Bea Alonzo leaves Star Magic after 19 years, but remains a Kapamilya

by Erwin Santiago
Nov 23, 2020
After 19 years, actress Bea Alonzo has decided to leave Star Magic, the talent management arm of ABS-CBN. Bea's showbiz career is now being handled by Shirley Kuan.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)

Wala na sa bakuran ng Star Magic ang aktres na si Bea Alonzo.

Kumpirmado ito sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng ilang ayaw magpakilala ngunit mapagkakatiwalaang industry insiders.

Ang Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN, at dito ay itinuring si Bea bilang isang homegrown talent at isang A-lister.

Homegrown ABS-CBN talent ang tawag sa artistang nasa poder ng network mula nang nag-umpisa ang showbiz career nito.

Si Bea ay naging bahagi ng Star Magic Batch 10 noong 2001, at kabilang sa kanyang batchmates sina Dennis Trillo, Alfred Vargas, Nadine Samonte, TJ Trinidad, at Karel Marquez. Una siyang nakita sa programang K2BU noong 2002, kasama sina Pia Wurtzbach at Shaina Magdayao.

A-lister naman ang tawag sa artistang may premium sa box-office, television ratings, endorsements, at fan base.

Kasama ni Bea sa grupo ng mangilan-ngilang A-listers ng ABS-CBN sina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, Toni Gonzaga, Coco Martin, Vice Ganda, at Sarah Geronimo.

Hindi naman lahat ng ABS-CBN A-listers ay hawak ng Star Magic. Ang iba, gaya ng box-office stars na sina Vice at Sarah ay nasa bakuran ng Viva Artists' Agency Inc.; habang ang TV action prince na si Coco ay fully managed ni Biboy Arboleda, at ang actress/TV host na si Toni ay fully managed ni Pinty Gonzaga, ang kanyang ina.

Ngunit sa matagal na panahon, ang mga artistang ito ay sumikat sa Kapamilya network at dito rin lang sila napapanood.

Hanggang sa nabuwag ang ABS-CBN nang nakabangga nito ang Pangulong Rodrigo Duterte. Noong May 5, 2020, nag-sign off ang higanteng network dala ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission, hanggang sa tuluyan na itong pinagkaitan ng panibagong prangkisa ng pro-administration congressmen noong July 10, 2020.

Si Bea ay napasailalim sa pamamahala ng Star Magic sa loob ng labing-siyam na taon, o sa kahabaan ng kanyang career.

Nitong Oktubre 2020 ay natapos ang kontrata ng actress/endorser sa Star Magic. Napag-alaman ng PEP.ph na hindi na ito nag-renew ng kanyang management contract, at wala namang narinig na alingawngaw mula sa mga boss ng ABS-CBN.

Kaiba ito sa naririnig mula sa bakuran ng Kapamilya network tungkol sa ibang artistang nagsilikas. Pinariringgan umano sila ng "walang utang na loob" at binalaang "wala nang babalikan" kapag umahon muli ang network.

Masasabi nga raw na "emotional blackmail" ang nagaganap, kung saan ipinamumukha raw sa mga artistang tumatanggap ng trabaho sa ibang istasyon na wala silang malasakit sa network na nagpasikat sa kanila, kung kelan pa lugmok ito.

Ang tahimik na sagot ng ilang artista, ayon na rin sa network insiders, ay paaano naman ang binubuhay at pinag-aaral nila kung walang trabahong makuha sa network?

Continue reading below ↓

who is bea's new talent manager?

Bagama't walang mga kumalat na pasaring kay Bea, naging malaking usap-usapan ang mangyayari sa career ng isa sa pinakamagandang mukha sa pelikula at telebisyon.

Sino na ang magma-manage sa 33-year-old actress?

Hanggang sa kahapon ay nakumpirma ng PEP.ph ang balitang nakalipat na si Bea mula sa Star Magic at nasa pamamahala na ng veteran talent manager na si Shirley Kuan.

