Frankie Pangilinan answers DDS dissing Sharon Cuneta's past love life

by Rachelle Siazon
5 days ago
Frankie Pangilinan's response to her critic on Twitter: "nawalan ako ng brain cells sa pagbasa nito pero sana bayad ka dyan sayang naman din brain cells mo."
PHOTO/S: @kakiep83 Twitter

Pinalagan ni Frankie Pangilinan ang isang netizen na bumatikos sa makulay na buhay pag-ibig ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Ginawa kasing argumento ng netizen ang past love life ni Sharon, upang kontrahin ang opinyon ni Frankie tungkol sa isyung may kinalaman kay Vice President Leni Robredo.

Natukoy ang netizen bilang tagapagtanggol ng Pangulong Rodrigo Duterte, o kung tawagin ay Diehard Duterte supporter (DDS).

Mainit na tweet ng netizen kay Frankie: "How about your mom? is she an example of more and more and more boyfriends and landed to your dad?

"hypocrites!

"we better like a person like duterte because that is opposite from his real personality than people like you."

Namangha si Frankie sa pagkuwestiyon ng netizen sa buhay pag-ibig ni Sharon, gayong ang tweet niya tungkol kay VP Robredo ay walang kinalaman sa actress/TV/host.

Balik-sagot ni Frankie sa kanyang detractor, "nawalan ako ng brain cells sa pagbasa nito pero sana bayad ka dyan sayang naman din brain cells mo."

Continue reading below ↓


Si Frankie ay anak ng aktres na si Sharon sa asawang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Half-sibling ni Frankie si KC Concepcion, na anak ni Sharon sa ex-husband na si Gabby Concepcion.

Noong dalaga pa si Sharon, ilan sa mga naging nobyo niya sa showbiz ay sina Robin Padilla at Richard Gomez.

Continue reading below ↓

ON VP ROBREDO DENYING ALLEGED AFFAIRS

Inungkat ng DDS na netizen ang tungkol sa mga naging "boyfriends" ni Sharon dahil sa naunang tweets ni Frankie noong November 20.

Nag-tweet si Frankie tungkol sa ulat kunsaan pinabulaanan ni VP Robredo ang maling ispekulasyon na karelasyon niya ang dalawang lalaking inuugnay sa kanya.

Ani VP Robredo sa kanyang Facebook post, ang isa ay "gay friend" at ang isa pa ay katrabaho at kaalyado lamang niya.

Komento naman ni Frankie sa isyu, bakit mayroon umanong double standard pagdating sa Pangulo at kay VP Robredo.

Dagdag niya, hindi big deal kung nagkataon man daw na may nobyo si VP Robredo dahil "she’s a grown woman."

Continue reading below ↓

Noon lamang November 17, pinatutusadahan ni Pangulong Duterte na tila "dalawang bahay" ang inuuwian ng bise presidente dahil sa kung sinumang kinatatagpo umano nito.

Sa kanyang televised nation address, tirada ni Pangulong Duterte kay VP Robredo: "Ikaw, noong gabi, anong oras ka umuwi?

"Isang bahay ka lang ba, dalawang bahay? Nagtatanong lang ako. Kay congressman ka. Kaninong bahay ka natagalan?"

HOT STORIES

PRESIDENT DUTERTE VS VP ROBREDO

Bukod dito ay kinondena ng Pangulo ang umano'y "pakana" ni VP Robredo na ipalaganap sa social media ang mga katagang "Nasaan ang Pangulo?" noong kasagsagan ng Typhoon Ulysses.

Taliwas daw sa birada sa kanya sa social media, nilinaw ng Pangulo na hindi siya "natutulog," kundi abala sa virtual ASEAN Summit, na ginanap mula November 12 to 15.

Mahalaga raw na daluhan niya iyon dahil sa speech niya tungkol sa iba't ibang problemang kinahaharap ng bansa.

Sinabi rin ng Pangulo na noong ikalawang araw ng ASEAN Summit ay um-absent na siya upang personal na tingnan ang mga lugar na napinsala nang husto ng bagyo.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng Twitter, umalma si VP Robredo at sinabing "mainit ang ulo" sa kanya ng Pangulo dahil mali ang impormasyong nakarating dito.

Diin ng bise-presidente, wala raw siyang anumang tweets na kinukuwestiyon kung nasaan ang Pangulo noong kasagsagan ng bagyo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Frankie Pangilinan's response to her critic on Twitter: "nawalan ako ng brain cells sa pagbasa nito pero sana bayad ka dyan sayang naman din brain cells mo."
PHOTO/S: @kakiep83 Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results