Michele Gumabao visits typhoon-devastated Isabela with non-showbiz boyfriend, siblings  

by Rachelle Siazon
5 days ago
Through her fundraising drive Your 200 Pesos, Michele Gumabao conducts a feeding program in Barangay Turod in Reina Mercedes, Isabela, this Sunday, November 22. Seen in the right photo are her brother Marco (white shirt), sister Gita (bluegreen top) and boyfriend (black shirt) Aldo Panlilio.
PHOTO/S: @gumabaomichele / @gumabaomarco Instagram

Nagtungo sa Isabela province si Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao upang mamigay ng relief goods sa mga nasalanta ni Typhoon Ulysses.

Ngayong Linggo, November 22, nag-post si Michele ng Instagram Stories na kuha habang sakay siya ng eroplano.

"First time to fly again enroute to Isabela for @your200pesos," saad sa caption ni Michele.

Continue reading below ↓

Kasama niya ang non-showbiz boyfriend niyang si Aldo Panlilio, head strength and conditioning coach ng Philippine Basketball Association team na Phoenix Super LPG Fuel Masters.

Apat na taon na silang magkasintahan.

Naroon din ang mga kapatid ni Michele na sina Marco at Gita Gumabao.

Continue reading below ↓

Sakay naman ng isang malaking truck ang relief goods para sa napili nilang beneficiaries sa Isabela.

Ipinakita ni Michele ang first stop ng feeding program na kanyang isinagawa sa pamamagitan ng kanyang fundraising drive na Your 200 Pesos.

Caption ng dalaga sa kanyang post: "First feeding program dito sa Isabela! Madaming tao ang napasaya natin today [grinning emoji] Salamat din Cong Christopher Go sa pagtulong samin makabisita sa district 2."

Continue reading below ↓


RELIEF OPS UNTIL TUESDAY

Nag-post din si Marco ng kuha nila nina Michele, Gita, at Aldo sa Isabela.

"Maraming salamat Brgy Turod ng Reina Mercedes, Isabela sa pag tanggap samin ng mga kapatid ko.

"Nakakataba ng puso makita kayong lahat na naka ngiti [praying emoji]

"thank you kay Mayora Malou Respicio and Cong @edgo88!

Continue reading below ↓

"Bukas naman mag relief ops kami sa Naguilian at Reina Mercedes, kita kits."

Sa hiwalay na post sa Instagram account ng Your 200 Pesos, nakasaad na hanggang sa Martes ang schedule ng feeding program nila roon.


Kuha naman ito nina Aldo, Michele, Marco, at Gita noong nagpa-pack pa lang sila ng relief goods sa Manila:

Continue reading below ↓


Si Michele ay dating co-captain ng De La Salle University volleyball team na Lady Spikers.

Dati siyang housemate sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014.

Ang kapatid niyang si Marco Gumabao ay ABS-CBN star na huling napanood sa defunct teleserye na Los Bastardos.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Through her fundraising drive Your 200 Pesos, Michele Gumabao conducts a feeding program in Barangay Turod in Reina Mercedes, Isabela, this Sunday, November 22. Seen in the right photo are her brother Marco (white shirt), sister Gita (bluegreen top) and boyfriend (black shirt) Aldo Panlilio.
PHOTO/S: @gumabaomichele / @gumabaomarco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results