Lea Salonga apologizes for post about tattoo question on DepEd module: “Someone out there wants to make someone else look incompetent.”

Nov 21, 2020
Lea Salonga corrects her previous post about a DepEd self-learning module saying that tattoos symbolize criminals. She said, "Turns out that the context of that page was such: the discussion was on Philippine History and on the significance of tattoos in our culture. The correct answer was C, that tattoos were a symbol of beauty and courage. Not A, that tats are a sign of being a criminal.”
PHOTO/S: @msleasalonga on Instagram

Nanghingi ng paumanhin si Lea Salonga sa kanyang post tungkol sa diskriminasyon sa mga taong may tattoo sa isang self-learning module (SLM).

Noong Martes, November 17, nag-post si Lea sa kanyang Facebook account ng isang screenshot ng pahina ng SLM na para sa school subject na Araling Panlipunan.

Makikita na isa itong fill-in-the-blanks, multiple-choice exercise. Ang title sa pahina: “Tuklasin.”

Nakabilog ang question number 3. Sabi rito: “Ang tattoo ay simbolo ng ________.”

Ang choices: "A. pagiging kriminal, B. pagkaalipin, C. kagitingan at kagandahan, at D. pagiging mababa ng katayuan sa lipunan."

Ang caption sa kumalat na screenshot: “Letter A ang tamang sagot batay sa key answer from DepEd.”

Kung kukumpletuhin ang entry, sinasabi ritong ang tattoo ay simbolo ng pagiging kriminal.

Sa dalawang sumunod pang entries na mababasa, matutukoy na ang mga tanong ay may kinalaman sa pagiging Muslim.

Sa screenshot, natatakpan ang questions Number 1 at 2 dahil sa caption.

Continue reading below ↓

Nagpahayag naman si Lea ng pagkadismaya rito.

Bahagi ng kanyang Facebook post, "Okay, someone would need to tell me if this thing is really ok’d by the DepEd.

“And if so, WHAT KIND OF BS IS THIS???”

May netizen naman sa comments section ang nag-post ng diumano’y answer key sa SLM.

Ang isang bahagi ng pahina ay nakabilog, at ito ang mga sagot sa multiple-choice exercise na kumakalat ngayon sa social media.

Ang nakabilog sa key answer ay may titulong “Tuklasin,” at ang sagot nga sa number 3 ay letter “A.”

Caption sa screenshot: “Tuklasin Gawain A: No. 3” para idiing ang sagot nga sa tanong ay letter A: Ang pagkakaroon ng tattoo ay simbolo ng pagiging kriminal.

Noong Huwebes, November 19, sa eksklusibong panayam ng Manila Bulletin kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, sinabi niyang “quality assured” ng DepEd Central Office ang SLM na na nagsasabing ang tattoo ay “simbolo ng pagiging kriminal.”

Continue reading below ↓

Nilinaw ni San Antonio na totoong letter A ang tamang sagot na nakalagay sa answer key.

Pero “wrong” daw ito kaya kaagad daw na nagpalabas ng erratum ang DepEd upang maiwasto ang pagkakamali.

Tiniyak din ni San Antonio na nakapaglabas na ang DepEd ng “erratum on this.”

Ang erratum ay ang pagtutuwid sa pagkakamaling na-publish sa isang printed material.

LEA: "someone out there wants to make someone else look incompetent."

Ngayong Sabado, November 21, nag-post si Lea ng update tungkol sa module na kanyang binatikos noong November 17.

Panimula ni Lea, “Okay, so there’s more on this DepEd tattoo story.”

Saad ng Broadway singer, may nag-direct message daw sa kanya ng clarification tungkol sa module.

Ayon sa mensaheng kanyang natanggap, ang tamang sagot daw pala ay "C. kagitingan at kagandahan," at hindi A, na nagsasabing simbolo ng pagiging kriminal ang mga tattoo.

Tila iba ang mensaheng nakarating kay Lea sa paliwanag ni DepEd San Antonio, kung saan inamin nga niyang letter A ang nakalagay na sagot sa answer key, pero ito ay isang erratum sa module.

Continue reading below ↓

Ani Lea (published as is), “Thanks to a direct message (you have my sincerest thanks... you know who you are) sent to me, turns out that the context of that page was such: the discussion was on Philippine History and on the significance of tattoos in our culture. The correct answer was C, that tattoos were a symbol of beauty and courage. Not A, that tats are a sign of being a criminal.”

Dahil dito, nag-apologize si Lea at sa tingin niya, mayroon daw nananabotahe “to make someone else look incompetent.”

Patuloy niya, “So, in my amateur opinion, someone out there wants to make someone else look incompetent. Covering up a big part of the page and making it look like the answer key was marking the wrong letter as correct. For my part in this, allow me to apologize. I just want for our kids to get as good an education as they can get.

Continue reading below ↓

“As for the saboteur, there’s a special place in hell for the likes of you.”

NEIL ARCE: “TEACHING KIDS TO BE JUDGEMENTAL”

Bukod kay Lea, nag-react din ang film producer at fiancé ni Angel Locsin na si Neil Arce sa kumalat na DepEd SML photo.

Saad ni Neil sa kanyang Instagram story: “DepEd is on a roll I feel like teaching kids to be Judgemental is their new mission.”

Continue reading below ↓

Malinaw sa post ni Neil na pinaparunggitan niya ang DepEd kasunod ng body-shaming kay Angel, 35, sa isang teacher-made module.

Nitong nakaraang linggo lang, isang gurong taga-Occidental Mindoro ang inihalimbawa si Angel bilang “obese person” sa physical education part ng isang module.

Humingi ng paumanhin ang DepEd sa mga naapektuhan ng body-shaming sa module.

Hinding-hindi raw nito kukunsintihin ang body-shaming kailanman.

Pero nakulangan si Angel sa aksiyon ng DepEd.

Nabigo raw kasi ang kagawaran na makitang ang “teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children," ayon kay Angel.

Samantala, bilang tugon sa napakaraming report ng pagkakamali raw sa modules, inilunsad ng DepEd ang “DepEd Error Watch.”

Ang anumang katanungan o paglilinaw tungkol sa module ay maaaring i-email sa errorwatch@deped.gov.ph; ipadala bilang text at Viber message sa 0961-6805334; o iparating sa Facebook Messenger sa DepEd Error Watch (@depederrorwatch) o kaya naman ay sa Work chat (deped.workplace.com/groups), gamit ang hashtag na #depederrorwatch.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lea Salonga corrects her previous post about a DepEd self-learning module saying that tattoos symbolize criminals. She said, "Turns out that the context of that page was such: the discussion was on Philippine History and on the significance of tattoos in our culture. The correct answer was C, that tattoos were a symbol of beauty and courage. Not A, that tats are a sign of being a criminal.”
PHOTO/S: @msleasalonga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results