Rocco Nacino is now engaged to athlete girlfriend Melissa Gohing

by Bernie V. Franco
Nov 20, 2020
Kapuso actor Rocco Nacino announces on social media that he is now engaged to his girlfriend, volleyball player Melissa Gohing.
PHOTO/S: @nacinorocco on Instagram / Nice Print Photo

“And she said yes.”

Bahagi ito ng maiksing caption ni Rocco Nacino tungkol sa ginawa niyang proposal sa girlfriend na si Melissa Gohing.

Ipinost ni Rocco, 33, ang tungkol sa pagpo-propose niya kay Melissa, 29, sa Instagram ngayong Biyernes ng gabi, November 20.

Nito lamang September 2020 ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang third anniversary.

Kalakip ng post ni Rocco ang larawan nila ni Melissa habang napapalibutan ng flowers at lights. Ang kanilang puwesto ay overlooking sa isang landscape habang sunset.

Simpleng caption ng Kapuso actor: “And she said yes. [heart emoji] I love you Forever @gohingmelissa.”

Continue reading below ↓

Samantala, sa kanyang Instagram account naman ay ipinost ni Melissa ang larawan ng kanyang pamilya at ang pamilya ni Rocco habang nagsasalo-salo sa dining table.

Puno ng kaligayahang caption ni Melissa: “My heart is so full [heart emoji]”

Si Rocco naman ay nag-post ng video ngayong gabi habang nag-i-slow dance sila ni Melissa habang may tumutugtog ng instruments sa kanilang background.

Continue reading below ↓

Kitang-kita ang saya ng dalawa sa kanilang mga ngiti, at kapansin-pansin din ang kumikislap na diamond ring na suot ni Melissa.

Si Rocco ay napapanood sa ongoing Kapuso primetime series na Descendants of the Sun, na pinagbibidahan din nina Dingdong Dantes, Jasmine Curtis Smith, at Jennylyn Mercado.

Si Melissa naman ay isang professional volleyball player na dating bahagi ng De La Salle Lady Spikers.

Continue reading below ↓

Nang maglaon ay napasama siya sa Creamline team ng Premier Volleyball League, kung saan ka-team niya sina Michele Gumabao at Alyssa Valdez.

Unang nakumpirma ang relasyon nina Rocco at Melissa noong March 2018.

Pagsapit naman ng September 2018, kinumpirma ng dalawa na isang taon na silang magkarelasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Rocco Nacino announces on social media that he is now engaged to his girlfriend, volleyball player Melissa Gohing.
PHOTO/S: @nacinorocco on Instagram / Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results