Andrea Torres breaks silence on breakup with Derek Ramsay: "Yes. Derek and I are no longer together."

by Arniel C. Serato
Nov 20, 2020
Andrea Torres (right) on breakup with Derek Ramsay (left): "I’d rather keep the details private as I want to give the break up the same amount of respect that I had for the relationship."
PHOTO/S: Noel Orsal

“Yes. Derek and I are no longer together.”

Ito ang bahagi ng kumpirmasyon ni Andrea Torres, 30, na break na nga sila ni Derek Ramsay, 43.

Sa mensaheng ipinadala nito sa 24 Oras ng GMA-7 ngayong Biyernes ng gabi, November 20, sinabi ng Kapuso actress na nais niyang gawing pribado ang detalye ng kanilang paghihiwalay.

Nais din daw bigyan ng respeto ni Andrea ang naudlot nilang samahan tulad ng ibinigay niyang halaga sa kanilang relasyon noon.

Saad niya, “I’d rather keep the details private as I want to give the break up the same amount of respect that I had for the relationship.

“I think you all know how much it meant to me. I hope you understand.”

Sa huli, sabi ni Andrea, "I will always wish him and his family well.”

RELATED STORY

DEREK: “SHE IS A GREAT WOMAN.”

Kahapon, November 19, nauna nang kinumpirma ni Derek ukol sa hiwalayan nila ni Andrea.

Continue reading below ↓

Nakiusap siya sa netizens na huwag magbintang ng kung anu-ano lalo na't kung tungkol ito sa ex-girlfriend.

Nilinaw rin ni Derek na walang third party sa kanilang hiwalayan.

Medyo mabilis lamang daw ang proseso kung paano humantong ang kanilang relasyon sa tuluyang paghihiwalay ng landas.

Saad pa ni Derek, “Pls don't point the finger at anyone.

“There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman.

“There is no third party!!!! The breakup has happened so fast.”

Sa huli, iginiit ni Derek na mahal niya si Andrea at patuloy niya itong ipagtatanggol laban sa mga maninira.

Pahayag niya, “Maybe 2 people are just not meant to be. Pls respect us nalang.

“We shared our love to all of you sana naman we can keep this to ourselves.

“Mahal ko si ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her.”

September 2019 umamin ang dalawa sa kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Torres (right) on breakup with Derek Ramsay (left): "I’d rather keep the details private as I want to give the break up the same amount of respect that I had for the relationship."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results