Ito ay base sa mga usapang umikot sa industriya, kasama na ang umikot sa sirkulo ng independent movie producers, ng mga nasa bakuran ng Kapamilya network, at ng PAMI, o Professional Artists Managers, Inc., isang grupo ng talent managers kung saan miyembro si Shirley Kuan.

Sinikap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap si June Torrejon, presidente ng PAMI, ngunit ipinasa nito ang tanong sa Star Magic. Umiwas din ang isa pang haligi ng PAMI na si Dolor Guevarra, at sinabing ang alam niya'y nakakontrata pa si Bea sa ABS-CBN pero maliban doon ay wala na siyang alam. Si Shirley Kuan naman ay hindi sumasagot sa text messages ng PEP reporters.

Continue reading below ↓

Sa patuloy na pagsisiyasat ng PEP.ph, nakipag-ugnayan kami sa Star Magic PR head na si Ms. Thess Gubi ngayong Lunes ng umaga, November 23.

Pero, tulad ng iba, umiwas din ito sa tanong at sinabing wala silang ibibigay na statement tungkol dito.

Hindi naman malinaw kung bakit walang nagkukumpirma, mula sa magkabilang kampo, sa nakuhang balita ng PEP tungkol kay Bea.

Na si Bea ay wala nang kontrata sa Star Magic.

Na ang talent manager na nito ay si Shirley Kuan, na dati na niyang manager para sa endorsement deals.

Na si Bea ay may exclusive contract pa rin sa ABS-CBN para sa telebisyon at pelikula kaya siya ay matatawag na Kapamilya pa rin.

Na tila wala pang linaw ang mga titulo at tema ng mga proyektong ito, ngunit matunog ang dating usap-usapan ng isang Bea-John Lloyd reunion movie sa ilalim ng Star Cinema. Matagal na ring sinasabing ang magdidirek nito ay si Cathy Garcia Molina, ang nagdirek ng blockbuster Bea-John Lloyd movies na One More Chance (2007), Miss You Like Crazy (2010), at A Second Chance (2015).

Na ang ibig sabihin ay hindi maaaring magkaroon ng kontrata si Bea sa ibang networks at film production companies.

Continue reading below ↓

getting to know SHIRLEY KUAN


Si Shirley Kuan—o kilalang SK—ay talent manager din nina Albert Martinez, Helen Gamboa, Agot Isidro,
Tetchie Agbayani, at ni Donna Cruz, ang kanyang unang kliyente nang bumalik si SK sa Pilipinas matapos magtrabaho sa ilang Hollywood companies.

Hawak din niya ang endorsement deals nina Susan Roces, Coco Martin, at Carmina Villarroel. Ito ay ginagawa niya in collaboration with the stars' talent managers. Malawak ang network ni SK rito, at marami pa siyang talents na hinawakan para sa product deals.

Sa Star Magic, si Johnny Manahan ang co-founder at chairman emeritus ng itinatag na talent management group noong taong 1992. Kasama ni Manahan—na mas kilala bilang Mr. M sa industriya—sa pagbuo ng naging pinakamalaking talent agency sa bansa si Freddie Garcia, na executive vice-president at general manager ng ABS-CBN nang mga panahong iyon.

Umalis na si Mr. M sa ABS-CBN nitong September 2020, at ang long-time head ng Star Magic na si Mariole Alberto ay hanggang December 31, 2020 na lamang sa posisyon.

Continue reading below ↓

Inanunsiyo ng ABS-CBN na simula January 1, 2021, ang papalit na ay si Laurenti Dyogi, na mananatili pa ring head ng TV production ng network.

Ang Star Magic ang responsable sa career ng mahigit 300 artista ng pinakamalaking broadcast station sa bansa.

Bukod kay Bea, ang iba pang mga artistang pinasikat nang husto ng ABS-CBN ay sina Claudine Barretto, Jericho Rosales, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Kim Chiu, Gerald Anderson, at Maja Salvador.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After 19 years, actress Bea Alonzo has decided to leave Star Magic, the talent management arm of ABS-CBN. Bea's showbiz career is now being handled by Shirley Kuan.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results