Is Julia Montes wearing an engagement ring?

by Jet Hitosis
Nov 20, 2020
Julia Montes
Is this an engagement ring on Julia Montes's finger?
PHOTO/S: @montesjulia08 on Instagram

Engaged na nga ba si Julia Montes?

Ito ang tanong ng maraming Instagram followers ni Julia, 25, na nakapansin sa singsing na nasa left ring finger ng Kapamilya actress.

Sa nakalipas na mga araw, napapadalas ang pagpu-post ni Julia sa Instagram ng mga litrato at video niya habang suot ang singsing.

Ayon sa fans, iyon daw ay isang engagement ring.

Ang kapwa Kapamilya star at dating leading man na si Coco Martin, 39, ang matagal nang rumored boyfriend ni Julia.

Kinikilig tuloy ang fans sa suspetsa nilang tinanggap ni Julia ang wedding proposal ng FPJ’s Ang Probinsyano star at malapit nang magpakasal ang dalawa.

THE RING

Nitong October 2, nag-post si Julia sa Instagram ng sariling litrato na nagpapakita sa bago niyang hairstyle.

Ang dating long black hair ni Julia ay shoulder-length at golden blonde na ngayon.

Bahagyang nakangiti si Julia sa pagkaka-pose sa likod ng isang foot stool.

Nakapatong ang kanyang mga braso sa stool habang hawak niya ang ilang piraso ng bulaklak.

Continue reading below ↓

Bagamat medyo malayo ang kuha, sa anggulong iyon ay mapapansin ang suot niyang singsing.

Iyon lang kasi ang kaisa-isang accessory na suot ng aktres.

Caption ni Julia: “Don’t let the behavior of others destroy your inner peace [peace sign, red heart, smiling face with smiling eyes emojis].”

“PALAGING SUOT”

Muling naging agaw-eksena ang singsing ni Julia sa litratong ipinost niya nitong November 9.

Continue reading below ↓

Sa picture, nakaupo sa dining area si Julia, na tipid ang pagkakangiti habang naghahanda ng pagkain.

RELATED STORY

Malayo ang kuha ng litrato, pero hindi nakalusot sa eagle-eyed netizens ang singsing sa left ring finger ni Julia.

Gaya ng dati, iyon lang ang nag-iisang alahas na suot ni Julia.

Mababasa sa caption niya: “Missing your family? You can simply cook something that will remind you of them… para kahit malayo sila parang kasama mo pa rin sa hapag kainan [smiling face with smiling eyes, red heart emojis] #JuliaM.”

Continue reading below ↓

Sa comments section, binanggit ng isang fan ni Julia na “Palaging suot niya yang ring na yan.”

Ang isa pa, tinawag na “mahiwagang ring ni bebe” ang nasa daliri ng aktres.

Nag-reply rito ang isa pang fan at sinabing “ndi pde alisin sa daliri” ang singsing na iyon ni Julia.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi nag-react si Julia sa alinman sa mga komentong may kinalaman sa suot niyang singsing.

Sa halip, nilimitahan niya ang matatanggap na comments ng post niyang iyon.

ENGAGEMENT RING?

Nitong Martes, November 17, malapitan nang napigurahan ng Instagram followers ni Julia ang iniintrigang singsing niya.

Ito ay nang mag-post ng video si Julia sa kanyang Instagram Stories.

Doon ay makikitang isang babae ang kumukuha ng video ni Julia na noon ay seryosong nagpapraktis ng wound suturing.

Ang suturing ang paraan ng pagsasara ng bukas na sugat ng pasyente.

Maririnig sa video na biniro ng babae si Julia ng “soon to be doktora.”

Pagkatapos, inilapit ng babae ang video para ipakita ang pinapraktis na suturing ni Julia.

Doon malapitang nasilayan sa video ang singsing na suot ng aktres.

White gold ang singsing na natataniman ng nag-iisang diamond sa gitna—hitsura ng tipikal na engagement ring.

Continue reading below ↓

Tulad ng nakita sa mga latest pictures ni Julia, ang singsing lang na iyon ang alahas na suot niya.

Tugma iyon sa sinabi ng fans na “palaging suot” ni Julia ang ngayon ay maituturing nang “mahiwagang ring” ng aktres.

Mahiwaga dahil mahihinuhang sobrang espesyal ng singsing kay Julia para lagi niya iyong suotin.

Kung espesyal man iyon, wala namang anunsiyo ang Kapamilya actress kung engagement ring ba iyon o regalo ng isang kaanak.

Sakaling engagement ring nga ang nasa daliri ni Julia, aaminin na ba nila ni Coco ang matagal nang nababalitang relasyon nila?

JULIA AND COCO

Taong 2012 nang nagtambal sa unang pagkakataon sina Julia at Coco sa ABS-CBN romantic-drama series na Walang Hanggan.

Tumagal ng sampung buwan ang serye.

Pumatok ang tambalan nilang ito, na nasundan ng pelikula noong 2013, ang A Moment In Time.

Noong 2014, muling nagkasama sina Coco at Julia sa Kapamilya primetime series na Ikaw Lamang.

Continue reading below ↓

Nagtambal din sila sa special episode ng Wansapanataym na “Yamishita’s Treasure” noong 2015.

Kasunod nito, nabalitang may espesyal nang namamagitan kina Coco at Julia.

Pero hindi ito kinumpirma ng sinuman sa kanila.

Nang biglaang mag-hiatus sa showbiz si Julia noong 2018, iniugnay rin iyon kay Coco.

Naglutangan kasi noon ang balitang buntis ang aktres sa anak ni Coco.

Pinabulaanan ito ni Coco.

Kasunod nito, nakumpirmang nagpunta sa Germany si Julia para makapiling ang sariling ama na isang German.

Nanatili sa Germany ang aktres sa sumunod na mga buwan.

JULIA AND COCO’S BABY

Pagsapit ng April 2019, ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nanganak na si Julia dito sa Pilipinas.

Kinumpirma ito sa PEP.ph ng ilang showbiz insiders.

Ayon sa insiders, totoong si Coco ang ama ng baby ni Julia.

Gayunman, hanggang ngayong mahigit isang taon na ang nakalipas, hindi pa rin nagsasalita sina Julia at Coco tungkol dito.

Sa kabila nito, hayagang nagpapakita ng suporta si Julia sa aktor.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, sa 39th birthday ni Coco nitong November 1, nag-post ng birthday greeting si Julia para sa aktor.

Taun-taon iyong ginagawa ni Julia para batiin si Coco sa espesyal nitong araw.

Bukod dito, sa Instagram din nagpo-post si Julia ng promotional materials para sa mga TV at movie projects ni Coco.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is this an engagement ring on Julia Montes's finger?
PHOTO/S: @montesjulia08 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results