Angel Locsin, Jericho Rosales, Gerald Anderson: Typhoon heroes from Ondoy to Ulysses

by Bernie V. Franco
Nov 19, 2020
In 2009 (L-R) Gerald Anderson, Angel Locsin, and Jericho Rosales were tagged as "typhoon heroes" for their efforts to save and help Typhoon Ondoy victims. More than a decade after, they continue to help those in need.
PHOTO/S: @andersongeraldjr, @therealangellocsin, @rocket on Instagram

Nanalasa ang malakas na bagyo sa malaking bahagi ng Luzon noong gabi ng November 11, Miyerkules, hanggang madaling-araw ng November 12, Huwebes.

Kaliwa’t kanan ang relief efforts at fundraising drives ng mga artista para matulungan ang mga nasalanta ng #TyphoonUlysses.

Hindi maikakaila ang malaking hatak ng mga artista dahil sa kanilang impluwensiya.

Sa tulong ng social media, matagumpay nilang nahihikayat ang kanilang mga tagasuporta para tumulong din.

Bigating mga artista man o hindi, kahit anong kinabibilangang TV network, kanya-kanya sila ng paraan para tulungan ang typhoon victims.

Higit isang dekada na ang nakalilipas, kagaya rin ng bagyong Ulysses, nanalasa ang Bagyong Ondoy sa malaking bahagi ng Luzon noong September 24, 2009.

Isinailalim pa noon ni Defense Secretary and National Disaster Risk Reduction and Management Council Chair Gilbert Teodoro ang Metro Manila sa state of calamity.

Tinatayang umabot sa PHP5 bilyon ang kabuuang pinsalang idinulot ng Ondoy sa bansa.

Noong panahong iyon, lumutang ang pangalan ng tatlong artista dahil sa kanilang pagtulong at pagsagip sa mga nangangailangan.

Continue reading below ↓

Sila ay sina Angel Locsin, Jericho Rosales, at Gerald Anderson.

Binansagan silang "typhoon heroes" o "Ondoy heroes" dahil sa kanilang "heroic deeds" at pagiging mabuting ehemplo sa pagtulong sa kapwa.

ANGEL LOCSIN

Naisip noon ni Angel Locsin na magsimula ng fundraising campaign para tulungan ang mga nasalanta ng bagyo.

Katuwang ang iba pang mga kaibigang artista gaya ni Anne Curtis, inilunsad ni Angel ang Shop & Share project, isang online auction.

Katuwang ng project ang Philippine Red Cross (PRC), kung saan ambassador si Angel.

Sa pamamagitan ng Shop & Share, isinubasta ang mga pre-loved items—gaya ng branded bags, clothes, shoes—ng mga artista para makalikom ng pondo.

Magkakatuwang noon sina Angel, Anne Curtis, at Bea Alonzo.

Kabilang sa mga nag-donate ng items noon sina Kim Chiu, Luis Manzano, Kris Aquino, Pokwang, Ruffa Gutierrez, at Manny Pacquiao.

Higit isang milyong piso ang nalikom ng fundraising project, na itinurn-over nina Angel sa PRC, na siyang nagtalaga ng donasyon sa mga typhoon victims.

Continue reading below ↓

Naging masigasig si Angel sa pagsama sa relief operations ng PRC at pagtulong sa pagdi-distribute ng relief goods.

Ito ang dahilan kung kaya't hinangaan siya ng mga tao.

Marahil dahil nakita nila ang isang sikat na artistang tumutulong, kasama ng ibang volunteers, sa pag-aabot ng tulong.

Pagkilala naman ng PRC sa kontribusyon ni Angel sa efforts ng organisasyon: “Since Typhoon Ondoy in 2009, Locsin has been a familiar face during PRC relief packing activities.

“Popular as she is, she would avoid any special treatment and would insist on sitting on cold floors or anywhere other volunteers would sit while packing relief items.

“She would carry heavy boxes of goods and assist those who are finding the load too heavy to lift.”

Simula noon, naging familiar face si Angel sa relief operations sa tuwing may sakuna o trahedyang nangyayari.

Noong 2013, idinonate ni Angel ang kanyang vintage car, isang 1970 Chevrolet Chevelle, sa ABS-CBN Sagip Kapamilya para makalikom ng pondo para sa mga biktima ng Typhoon Yolanda.

Continue reading below ↓

Nagkakahalaga ang vintage car ng humigit-kumulang PHP3 milyon.

