inabutan ng tsekeng nagkakahalaga ng P5M para sa mga biktima ng baha sa siyudad.

Continue reading below ↓

Dito ay nabanggit ni Willie na ipinabebenta na rin niya ang isa pa niyang luxury car.

Ani Willie, “Kaya kinausap ko kanina yung pinagbenta ko ng Range Rover, sabi ko, 'Yung isa kong kotse ibenta mo na rin.'

“Kaninang umaga, sabi ko, ‘I-fastbreak mo na rin yung isa kong kotse para pupunta ako Cagayan tsaka Isabela.'

“Pinapabenta ko na rin po yung isa kong kotse na Rolls-Royce kahit na kung mura lang.

“Binili ko ng P35M, kahit kalahati na lang, sabi ko.”

Muli ring nilinaw ni Willie na wala siyang balak pumalaot sa pulitika kaya siya tumutulong sa kanyang kapwa.

Aniya, “Hindi ko na naman kailangan na 'yan, totoo 'yan. Hindi po ito pagmamayabang o ano, ito po’y ginagawa ko."

Sabi daw sa kanya ng ilan, “Bakit mo ipinapakitang tumutulong ka?”

Tugon daw niya, “E, kanino ko ibibigay yung pera? Itatapon ko sa tao? And magpapapila ako?

“Siyempre sa mga local government. At gusto kong malalaman ng mga kababayan niyo na magbibigay ako para ho malaman niyo na may tumutulong sa inyo.

Continue reading below ↓

“Hindi naman ho ito oras na, ‘Tatakbo ka ba?’

“Hindi ho. Wala sa isip ko 'yan.

"Ang nasa isip ko, yung panahon ngayon, kung ano ang dapat gawin sa mga kababayan mo, di ba? Tulung-tulong, sama-sama tayo.

"Kung may pagkakataon na maibenta yung isa kong sasakyan, tatakbo ako ng Cagayan, tatakbo ako ng Isabela. Yun ang gagawin ko.

“Tumutok kami sa inyong mga pangangailangan.”

Labis na napinsala ng baha ang mga lalawigan ng Cagayan at Isabela dulot ng Typhoon Ulysses.

Nagpakawala ng tubig ang Magat Dam kaya umapaw ang Cagayan River na nagdulot ng lagpas bubong na baha sa mga kabahayan doon.

WILLIE SELLS HIS RANGE ROVER TO HELP MARIKINA, MONTALBAN

Noong November 14, sinabi ni Willie sa kanyang programa na palugi niyang ibinenta ang kanyang 2018 Range Rover para makalikom ng pondong ipantutulong sa mga biktima ng Typhoon Ulysses.

Naibenta raw ito sa halagang P7 million lamang.

Nasa garahe lang daw kasi ang mamahaling sasakyan niya at hindi nagagamit.

Continue reading below ↓

Sabi ng 59-year-old TV host, “Naisip-isip ko, napakabait ng Panginoong Diyos sa akin.

"Una na noong pandemya, may trabaho kami, yung aking mga staff, di kami pinabayaan.

“Humaharap ako sa mga tao minsan na wala akong mask, kasi minsan nakakalimutan ko, awa ng Diyos di ako nagkakasakit.

"Naisip ko, paggising ko isang umaga, tinawagan ko ang isa kong kaibigan. Sabi ko, ‘I-fastbreak mo nga yung isa kong kotse.’

"Aanhin ko yun, nasa garahe lang? Sa panahon na 'to, hindi ko kailangan ng ganyan.

“Sabi ko, siguro ito na yung pagkakataon na makatulong ako sa mga kababayan natin ulit.”

Una nang tumulong si Willie sa Catanduanes, kung saan nagbigay siya ng P5M kay Governor Joseph Cua.

Labis ding napinsala ang nasabing probinsiya nang nanalasa naman ang Super Typhon Rolly sa bansa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame to visit Cagayan and Isabela soon to give cash aid: "Tulung-tulong, sama-sama tayo. Kung may pagkakataon na maibenta yung isa kong sasakyan, tatakbo ako ng Cagayan, tatakbo ako ng Isabela. Yun ang gagawin ko."
PHOTO/S: Screenshot from Wowowin on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results