Ruru Madrid reveals he got rejected when he was courting this Kapuso actress

by Rachelle Siazon
Nov 19, 2020
Ruru Madrid recalls how he gave his all when he previously courted a Kapuso actress whose name starts with letter "B." He adds, "Pati mga magulang niya niligawan ko rin."
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram

Inamin ni Ruru Madrid na nabasted siya ng isang Kapuso actress na ang initial ng pangalan ay letrang "B."

Hindi tuwirang pinangalanan ni Ruru kung sino ang dating co-star na niligawan niya, pero "many times" na raw niya itong nakatrabaho sa mga teleserye.

"Hindi ko malilimutan nang mabasted ako ni blank," nakangiting pahayag ni Ruru.

Nakapanayam si Ruru nina Boobay at Super Tekla sa top-rating Kapuso variety show na The Boobay And Super Tekla Show o TBATS noong Linggo, November 15.

Sa segment na "Feeling The Blank," isinulat ni Ruru ang pangalan ng Kapuso actress na nambasted sa kanya.

Pero tanging sina Boobay at Super Tekla lang ang nakabasa ng isinulat ng aktor.

Sabi ni Ruru, "Pero mga bata pa naman kami nun nung mga panahong iyon."

Todo raw ang panliligaw na ginawa ni Ruru para patunayang sinsero siya sa hindi pinangalanang aktres.

Balik-tanaw ni Ruru, "Nung mga panahon na yun siguro, hindi ko alam kung may boyfriend ba siya nun or baka gusto lang niya talaga mag-focus sa career.

Continue reading below ↓

"Pero lahat ng klaseng panliligaw ginawa ko. Pati mga magulang niya niligawan ko rin."

STILL FRIENDS WITH THE GIRL HE COURTED

Naka-move on ba agad si Ruru?

Sagot nito, naging kaibigan pa niya ang babaeng niligawan niya noon.

"Oo naman. Kasi nakita ko na, 'Ahh, mas okay pala kaming tropa.'

"Kasi everytime na may problema ako, siya napagsasabihan ko.

"Kapag may probema siya, nasasabi rin niya sa akin."

Hirit ni Super Tekla, "Madali lang mag-move on kapag binasted kasi wala ka pa in-invest."

Kinontra ni Ruru si Super Tekla.

"Pero ano, e, paminsan kahit hindi ko pa naging girlfriend, grabe na ako mag-invest ng pagmamahal."

MORE CLUES

Napapatili naman ang comedian na si Atak at vlogger na si Jelai Andres—na naroon din sa studio ng TBATS—dahil tila may ideya sila kung sino ang aktres na nambasted kay Ruru.

Tanong ni Atak, "Nasa Sunday PinaSaya ba iyan?

"Oo, nasa SPS," nakangiting pagbibigay pa ng clue ni Ruru.

Continue reading below ↓

"Ay, sabi ko na, e! Boom!" bulalas ni Atak.

Nagkatrabaho sina Ruru at Atak sa defunct Sunday musical variety show na Sunday PinaSaya o SPS.

Base sa clues ni Ruru, isa sa mga aktres na may initial na "B" ay si Barbie Forteza.

Nagkatrabaho ang dalawa sa mga defunct Kapuso teleserye na Parao: Ang Kuwento ni Mariposa (2012-2013), Dangwa (2015), The Half Sisters (2016-2016), at Inday Will Always Love You (2018).

Nagkatrabaho rin sina Ruru at Barbie sa SPS mula 2015 hanggang 2019.

Isa pang aktres na may initial na letrang "B" sa SPS ay si Bianca Umali. Nagkatrabaho rin sila sa Parao, kunsaan may recurring role noon si Bianca.

Sina Ruru at Barbie ay parehong 23 years old, habang si Bianca ay 20.

Sa kasalukuyan, ang napapabalitang girlfriend ni Ruru ay si Bianca Umali, pero hindi pa tuwirang umaamin ang dalawa.

Si Barbie ay masaya sa relasyon nila ng nobyong si Jak Roberto.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid recalls how he gave his all when he previously courted a Kapuso actress whose name starts with letter "B." He adds, "Pati mga magulang niya niligawan ko rin."
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results