Derek Ramsay replies to netizen linking him to Pops Fernandez

by Arniel C. Serato
Nov 20, 2020
Derek Ramsay to netizen linking him to Pops Fernandez: "Lahat nalang bigyan ng issue.”
PHOTO/S: Noel Orsal

“Old naman gusto Derek.”

Ito ang akusasyon ng isang netizen kay Derek Ramsay matapos bumati ng singer at matalik na kaibigang si Pops Fernandez sa ina ng aktor.

Kahapon, November 19, ipinagdiwang ni Remedios Ramsay ang kanyang kaarawan.

Sa Instagram post ni Derek, binati ni Pops ang ina ng Kapuso actor.

Mensahe ni Pops sa comments section, “Happy bday mommy (smiling face with smiling eyes emoji).”

Continue reading below ↓

Komento rito ng isang netizen: “@popsfernandezofficial mommy mo na cya ang lakas mo.”

Ipinagtanggol naman ng isang netizen sina Derek at Pops.

Sabi nito, “they are bestfriends (relieved face emoji).”

Continue reading below ↓

Isa pang netizen ang nagtanggol sa Kapuso actor.

Komento nito: “omg u guys too much. its @ramsayderek07 mom bday.pls respect his privacy.”

Nagpasalamat naman si Derek sa kanya.

Pero may isang netizen ang nag-insinuate na may relasyon nina Derek at Pops.

Ito ay sa gitna ng mainit na usaping hiwalayan sa pagitan nina Derek at Andrea Torres.

Continue reading below ↓

Buong komento ng netizen, “@ramsayderek07 and MISIS pops Fernandez wins haha old naman gusto Derek.”

Ramdam naman ang pagkadismaya ni Derek sa kanyang sagot.

Aniya, “lahat nalang bigyan ng issue.”

no third party

Kahapon, November 19, kinumpirma ni Derek na break na sila ni Andrea.

Pero iginiit ni Derek niyang walang third party sa hiwalayan nila.

Continue reading below ↓

Ito ay matapos magkomento ang isang netizen, sa kaparehong Instagram post ni Derek, na si Andrea umano ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Pinagbasehan ng netizen ang tagal ng relasyon ni Derek sa ex-girlfriend nitong si Joanna Villablanca, na umabot ng anim na taon, samantalang lagpas isang taon lamang daw ang itinagal ng relasyon ng aktor kay Andrea.

Kaya lumalabas daw na si Andrea ang may problema.

Sagot sa kanya ni Derek, walang kasalanan si Andrea sa kanilang hiwalayan.

Ayon sa aktor, “pls don't point the finger at anyone.

“There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman.

“There is no third party!!!! The breakup has happened so fast.”

Nakiusap din si Derek sa mga netizens na irespeto ang kanilang naging desisyon.

Kahit hiwalay na sila, mahal daw niya si Andrea at ipagtatanggol niya ito kapag may naninira ritong mga tao.

Saad niya, “Maybe 2 people are just not meant to be. Pls respect us nalang.

Continue reading below ↓

“We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves.

“Mahal ko si ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her.”

Sa ngayon, hindi pa nagsasalita si Andrea ukol sa hiwalayan nila ni Derek.

September 2019 inamin ng dalawa ang kanilang relasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay to netizen linking him to Pops Fernandez: "Lahat nalang bigyan ng issue.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results