Ruru Madrid on Bianca Umali: "Yung relationship naming dalawa, isang bagay na espesyal sa akin."

by Rachelle Siazon
4 days ago
Short of admitting that Bianca Umali is his girlfriend, Ruru Madrid says he wants to keep his relationship with Bianca Umali low-key.
PHOTO/S: @bianx Instagram

Na-hotseat si Ruru Madrid tungkol sa estado ng relasyon nila ni Bianca Umali nang maging celebrity guest ang aktor sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) noong November 16.

Sina Ruru, 22, at Bianca, 20, ay parehong exclusive stars ng GMA-7, at dating co-hosts ng defunct Sunday musical variety show na Sunday PinaSaya.

Ang TBATS ay ang Sunday late-night variety show sa Kapuso Network na ang co-hosts ay sina Boobay at Super Tekla.

Nang usisain ang tungkol sa pagiging bukas nina Ruru at Bianca tungkol sa kanilang relasyon, tila ang tinutukoy nina Boobay at Super Tekla ay ang sweet couple photos na kung minsan ay pino-post Ruru at Bianca sa kani-kanilang Instagram accounts.

Pero nilinaw ni Ruru na wala pa raw sila inaamin ni Bianca na label ng kanilang relasyon.

"Wait lang po, may lilinawin lang po ako, ha. Wala naman po kaming inamin ni Bianca.

"Hindi naman po kami open sa relationship.

Continue reading below ↓

"Basta kung ano pong nakikita niyo, iyon na lang talaga."

Gayunman, hindi pinalampas ni Boobay ang pagkakataon na tanungin kung "exclusive" ba sina Ruru at Bianca sa isa't isa.

Sagot ni Ruru: "Siguro, masasabi ko yung relationship naming dalawa, isang bagay na espesyal sa akin.

"Hindi pa siguro napapanahon para i-share ko yun. But it doesn't mean na hindi ako proud dun.

"Kumbaga mas gusto ko lang... tini-treasure ko muna na sa akin lang muna."

Sa larong "Feeling The Blank" sa show, game namang isinulat ni Ruru kung sino ang babaeng pinakapinagselosan ni Bianca.

Pero tanging sina Boobay at Super Tekla ang nakakita ng sagot ng aktor.

Bakit nagselos si Bianca?

Napapangiting sagot ni Ruru, "Hindi naman selos. Siguro pa-joke lang. Pahapyaw lang, mga ganyan."

Tila taga-showbiz din ang personalidad na pinagselosan ni Bianca, pero ayon kay Ruru, hindi raw niya nakatrabaho sa teleserye ang hindi-pinangalanang personalidad.

Sabay iwas na ni Ruru, "Next question please!"

Continue reading below ↓

RELATIONSHIP HISTORY

Low-key man si Ruru pagdating sa pagsinta niya kay Bianca, hindi kaila sa mga masugid na tagasubaybay ng dalawa na mahigit dalawang taon na silang napapabalitang may ugnayan.

Namataan na silang nagbakasyon sa Siargao noong November 2018, at sinasabing nagpalagay rin umano sila ng matching rose tattoos noong October 2018.

Noon namang 2019, may mga lumabas ding video kunsaan nagdu-duet sila ng love songs sa private gatherings kasama ng kanilang malalapit na mga kaibigan.

Hanggang sa noong March 2020, nag-post si Ruru sa Instagram ng litrato kunsaan makikitang sweet sila na magkawak-kamay at nakasuot ng matching white sneakers.

Continue reading below ↓

Noong July, si Bianca naman ang nagpahiwatig ng pagtatangi kay Ruru sa pamamagitan ng Instagram post kunsaan makikita sa litrato na magkadikit ang kanilang mga mukha.

Sinundan pa iyon ni Bianca, noong September 27, ng isa pang litrato na magkasama sila ni Ruru.

Wala mang nilalagay na caption ang aktres, makikita sa kilos nila ng binata na espesyal ang pagtitinginan nila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Short of admitting that Bianca Umali is his girlfriend, Ruru Madrid says he wants to keep his relationship with Bianca Umali low-key.
PHOTO/S: @bianx Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results