Derek Ramsay confirms breakup with Andrea Torres: “There is no third party!!!!”

by Arniel C. Serato
Nov 19, 2020
Derek Ramsay on breakup with Andrea Torres: "Maybe 2 people are just not meant to be. Pls respect us nalang."
PHOTO/S: Noel Orsal

“There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman.”

Ito ang iginiit ni Derek Ramsay tungkol sa ex-girlfriend niyang si Andrea Torres, 30.

Ngayong araw, November 19, sinagot ni Derek ang isang netizen na nagkomentong si Andrea raw ang dahilan ng breakup ng Kapuso stars.

Ikinumpara pa ng netizen ang relasyon nina Derek at Andrea sa relasyon ng aktor at ex-girlfriend nitong si Joanne Villablanca.

Pinalalabas ng netizen na anim na taon ang itinagal ng relasyon nina Derek at Joanne, samantalang ang kina Derek at Andrea ay lampas lamang ng isang taon.

Kaya pagsusuma nito, si Andrea raw ang may problema.

Buong komento ng netizen (published as is): “Ano ba kayo 1 yr lang sila ni andrea samantqla yong past nya 6 yrs lahat bakit gsnon kadali kY andrea somethi g is wrong with andrea wag nyo isisi kay dereck lahat yong past nya 6 yrs”

Continue reading below ↓

Nagkomento ang netizen sa post ni Derek tungkol sa kaarawan ng kanyang ina.

Sinagot ni Derek ang komento ng netizen.

Sabi ng 43-year-old actor, huwag itong magturo kung sino ang may kasalanan sa hiwalayan nila ni Andrea. Mabuting tao raw ang Kapuso actress.

Ipinagdiinan din niyang walang third party sa kanilang hiwalayan.

Continue reading below ↓

Saad ni Derek, “pls don't point the finger at anyone.

“There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman.

“There is no third party!!!! The breakup has happened so fast.”

Nakiusap din siya sa mga taong irespeto ang kanilang naging desisyon.

Iginiit pa ng aktor na mahal niya si Andrea at ipagtatanggol niya ito kapag may naninira rito.

Pahayag niya, “Maybe 2 people are just not meant to be. Pls respect us nalang.

“We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves.

“Mahal ko si ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her.”

Continue reading below ↓

THE BREAKUP

Kinumpirma ng isang malapit kay Andrea sa PEP.ph ang hiwalayan nina Derek at Andrea nitong nakaraang November 17.

Nauna na ring napansin ng netizens na binura ni Andrea ang mga larawan nila ni Derek sa kanyang Instagram account, at hindi na rin pina-follow ng aktres ang IG account ng aktor.

Inakala ng karamihan sa sumubaybay sa relasyon nina Derek at Andrea na sa simbahan na hahantong ang kanilang samahan.

Sa isang panayam noong June 2020, sinabi ni Andrea na handa na siyang pakasalan si Derek.

Sa hiwalay na panayam naman kay Derek noong July 2020, sinabi nitong ang labis na pagmamahal sa pamilya ang pinakagusto niyang ugali ni Andrea.

Napag-uusapan na rin daw nila ang tungkol sa pagpapakasal.

Saad nito, “Yung tungkol naman sa kasal, most definitely napag-uusapan na namin ‘yan.

“I really feel this relationship is so different from all the others. I don't know why.

“I don't like saying that… I don't like comparing, but this one is so different.

Continue reading below ↓

“I'm praying na sana mapunta na ito sa kasalan."

Umamin sina Derek at Andrea sa kanilang relasyon noong September 2019.

Nagkamabutihan ang dalawa sa set ng seryeng pinagsamahan nila sa GMA-7, ang The Better Woman.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on breakup with Andrea Torres: "Maybe 2 people are just not meant to be. Pls respect us nalang."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results