Mystery guy calls Angelica Panganiban “Honn”: Is he Angelica’s new boyfriend?

by Bernie V. Franco
Nov 20, 2020
Netizens suspect that Angelica Panganiban is in a relationship with a non-showbiz guy, who called the actress "Honn" in a comment. Recently Angelica's close friends teased her about having someone taking care of her now.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram / Facebook

Siya na ba ang lalaking nagpapatibok ngayon sa puso ni Angelica Panganiban?

Ito ang tanong ng netizens nang makita ang screenshot ng pakikipagpalitan ng sweet comments ng Kapamilya actress sa isang non-showbiz guy.

Ang hinala ng netizens, posibleng ang lalaking ito ang sinasabing “nagki-care” at nagpapasaya ngayon sa 34 anyos na Kapamilya actress.

Base sa screenshot na lumabas sa isang gossip vlog, nag-post ang non-showbiz guy ng larawan niyang nakasuot ng PPE, life vest, face mask, at shades. Makikita rin na ang background niya ay dagat.

Base sa check-in sa post ng lalaki, kuha ang larawan sa isang pier sa Batangas.

Caption ng lalaki sa kanyang post (published as is): “Not the normal we want but what we got at the moment. This to shall pass. Must keep pushing ahead.”

Nag-comment dito si Angelica: “Come home na.”

Sagot ng lalaki: “@iamangelicap just a few more days Honn. [kiss emojis]”

Bukod kay Angelica, kapansin-pansin ding naka-follow sa Instagram account ng lalaki sina Bela Padilla, Kim Chiu, Glaiza, at Paulo Avelino, na kilalang malalapit na showbiz friends ni Angelica.

Continue reading below ↓

Si Paulo ay leading man din ni Angelica sa ongoing teleseryeng Walang Hanggang Paalam.

Sa pagsasaliksik ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang mystery guy ay lumalabas na chief executive officer (CEO) ng isang boat service company sa Subic Bay sa Zambales.

Ang boat service company ay lumilikha, nagbebenta, at nagpaparenta ng water crafts.

Continue reading below ↓

Sa Facebook page ng boat service business ay ipinost din ang ilang larawan ng CEO nito, na siyang kapalitan ng mensahe ni Angelica.

Ang Subic naman ay isa sa mga location ng ongoing teleserye ni Angelica.

Nagpadala kami ng mensahe kay Angelica, Biyernes ng umaga, November 20, upang hingan ng pahayag tungkol sa mystery guy na inili-link sa kanya.

Continue reading below ↓

At this writing, wala pa kaming natatanggap na sagot.

ANGELICA'S LOVE LIFE

Nitong mga nakalipas na linggo, muling pinag-usapan ang tungkol sa love life ni Angelica.

Nagsunud-sunod kasi ang pambibisto kay Angelica ng kanyang close friends sa birthday celebration ng aktres sa online show nitong Ask Angelica noong November 6, 2020.

Hinuhuli nila si Angelica tungkol sa lagay ng kanyang puso, pero naging maingat si Angelica.

Matutukoy na masaya ang disposisyon ni Angelica sa kasalukuyan nang sabihin niyang wala na siyang mahihiling pa sa kanyang buhay.

Mahihinuha namang may laman ang mensahe ng dalawang best friends ni Angelica—ang aktres na si Glaiza de Castro at non-showbiz friend na si Kevin Samson.

Ani Glaiza, alam niyang hindi na mahihirapan si Angelica ngayon dahil may “nagki-care” na sa aktres.

Sabi naman ni Kevin Samson, “Alam ko naman na you’re more than happy right now.

“Kasi naniniwala ako na for every person na aalis sa buhay mo, even temporary lang, meron at merong ipapalit si Lord to make you even more happier.”

Continue reading below ↓

ANGELICA'S PAST BOYFRIENDS

Karamihan sa mga naging kasintahan ni Angelica ay mula sa showbiz.

Una niyang naging boyfriend si Carlo Aquino. Tumagal ng anim na taon ang kanilang relasyon.

Sumunod si Derek Ramsay, na tumagal ng anim na taon ang relasyon bago sila naghiwalay noong 2012.

Apat na taon naman ang itinagal ng relasyon nila ni John Lloyd Cruz, bago sila naghiwalay noong 2016.

Kamakailan ay kumalat ang usap-usapang ang boyfriend ngayon ni Angelica ay si Zanjoe Marudo, na leading man din ng aktres sa Walang Hanggang Paalam.

Lumabas ang pagli-link sa dalawa ilang araw matapos ibisto si Angelica ng kanyang mga kaibigan tungkol sa masayang estado ng love life ng aktres.

Sinakyan naman ito nina Angelica at Zanjoe, na nag-post pa sa social media tungkol sa paglalagay-malisya sa kanilang pagkakaibigan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens suspect that Angelica Panganiban is in a relationship with a non-showbiz guy, who called the actress "Honn" in a comment. Recently Angelica's close friends teased her about having someone taking care of her now.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results