Matteo Guidicelli salutes uniformed personnel, government workers who take action during disasters

by Arniel C. Serato
Nov 23, 2020
Matteo Guidicelli on critics of uniformed personnel and government workers working amid onslaught of Typhoons Rolly and Ulysses in the country: "I feel for the people that bashes them kasi hindi nila alam, e. Hindi nila maintindihan yung sitwasyon on ground, e, sa field mismo. Hindi nila maintindihan."
PHOTO/S: Courtesy: Sun Life Philippines

Maliban sa mga artista at pribadong indibidwal, hindi mapasusubaliang malaki rin ang naging ambag ng mga kasundaluhan at kapulisan sa rescue, relief, and rehabilitation efforts nitong mga nagdaang kalamidad sa bansa.

Gayundin ang mga tauhan ng gobyerno na nangunguna sa pagtulong sa ating mga kababayan na sinalanta ng bagyo at malawakang pagbaha nitong mga nakaraang linggo.

Sa kabila nito, marami pa rin ang hindi kuntento at tila nakukulangan sa kanilang mga trabaho.

Para sa aktor na si Matteo Guidicelli, mga bayani ang mga uniformed personnel at government workers na tumutugon sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Si Matteo ay 2nd Lieutenant sa Army Reserve Force. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumirma ng kanyang promotion papers, mula sa pagiging probationary second lieutenant, noong 2019.

Pahayag ng 30-year-old actor, “They are heroes. Respeto talaga ako sa kanila. They are doing their jobs, they’re doing at the frontlines.

“They are doing what they're supposed to do.”

Continue reading below ↓

Paliwanag pa niya, “You know these rescuers, these government workers, talagang they don’t need to promote themselves or anything.

“They're just there in the service of the Filipino people.

"And then, kung mapiktyuran sila, e, di plus, plus factor, ‘no, but to still... to have so much criticisms and say na they’re not doing their jobs.

“Maraming mga heroes 'yan, e, na hindi natin nare-recognize kumbaga.”

Sumasama ba ang loob niya kapag makaririnig o nakababasa ng pambabatikos sa mga uniformed personnel?

Sabi ni Matteo, “I don’t feel bad at all. I feel very thankful and grateful to them for what they do.

“I feel for the people that bashes them kasi hindi nila alam, e.

“Hindi nila maintindihan yung sitwasyon on ground, e, sa field mismo. Hindi nila maintindihan.

“They deserve so much credit, so much respect talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment media si Matteo sa isang virtual zoom conference noong Biyernes, November 20, para sa kanyang bagong endorsement na Newlywed Starter Pack ng Sun Life Philippines.

Continue reading below ↓

CELEBRITIES WHO EXTENDED HELP

Nitong nanalasa ang sunud-sunod na mapinsalang mga Bagyong Rolly at Ulysses sa bansa, tulung-tulong ang celebrities upang makapag-donate ng kahit anumang bagay para sa mga biktima.

Ang ilan sa kanila ay mula sa sariling bulsa, ang ilan naman ay nagbenta pa ng gamit, at ang iba naman ay nagsagawa ng donation drive para ipantulong.

May mga netizens na humanga sa kanilang mga ginagawa at meron namang nambatikos pa rin. Lalo na kapag nagpu-post ang ilan sa kanilang mga social media accounts ng kanilang ambag para rito.

Ano ang masasabi ni Matteo tungkol dito?

Tugon niya, “Okay lang yun basta tumulong ka lang.

“Ibigay mo yung share mo sa society, yun ang pinakaimportante.

“Siyempre may mga tao talaga diyan na tumutulong talaga mula sa puso, ang importante ginawa nila, okay na yun.

“Masaya na tayo para sa kanila. Para sa tao na natulungan nila kumbaga, ‘no.

“That’s very important.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli on critics of uniformed personnel and government workers working amid onslaught of Typhoons Rolly and Ulysses in the country: "I feel for the people that bashes them kasi hindi nila alam, e. Hindi nila maintindihan yung sitwasyon on ground, e, sa field mismo. Hindi nila maintindihan."
PHOTO/S: Courtesy: Sun Life Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results