Karla Estrada’s boyfriend sees forever in their relationship: “Yun yung nakikita ko.”

by Bernie V. Franco
Nov 23, 2020
After one year and five months as a couple, Jam Ignacio says he sees Karla Estrada as his forever.
PHOTO/S: @jamignacio on Instagram

Mahigit isang taon na ang relasyon ni Karla Estrada sa non-showbiz boyfriend niyang si Jam Ignacio.

Pero para kay Jam, nakikita nitong “forever” na niya ang actress-host.

Noong November 21, 2020 ay ipinagdiwang ni Karla ang kanyang ika-46 kaarawan

Nagkaroon siya ng birthday celebration sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay noong Biyernes, November 20.

Guest dito ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Inusisa si Jam kung paano niya ilalarawan ang relasyon nila ni Karla ngayong isang taon at limang buwan na silang magkasama.

“Strong,” maiksing sagot niya.

Tinanong din si Jam kung paano nila nagagawang hindi magkaroon ng away ni Karla.

“Binili ko yung pabrika ng pasensiya,” biro ni Jam.

Pero seryoso niyang dugtong, “Wala naman kaming dapat pag-awayan, kasi hindi naman ako gumagawa ng mga bagay na ikakaaway namin.”

Sa isang punto ng interview, tinanong ni Magui Ford Planas, ang 18 anyos na anak ni Karla, kung nakikita nina Jam at Karla ang isa’t isa bilang forever.

Continue reading below ↓

Sagot ni Jam, “Siyempre, sa akin yun yung nakikita ko.”

Wala naman daw masasabing masama si Karla sa kanyang nobyo.

Sabi ng actress-TV host, “I guess bibigyan ka talaga ni Lord ng taong mas makakaunawa sa iyo, hindi lang sa ugali ko, pati sa sitwasyon ng buong pamilya sa buhay ko.

“And I’m really thankful na binigyan Niya ako ng taong talagang napakabuting tao.

“Wala naman na akong mahihiling pa dito sa tao na ito.”

Dasal din ni Karla, sana ay si Jam na ang huling lalaking makakasama niya hanggang sa pagtanda.

Pahayag niya, “Wala naman akong mapaglagyan din ng saya, di ba?

“Parang matagal naman na natin itong hinintay, dinarasal. Pero everything is lifted up to God.

“Ang mga anak namin, eventually, pag lumaki, e, magkakanya-kanyang pamilya.

“So, might as well tumanda ako hanggang matapos ang buhay ko, kasama ko yung taong totoong mahal ako at aalagaan din ako, di ba?

Continue reading below ↓

“Yun lang yung dasal, at sana eto na yung maging huli. Etong taong ito,” pagtukoy ni Karla kay Jam.

Si Karla ay may apat na anak mula sa apat na lalaking dati niyang nakarelasyon.

Ang panganay na si Daniel Padilla ay anak niya sa aktor na si Rommel Padilla.

Sumunod sina JC, Magui, at si Carmela.

Si Jam ay may dalawa rin anak mula sa dating nakarelasyon.

JAM’S RELATIONSHIP WITH KARLA’S CHILDREN

Ngayong may pandemya, mas nabigyan daw ng pagkakataon si Jam na lalong magkaroon ng magandang relasyon sa mga anak ni Karla.

Aniya, “Magaling din kasi si God. Nabigyan Niya yung… bawat time, yung mga bata, na maging close kami ni Maggie, ni Carmela, ni JC, ni DJ.

“Bawat ano… hindi sabay-sabay, pero may time para sa isa’t isa lang.”

Inusisa rin ni Magui si Jam kung ano ang maipapangako nito sa kanilang magkakapatid.

Sagot ni Jam, “Mapapramis ko sa inyo na ako na bahala sa mama mo. Ako na mag-aalaga.”

Continue reading below ↓

Tila sapat na iyon para kay Magui na marinig sa nobyo ng kanyang ina.

Ani Magui, “Okay na yun sa amin, Tito Jam. Basta si Mama protektado siya, masaya siya, and hind siya mag-isa.”

Kinumpirma rin ni Magui na napag-uusapan nilang magkakapatid si Jam bilang karelasyon ng kanilang ina.

“Of course, siyempre, kaming magkakapatid yung iniisip lang po namin is, siyempre, kalagayan ni Mama.

“We always talk about, ‘Okay na, masaya na si Mama, settled na tayo diyan.’

“As long as she’s happy, we’re happy. As long as she’s safe, we’re sure. Basta happy si Mama.”

Kinumpirma ni Karla ang relasyon nila ni Jam noong November 2019. Pero bago iyon ay may mga lumalabas na silang larawang magkasama.

Ipinagdiwang nila ang kanilang first anniversary nito lamang June 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After one year and five months as a couple, Jam Ignacio says he sees Karla Estrada as his forever.
PHOTO/S: @jamignacio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results