John Lloyd Cruz, Bea Alonzo spotted in Batangas

by Rachelle Siazon
Nov 20, 2020
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo meet in Batangas not for a reunion project but for a private party. They are among the select guests for the 36th birthday party of Dimples Romana.
PHOTO/S: @whengcorpuz / CTTO Instagram

Kumpirmadong nagkasama sa Batangas sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Nitong Huwebes, November 20, naging tampok ng espekulasyon ang litrato nina John Lloyd at Bea.

Makikitang kasama nila ang Star Magic handler na si Alan Real at road manager na si Wheng Corpuz.

Ang Star Magic ay talent management arm ng ABS-CBN.

Na-excite ang fans nina John Lloyd at Bea sa pag-aakalang ang pagkikita nina John Lloyd at Bea ay para sa isang reunion project.

Continue reading below ↓

Ang totoo ay parehong guests sina John Lloyd at Bea sa isang pribadong pagtitipon at wala itong kinalaman sa anumang acting project.

Ngayong Biyernes ng hapon, November 20, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star Magic PR Head na si Thess Gubi.

Kinumpirma ni Thess na ang pagtitipon na dinaluhan nina John Lloyd at Bea ay para sa birthday celebration ng aktres na si Dimples Romana.

Ginanap daw iyon sa Batangas kahapon, at ang nag-organisa ay ang asawa ni Dimples na si Boyet Ahmee.

"Surprise party iyon ni Boyet for Dimples," paglilinaw ni Thess.

Noon pang November 13 ang 36th birthday ni Dimples, pero hindi raw natuloy ang naunang date ng party na inayos ni Boyet.

Ayon pa kay Thess, Star Magic handler at road manager ni Dimples ang kasama nina Bea at John Lloyd sa litrato.

Sina John Lloyd, Bea, at Dimples ay nanatiling magkakaibigan mula nang magkatrabaho sila sa iconic romance-drama movie na One More Chance noong 2007.

Continue reading below ↓

POSTPONED JOHN LLOYD-BEA MOVIE REUNION

Inakala ng ibang fans na para sa isang proyekto ang pagkikita nina John Lloyd at Bea sa Batangas.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October, nakasaad na magbabalik-tambalan sana sina John Lloyd at Bea, sa pelikulang iproprodyus ng ABS-CBN Films at ang huhulma ay ang direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Pero na-postpone ito dahil sa Florence, Italy sana ang setting ng pelikula, at hindi pa ito posibleng gawin dahil sa pandemya.

Sina Bea at John Lloyd ay kilalala bilang mga premyadong aktor ng ABS-CBN.

Pero tatlong taon nang hindi aktibo sa mundo ng showbiz si John Lloyd, mula nang siya ay mag-file ng "indefinite leave" sa Star Magic noong October 2017.

Ang Star Magic ay ang talent management arm ng ABS-CBN.

Ngayon lang muli nagparamdam si John Lloyd na siya ay magbabalik-telebisyon.

Sa hiwalay na ulat ng Cabinet Files ng PEP.ph nitong November 16, 2020, nakasaad na may gagawing "family sitcom" si John Lloyd sa TV5.

Continue reading below ↓

Ang Brighlight Productions ang producer ng sitcom, at eere ito bilang blocktimer sa Kapatid Network.

Si dating Negros Occidental Third District Representative Albee Benitez ang may-ari ng nabanggit na film and TV production company.

JOHN LLOYD AND BEA VIRTUAL INTERACTIONS

Sina Bea at John Lloyd ay nakilala sa tambalan nila sa walong pelikula at pitong teleserye, na ginawa nila sa bakuran ng ABS-CBN mula 2002 hanggang 2015.

Noong 2016, may bali-balitang nagkakamabutihan ang dalawa matapos ang hiwalayan nila sa kani-kanilang karelasyon noon.

Pero nanindigan sina John Lloyd at Bea na magkaibigan lang sila at walang katotohanang may pagsinta sila sa isa't isa.

Nitong April 2020, muling pinakilig nina John Lloyd at Bea ang kanilang fans nang magpalitan sila ng cute messages sa Instagram, gamit ang handle ni John Lloyd na @dumpsitegallery at handle ni Bea na @beaalonzo.

Nasundan ito ng Instagram Live ni Bea kunsaan nakausap niya sa live streaming si John Lloyd habang nanonood ang followers ng aktres.

Continue reading below ↓

Masayang ni-reenact pa nina John Lloyd at Bea ang mga unforgettable scenes nila sa One More Chance.

Pinakilala rin noon ni John Lloyd kay Bea ang anak ng aktor na si Elias.

Ang virtual interactions ng perennial love team ay bahagi ng "unconfined cinema" project ng writer na si Antoinette Jadaone at project producers na sina Dan Villegas, Erwin Romulo, at Philbert Dy.

PREVIOUS SIGHTINGS

Bago nagkaroon ng pandemya at enforced quarantine sa bansa, ilang beses na ring namataang magkasama sina John Lloyd at Bea off cam.

Noong February 14, nag-collab sila para sa isang live script reading ng pelikulang That Thing Called Tadhana sa Ayala Triangle, Makati City.

Pero siyam na araw bago iyon ay namataan silang kumakain sa isang restaurant sa Makati.

Noon namang February 15, nagkita sina John Lloyd, Bea, at Baron Geisler sa isang restaurant.

Dating nagkatrabaho ang tatlo sa defunct Kapamilya teleserye na It Might Be You.

Continue reading below ↓

Noong July 2020, nagpaabot ng birthday greeting si Bea kay John Lloyd at sinabing dapat ay ilibre siya ng aktor sa susunod nilang pagkikita.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz and Bea Alonzo meet in Batangas not for a reunion project but for a private party. They are among the select guests for the 36th birthday party of Dimples Romana.
PHOTO/S: @whengcorpuz / CTTO Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results