DepEd admits mistake in module tagging tattoo as symbol of criminals; Neil Arce slams “judgemental” teachings

by Jet Hitosis
Nov 21, 2020
Film producer and tattoo enthusiast Neil Arce (left) shares international singer Lea Salonga's (right) sentiments against a Department of Education "quality-assured" module implying that people with tattoos are criminals.
PHOTO/S: @neil_arce, @msleasalonga on Instagram, Lea Salonga on Facebook

Kumpirmadong “quality assured” ng Department of Education (DepEd) Central Office ang self-learning module na nagsasabing ang tattoo ay “simbolo ng pagiging kriminal.”

Ito ang inamin ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio nitong Huwebes, November 19, sa exclusive report ng Manila Bulletin.

Tiniyak naman ni San Antonio na nakapaglabas na ang DepEd ng “erratum on this.”

Ang erratum ay ang pagtutuwid sa pagkakamaling na-publish sa isang printed material.

Ang nasabing module ang binatikos ng international singer na si Lea Salonga sa isang Facebook post nitong Martes, November 17.

Kinabukasan, November 18, umalma rin sa ipinahihiwatig ng module ang film producer at fiancé ni Angel Locsin na si Neil Arce, isang tattoo enthusiast.

HORRIFIED LEA

Ipinost ni Lea, 49, ang screenshot ng module dahil gusto niyang makumpirma kung aprubado ba talaga iyon ng DepEd.

Post ni Lea (published as is): “Okay, someone would need to tell me if this thing is really ok’d by the DepEd.

Continue reading below ↓

“And if so, WHAT KIND OF BS IS THIS???”

Sa test exercise page ng module ng Araling Panlipunan, mababasa ang question number 3: “Ang tattoo ay simbolo ng ________.”

Pipiliin ang sagot sa: “A. pagiging kriminal, B. pagkaalipin, C. kagitingan at kagandahan, at D. pagiging mababa ng katayuan sa lipunan.”

Sabi ni Lea: “According to the DepEd answer key, letter A is the correct answer. (For the love of God...)

“I am THIS CLOSE to getting a tattoo, if only to prove a point.”

Continue reading below ↓

neil: “TEACHING KIDS TO BE JUDGEMENTAL”

Sa Instagram Story naman idinaan ni Neil ang reaksiyon niya sa module.

Ipinost ni Neil ang screenshot ng kinukuwestyong module kasama ng litrato ng kanyang “sleeve” tattoo.

Sleeve ang tawag sa tattoo kapag covered nito ang halos buong braso.

Diretsahang binira ni Neil ang DepEd sa caption.

Para sa kanya, mistulang may bagong “mission” na raw ngayon ang kagawaran pagdating sa pagtuturo sa mga bata.

Caption ni Neil: “DepEd is on a roll I feel like teaching kids to be Judgemental is their new mission.”

Continue reading below ↓

ANGEL GETS BODY-SHAMED IN MODULE

Malinaw sa post ni Neil na pinaparunggitan niya ang DepEd kasunod ng body-shaming sa fiancée niyang si Angel, 35, sa isang teacher-made module.

Nitong nakaraang linggo lang, isang gurong taga-Occidental Mindoro ang inihalimbawa si Angel bilang “obese person” sa physical education part ng isang module.

Humingi ng paumanhin ang DepEd sa mga naapektuhan ng body-shaming sa module.

Hinding-hindi raw nito kukunsintihin ang body-shaming kailanman.

Pero nakulangan si Angel sa aksiyon ng DepEd.

Nabigo raw kasi ang kagawaran na makitang ang “teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children," ayon kay Angel.

HOW TO REPORT ERRORS IN MODULES

Tungkol sa module na nag-uugnay sa tattoo at sa pagiging kriminal, nilinaw ni DepEd Undersecretary San Antonio na totoong letter A ang tamang sagot na nakalagay sa answer key.

Pero “wrong” daw ito kaya kaagad daw na nagpalabas ng erratum ang DepEd upang maiwasto ang pagkakamali.

Continue reading below ↓

Aminado si San Antonio na bagamat “quality assured” ng DepEd Central Office ang nabanggit na module, mayroon talagang ilang materials na “might have been overlooked.”

Bilang tugon sa napakaraming report ng pagkakamali raw sa modules, inilunsad ng DepEd ang “DepEd Error Watch.”

Ang anumang katanungan o paglilinaw tungkol sa module ay maaaring i-email sa errorwatch@deped.gov.ph; ipadala bilang text at Viber message sa 0961-6805334; o iparating sa Facebook Messenger sa DepEd Error Watch (@depederrorwatch) o kaya naman ay sa Work chat (deped.workplace.com/groups), gamit ang hashtag na #depederrorwatch.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Film producer and tattoo enthusiast Neil Arce (left) shares international singer Lea Salonga's (right) sentiments against a Department of Education "quality-assured" module implying that people with tattoos are criminals.
PHOTO/S: @neil_arce, @msleasalonga on Instagram, Lea Salonga on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results