John Lloyd Cruz on showbiz hiatus: “Kailangan na rin munang huminto at magnilay-nilay.”

Nov 21, 2020
John Lloyd Cruz says he does not want to grow old and ask himself, "Paano kung sinubukan ko?" The actor explains in his interview with Boy Abunda that his hiatus from showbiz gave him the chance to do some of the things he has been wanting to do.
PHOTO/S: John Lloyd Cruz Facebook / Black Sheep

“Parang kailangan na rin munang huminto at magnilay-nilay.”

Ito ang naging paliwanag ni John Lloyd Cruz kung bakit pinili niyang magpahinga sa showbiz.

Noong taong 2017, nagdesisyon si John Lloyd na mag-indefinite leave mula sa ABS-CBN at Star Magic.

Kasalukuyan niyang ginagawa noon ang sitcom na Home Sweet Home. Mayroon siyang kontrata sa ABS-CBN at sa film arm nitong Star Cinema.

Noong mga panahong iyon, napapabalita ang relasyon ni John Lloyd kay Ellen Adarna, at bago matapos ang 2017, pumutok sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balitang buntis si Ellen at si John Lloyd ang ama.

Nang mabuntis si Ellen ay namalagi si John Lloyd sa Cebu kasama ng aktres.

Isinilang ni Ellen ang anak nilang si Elias Modesto noong June 2018.

Noong August 2019 naman, nabalita ang paghihiwalay nila ni Ellen, at may bago nang karelasyon ang aktres.

Si John Lloyd naman ay muling naging visible sa showbiz.

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa digital talk show ng Cinema One na Best Talk ngayong Sabado ng gabi, November 21, nagkuwento si John Lloyd tungkol sa desisyon niyang magpahinga muna.

Continue reading below ↓

Dito niya sinabing kinailangan muna niyang huminto at magnilay-nilay.

Paliwanag ni John Lloyd, “Kailangan nang medyo dumistansya.

"Parang gusto mong maging… hindi ko alam, para malagyan mo uli, kailangan mo munang ubusin. Something like that.”

Tanong ni Boy, dahil ba napagod si John Lloyd kaya siya nagpahinga?

Natawa si John Lloyd sa follow-up question ni Boy.

Sagot naman niya, “Parang hindi naman siya story na bago.

“Siguro gusto mo lang… at one point, you realize, sobrang iksi pala ng buhay.

“Gusto ko lang somehow mabigyan din kahit papaano ng halaga, ng atensyon yung mga bagay na hindi mo puwedeng ikaila.

"Yung, di ba, parang hindi mo siya maide-deny, parang kailangan mo siyang gawin?

“Kailangan mo siyang gawin, otherwise, parang tingin ko, ayoko namang tumanda na nagtataka ako kung, 'Paano kung sinubukan ko?'”

Hindi naman nagpaliwanag pa si John Lloyd kung ano ang mga bagay na tinutukoy niyang “hindi mo puwedeng ikaila.”

Continue reading below ↓

Ayon kay John Lloyd, hindi lang basta "what-ifs" ang gusto niyang masagot.

“Hindi lang what-ifs, parang pagka nabigyan ka ng opportunity to experience somehow knowledge or wisdom, irreversible na siya, andoon na siya, e.

“Parang kapag alam mong ito na yung dapat mong gawin, ito yung tama, parang lolokohin mo na lang yung sarili mo kung ide-deny mo yung sarili mo na opportunity na magawa yung gusto mong gawin.”

Subalit kahit man siya ay aminado na mahirap ipaliwanag ang nangyayari sa kanya in the last five years, o ilang taon pa bago siya tuluyang magpahinga sa showbiz.

Taong 2015 nang nag-expire ang kontrata ni John Lloyd sa ABS-CBN kaya tinanggihan niya ang teleseryeng inalok sa kanya, ang Bridges of Love.