(Angel Locsin's vintage car, a 1970 Chevrolet Chevelle, which she donated to ABS-CBN Sagip Kapamilya to help raise funds for typhoon Yolanda victims in 2013.)

Naging volunteer din si Angel, kasama ang fiancé niyang si Neil Arce, sa relief efforts ng PRC sa Davao del Sur matapos tumama ang lindol noong November 2019.

Continue reading below ↓

Naging aktibo rin si Angel sa kampanya niyang #UniTentWeStand ngayong may pandemya.

Nakalikom siya ng higit PHP10 milyon para sa pagtatayo ng mga tent malapit sa mga ospital para sa frontliners at COVID-19 patients.

Ilan lamang ito sa mga kawanggawang ginawa ni Angel sa mga nakalipas na taon.

Dahil sa mga gawaing ito, napabilang siya sa "Asia’s 2019 Heroes of Philanthropy: Catalysts for Change" ng Forbes noong December 2019.

Kahilera ni Angel ang iba pang pilantropong kinilala ang kanilang kontribusyon sa kani-kanilang bansa, gaya ng Japan, Thailand, China, Singapore, India, Indonesia, Australia, South Korea, Vietnam, at Malaysia.

Bukod kay Angel, ang isa pang Pilipinong pinarangalan ay si Hans Sy, isang business tycoon at anak ng yumaong Henry Sy, founder ng SM.

Bahagi ng pagpupugay ng Forbes kay Angel: "Over the past decade, Locsin has donated as much as 15 million pesos to causes such as educational scholarships for students, supporting the economic and political rights of indigenous people, and ending violence against women and children."

Continue reading below ↓

Binanggit dito ang daan-daang pamilyang natulungan ni Angel sa panahon ng mga sakunang tumama sa Pilipinas, kabilang ang Ondoy at Yolanda.

Bata pa lang si Angel, may ambisyon na raw siyang makapaglingkod at makatulong sa mga nanganailangan.

Bahagya itong naikuwento ni Angel ito sa guest appearance niya sa Magandang Buhay noong January 2019.

Ayon kay Angel, pangarap niyang maging pulis noong bata siya.

“Siguro yung thought lang na you're serving your country or protecting your loved ones sa mga bad guys, siguro ano iyon, para sa bata, 'Idol!' parang gano'n yung mentality.

“So, hanggang sa nagshi-shift ka na, makakita ka rin sa mga, of course, sa profession ng mga medicine, like mga doctors.

"So, nakakapag-save naman sila ng lives, 'Ay, hero din!' Parang ganun din, parang idol din yung dating.

"Umabot din yata ako sa madre, parang gano'n.

"From military, gustung-gusto kong maging sundalo, 'tapos gusto kong maging madre, 'tapos ay gusto ko pong maging teacher.

Continue reading below ↓

"Artista pala bagksak ko paglaki ko," may halong birong sabi ni Angel.

GERALD ANDERSON

Nakapukaw rin ang atensiyon ng publiko nang kumalat ang mga larawan ni Gerald Anderson na lumalangoy sa baha noong kasagsagan ng bagyong Ondoy.

Kuha ang mga larawan malapit sa tinitirhan ni Gerald sa Quezon City.

Ayon sa ulat, nagbahay-bahay noon si Gerald, kasama ang kaibigang si Ali Claus, sa kanyang mga kapatbahay.

Tinanong niya ang mga ito kung nangangailangan sila ng tulong.

Continue reading below ↓

Gerald Anderson (center) with friend Ali Claus braving the murky floodwaters caused by Typhoon Ondoy in 2009.

Noong February 20, 2020, binalikan ni Gerald ang karanasang ito sa entertainment talk show na Showbiz Pa More.

Aniya, ginising siya ng ina at sinabing sunduin ang nakababatang kapatid na si Ken na naipit sa baha.

“Paglabas ko ng bahay, iyan na ang nakita ko, parang dagat yung buong subdivision, as in bubong na nakikita,” kuwento ni Gerald.

Masuwerte raw si Gerald na hindi binaha ang bahay nila, pero pinasok na raw ng tubig ang bahay ng kanyang mga kapitbahay sa kabilang street ng subdivision.

Hindi na raw nag-atubili ang aktor na lumusong at lumangoy sa baha.

“Kasi maduming tubig ‘yan, e ‘tsaka maraming virus. Sanay ako sa maduming tubig,” ani Gerald, na lumaki sa simpleng pamumuhay sa General Santos City.

