Carla Abellana’s dog Wing dies while she saves someone else’s pup

by Jet Hitosis
Nov 21, 2020
Carla Abellana
In an Instagram post on June 7, 2020, actress-animal welfare advocate, Carla Abellana, introduces her adopted dog Wing, whom she revealed had "offer so much comfort" to her during the quarantine period. Wing passed away on November 20, 2020.
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram

“My heart is broken again. And this time it has shattered into tiny pieces.”

Ganito ang bungad ng pagbabalita ni Carla Abellana tungkol sa pagkamatay ng pet dog niyang si Wing.

Si Carla, 34, ay isang Kapuso actress na kilalang animal welfare advocate.

Ngayong taon lang in-adopt ni Carla si Wing, kasama ang kapatid nitong babae na si Fly, mula sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Si Carla ang celebrity ambassador ng PAWS, ang non-government organization (NGO) na pangunahing nagsusulong ng maayos na pagtrato sa mga hayop sa bansa.

Nitong Biyernes ng hapon, November 20, dalawang beses na ipinost ni Carla sa Instagram ang tungkol sa pagpanaw ni Wing.

“EXTRA SWEET” DURING HIS “FINAL MOMENTS”

Sa unang post, ibinahagi ni Carla ang mga litrato nila ni Wing na kuha nito lang Biyernes ng umaga.

Kuwento ni Carla, nag-selfie sila ng kanyang alaga dahil napansin niyang “extra sweet” ito nang umagang iyon.

Continue reading below ↓

“I had no idea those were to be his final moments,” sabi ni Carla sa caption.

Humingi si Carla ng dasal mula sa kanyang 1.8 million Instagram followers para kay Wing.

Umaapela rin ng panalangin ang aktres para sa kapatid ni Wing na si Fly, “who is starting to get depressed right now.”

Continue reading below ↓

“WHY AM I ABLE TO HELP SAVE OTHER ANIMALS AND NOT MY OWN?”

Madetalye ang ikalawang Instagram post ni Carla tungkol sa pamamaalam niya kay Wing.

Ibinahagi niya rito ang mga litrato sa mga huling sandali sa buhay ni Wing, habang nasa loob sila ng veterinary clinic.

Kasama ng aktres ang longtime boyfriend at kapwa Kapuso star na si Tom Rodriguez.

Ayon sa aktres, ilang oras bago pumanaw ang alaga ay tumulong pa siya sa pagpapaopera at pagpapagamot sa isang “Chihuahua mix from Bohol to help save him.”

Ligtas at maayos na raw ang lagay ng chihuahua, na naibalik na rin sa may-ari nito.

“Little did i know that hours later i would rush my own WING to the Vet to try to save him as well,” kuwento ni Carla.

“Except this time i wasn’t able to. I failed.”

Napahimutok si Carla sa nangyari: “Why is it that i am able to help save other animals and not my own, Lord? [broken heart emoji]”

Continue reading below ↓

WING AND FLY

Nag-aalala rin si Carla para sa kapatid ni Wing na si Fly.

“Inseparable” daw kasi ang magkapatid, ayon kay Carla, dahilan kaya sabay niya itong inampon.

Dahil sa nangyari, inaasahan na raw ni Carla na maninibago si Fly sa pagkawala ni Wing.

“I’m trying to find comfort in his sister, Fly, making sure she doesn’t get confused or too lonely without her brother.

“They were inseperable, you see. That’s why i adopted them together.

“While i try to apologize to and comfort Fly, who keeps hiding in the corner of the living room or under our bedroom sofa, i fall asleep while crying on Wing’s bed, with his favorite pillow.”

SUDDEN, UNEXPECTED DEATH

Sa huli, napabalik-tanaw si Carla sa mga umagang si Wing ang nabubungaran niya pagkagising.

Sabi ni Carla: “Who’s gonna be greeting me first thing in the morning when i wake up?

“Who’s gonna wait for me to open my eyes before he comes stretching his way to give me a kiss from his bed to mine? [broken heart emoji]”

Continue reading below ↓

Sa comments section, ilang Instagram followers ni Carla ang nag-usisa kung ano ang ikinamatay ni Wing.

“Biglaan” naman daw kasi ang pagpanaw nito, ayon sa mga netizens.

Wala namang ibinigay na detalye si Carla—sa kanyang posts at maging sa comments section—kung ano ang ikinamatay ng adopted dog niyang Wing.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on June 7, 2020, actress-animal welfare advocate, Carla Abellana, introduces her adopted dog Wing, whom she revealed had "offer so much comfort" to her during the quarantine period. Wing passed away on November 20, 2020.
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results