Hindi man siya natuloy sa serye, nag-renew pa rin siya ng kontrata sa ABS-CBN.

Subalit bukod sa Home Sweetie Home, puro pelikula lang ang kanyang ginawa.

Ani John Lloyd, “Until now, maniwala ka, Tito Boy, ang hirap i-articulate kung ano man ang nangyayari in the past five years.

Continue reading below ↓

“Tingin ko, marami pa ring sinasabi yung mga lumilipas na sandali hanggang ngayon.

“Kaya parang mas masarap din na magmasid na lang, makinig, huwag na magsalita. Mas interesting kapag ganoon, e.”

Pero kahit naman daw tumigil siya sa paggawa ng “network job,” hindi naman daw huminto si John Lloyd sa paggawa ng sining.

Ilan sa mga nagawang proyekto ni John Lloyd habang naka-leave sa showbiz ay ang short appearance niya sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na Culion.

Noong February 14, 2020, kasama ang ka-love team niyang si Bea Alonzo, nag-script reading sila ng That Thing Called Tadhana para sa isang art fair.

Sa kalagitnaan naman ng lockdown, noong April 2020, nagkasama rin si John Lloyd at Bea sa experimental project nila sa Instagram na “The Unconfined Cinema.”

“Nawalan man ako ng trabaho pero ang dami ring naging… huminto muna ako ng matagal pero hindi naman ako tumitigil ng paggawa.

Continue reading below ↓

“Kahit panaka-naka, binibigyan ako ng magagawa ng mga kaibigan ko. So yung mga panahon na iyon, medyo enriching din naman yung process.”

SHOWBIZ COMEBACK

Nakatakda si John Lloyd na lumabas sa pelikulang Servando Magdamag, na ididirek ni Lav Diaz.

Naging magkaibigan sina John Lloyd at Lav nang gawin nila ang mga pelikulang Hele sa Hiwagang Hapis (2016) at Ang Babaeng Humayo (2016).

Sa bandang dulo ng interview ni John Lloyd kay Boy, nabanggit niyang “kailangan pa ring magtrabaho.”

Ibig sabihin ba nito ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagbabalik-pelikula?

Sabi ni John Lloyd, “Gaya nga ng sabi ko, Tito Boy, kahit na tumigil ako sa network job, hindi ako tumigil sa paggawa ng sining.”

Gusto lang daw talaga noon ni John Lloyd na masubukan na ang mga bagay na hindi pa niya nagagawa pero gusto niyang gawin.

“Naging abnormal yung hindi magawa yung tingin mong pinapaniwalaan mong dapat mong magawa.

"Parang sa nagdaang medyo ilang taon din, it felt abnormal na hindi mo magawa yung gusto mo na napakasimple naman.

Continue reading below ↓

“Hindi ko naman maituturing na masama yung gusto ko. It’s just that ako rin naman yung bumuo ng sarili ko.

“Hindi ko lang siguro naplano nang maayos, pero yung importansya na magawa yung paniniwala mo na gusto mong gawin.”

Hindi naman napag-usapan sa interview ang mga balitang gagawa ng proyekto si John Lloyd sa ilalim ng Brighlight Productions.

Ang Brightlight Productions ay pag-aari ng dating Negros Occidental congressman na si Albee T. Benitez.

Mayroong blocktime deal ang produksyon sa TV5, kung saan napapanood ang karamihan sa ABS-CBN stars pagkatapos mapaso ang prangkisa nito at hindi i-renew ng Kongreso noong July 2020.

May pelikula ring dapat gagawin sina John Lloyd at Bea sa Star Cinema, subalit "put on hold" ito dahil sa pandemic.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz says he does not want to grow old and ask himself, "Paano kung sinubukan ko?" The actor explains in his interview with Boy Abunda that his hiatus from showbiz gave him the chance to do some of the things he has been wanting to do.
PHOTO/S: John Lloyd Cruz Facebook / Black Sheep
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results