Patuloy niya, “Baka it’s a sign na I’m in a right place, kumbaga.”

Continue reading below ↓

Nang masundo raw ang kapatid at pabalik na sila ng bahay, marami raw mga kapitbahay ni Gerald ang humingi ng tulong sa kanya.

“On the way, may mga kapitbahay na nasa balcony sila, sabi nila, ‘Wala kaming food dito,’ or, ‘Baka pwede kami naman ganyan-ganyan.'

“Instinct nga na siguro kapag may nangangailangan ng tulong, yung gano’n,” ani Gerald tungkol sa kanyang pagtulong.

Naikuwento rin ni Gerald kung paano kumalat sa social media ang kanyang mga larawan.

“Piniktyuran ng kapitbahay ko, pinost sa Facebook, ‘tapos kumalat.

“And then, nagpadala ng pagkain, sabi, ‘Sorry, ako yung nag-post sa Facebook.’”

Hindi naman daw ito ikinagalit ni Gerald at napagtanto niya kung gaano kalaki ang impluwensiya kapag ikaw ay isang artista.

JERICHO ROSALES

May pagkakatulad sa ginawa ni Gerald ang ginawa ni Jericho Rosales noong manalanta ang Bagyong Ondoy.

Gamit ang surfboard at wakeboard, lumangoy si Jericho sa mataas na baha sa village sa Marikina City para tulungan ang mga na-stranded.

Continue reading below ↓

Isa ang Marikina City sa labis na nasalanta matapos lumubog sa mataas na tubig ang lugar dahil sa pag-apaw ng Marikina River.

Mabilis na kumalat ang mga kuhang larawan ni Echo sa social media.

Kabilang daw sa mga stranded na nasagip ni Echo ay isang bata, isang matanda, at isang aso.

Caption dito: "Popular actor Jericho Rosales went out with surfboards and wakeboards to try to help stranded people. As of mid-afternoon yesterday, he was able to save a young boy, a grandmother, and a dog."

Continue reading below ↓

THE RESCUE EFFORTS CONTINUE

Ipinagpatuloy nina Angel, Gerald, at Jericho ang kanilang charity at rescue efforts matapos manalasa nitong Nobyembre 2020 ang Bagyong Ulysses.

Gaya ng ginawa ni Jericho noong 2009, muling ginamit ni Jericho ang kanyang surfboard para saklolohan ang sinumang nangangailangan noong November 12.

Kinaumagahan, matapos manalasa ng bagyo, sinuong ni Jericho ang baha sa kanilang village sa Marikina City gamit ang surfboard.

Kasama ang kanyang maybahay na si Kim Jones, nagtanong at kinumusta ni Jericho ang kanilang mga ka-village kung kailangan nila ng tulong.

May netizen na nag-upload ng mga larawan at video nina Jericho at Kim na nilalangoy ang baha gamit ang surfboards at nakikipag-usap sa mga rescue personnel.

Hinangaan ang celebrity couple sa kanilang inisyatibo na tumulong sa mga nangangailangan.

Bukod dito, nagsimula rin sina Jericho at Kim ng fundraising campaign.

Miyerkules, November 18, umabot sa halos PHP3 milyon ang nakalap nilang donasyon para sa typhoon victims.

Continue reading below ↓

Nai-post din ang videos at photos ni Angel na tumutulong sa paglilipat ng relief goods para sa mga nasalanta.

Naging abala rin si Gerald sa kanyang fundraising drive and relief packing para sa mga biktima.

(L-R: Gerald posts about some of the relief goods for the typhoon victims; Jericho with wife Kim taking a break from relief packing; Angel working together with Philippine Red Cross to give relief goods to typhoon victims)

Continue reading below ↓

Sa tulong ng kani-kanilang social media accounts, regular ang update nina Angel, Jericho, at Gerald sa kanilang pagtulong.

Bagamat may mga kritikong pumupuna sa pagpu-post ng ginagawa nilang pagtulong, nakakaengganyo pa rin ito sa iba.

Ang social media rin ang nagsisilbing transparency report kung magkano at saan napupunta ang donasyon mula sa ibang tao at mapasalamatan kung sino-sino ang tumutulong sa kanila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2009 (L-R) Gerald Anderson, Angel Locsin, and Jericho Rosales were tagged as "typhoon heroes" for their efforts to save and help Typhoon Ondoy victims. More than a decade after, they continue to help those in need.
PHOTO/S: @andersongeraldjr, @therealangellocsin, @rocket on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results