Michele Gumabao reveals apologizing to brother Marco over Miss Universe Philippines 2020 controversy

by Bernie V. Franco
Nov 20, 2020
Michele Gumabao says she saw how supportive a brother Marco Gumabao is when Michele got dragged into the Miss Universe Philippines 2020 controversy last October 2020.
PHOTO/S: @gumabaomarco and @gumabaomarco on Instagram

Inilahad ni Michele Gumabao na matinding batikos ang naranasan ng kapatid na si Marco Gumabao sa kasagsagan ng Miss Universe Philippines 2020 controversy noong nakaraang buwan.

Si Michele ang itinanghal na second runner-up sa national pageant.

Pero inakusahan siyang hindi sport nang hindi sumipot sa press presentation ng winners pagkatapos ng pageant.

Para ipagtanggol si Michele, nag-post sa Instagram Story si Marco para depensahan ang nakatatandang kapatid.

Ito ang mensahe ng Viva artist: “I’m proud of you! Of course, I don’t agree with the decision, but now is not the time to be bitter about it.

"I know this is God’s plan. We’re just getting started."

Pero, ayon kay Michele, ito ang naging mitsa para makatanggap ng maraming pamba-bash si Marco.

Makalipas ang isang linggo matapos ang pageant, nagsalita si Michele. Pero hindi tumigil ang batikos sa kanya at akusasyong hindi siya marunong tumanggap ng pagkatalo.

Ang pamilya raw ang naging sandalan ni Michele kasunod ang atake sa kanya onine.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, “Yung kumakalat sa social media, thankful na andiyan ang family ko, na sila talaga yung nag-alaga sa akin after the pageant.

"Dahil I really admit, talagang I was really, so hurt after that.”

Wala na raw talagang balak magsalita noong una si Michele.

“Sabi ko, ‘Lilipas din ‘yan,’ pero parang naaapektuhan na yung family ko.

“Si Marco nagmi-message sa akin, ‘Ate, ang dami ko rin bashers.’

"Sabi ko, ‘Grabe, parang hindi na lang ako yung nandito na lumalaban.’

“Okay lang kung ako lang. Kaya kong tanggapin. Pero sana huwag na yung mga family ko, yung mga kaibigan ko, yung kapatid ko.

“So, yun po talaga nag-udyok sa akin magsalita after a week,” paliwanag ni Michele sa panayam niya sa Magandang Buhay nitong Huwebes, November 19.

BROTHER MARCO TO THE RESCUE

Sa kinaharap na pagsubok na ito ni Michele, nakita raw niya kung gaano ka-concern sa kanya ang kapatid na aktor.

Continue reading below ↓

“Hindi siya sobrang affectionate, pero pag sinabi niyang ‘Ate, laban lang,’ or, ‘Okay lang ako, Ate. Kaya mo ‘yan. Huwag mo akong isipin…’”

Pakiramdam daw ni Michele, siya ang may kasalanan kung bakit biglang dumami ang bashers ni Marco.

Sa kabila nito, mas ipinaramdam pa ni Marco ang suporta sa kapatid.

“Ako, humingi din ako ng tawad dahil nadamay nga siya sa pamba-bash, kahit wala naman siyang alam, kahit wala siya doon," paliwanag ni Michele.

“So, ako rin, sabi ko sa kanya, ‘Sorry,’ dahil nadamay nga siya doon. Sabi nga niya sa akin, ‘Di, okay lang ito. Di naman nila alam yung totoong nangyari, or wala naman silang alam. Di ka naman nila kilala.’”

Kaya naman daw malaki ang pasasalamat niya at nariyan ang kanyang pamilya na handang bigyan siya ng suporta.

Sambit pa ni Michele, buong mundo man kaya niyang kalabanin hangga't nasa tabi niya ang kanyang pamilya.

MICHELE HOPES TO END THE ISSUE

May pakiusap din si Michele sa lahat ng kanyang mga kritiko pagkatapos ng lahat ng nangyaring isyu tungkol sa Miss Universe Philippines 2020.

Continue reading below ↓

Aniya, “I hope after this tigilan na po natin yung pamba-bash, yung negativity online.

“Ako po, wala po... walang laman ang puso ko kundi blessing, pagpapasalamat, at siyempre, suporta para sa organization I dream of joining,” pagtukoy niya sa Miss Universe Philippines organization.

“Sana kayo rin po, lagi po nating tatandaan, just spread kindness, and love for one another.

“And I hope ang mundo ng beauty pageants in the future, will be more encouraging and magtulong tulungan po tayong lahat.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michele Gumabao says she saw how supportive a brother Marco Gumabao is when Michele got dragged into the Miss Universe Philippines 2020 controversy last October 2020.
PHOTO/S: @gumabaomarco and @gumabaomarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results