Kim Chiu answers bashers cussing at her, calling her "tanga"

by Rachelle Siazon
Nov 23, 2020
Kim Chiu on reading mean comments from her bashers on social media: "Aww... Tanga na naman. Alam ko C-H-I-U apelido ko hindi T-A-N-G-A. Grabe naman, makatanga naman."
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram

"Tao din kami, nasasaktan."

Ito ang paalala ni Kim Chiu sa bashers na panay ang puntirya sa kanya ng masasakit na salita sa social media.

Sa kanyang vlog noong November 20, isa-isang binasa ni Kim ang hate comments na natanggap niya.

Karamihan sa mga iyon ay sinabihan siya ng "tanga" at may isa pang tahasang minura siya.

Sabi raw ng isang basher, "Pero let's all admit Kim Chiu is the most tanga."

Tinawanan lang ito ni Kim at idinaan sa biro ang panlalait ng basher.

"Aww... Tanga na naman. Alam ko C-H-I-U apelido ko hindi T-A-N-G-A. Grabe naman, makatanga naman.

"Naka-graduate naman ako, ha. Naka-graduate naman ako with honor.

"Tsaka name-memorize ko yung lines ko, yung dance ko, and yung song memorize ko rin!

"I think no one's perfect. Only God is perfect."

Tumigil si Kim sa pag-aaral nang tanghalin siyang big winner sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong 2006.

Continue reading below ↓

Pero ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at nakatapos ng high school noong 2011.

Noong 2015, kumuha siya ng kursong business management sa open university ng University of the Philippines, pero hindi pa niya ito natapos.

May sumunod pang basher na nagsabing "Na 'EXPOSED Mo' ang sarili mo Kim Chiu. 'TANGA' ka talaga."

Kalmadong sabi ni Kim: "Ano bang problema niyo? Wala namang tanga. Sadyang may mga taong nagkakamali lang.

"'Tsaka yung pagkakamali na yun, it will help you grow. It will thicken your character in life. It will make you strong.

"Kaya tayo binigyan ng pagkakamali para matututo tayo. So, huwag tanga agad."

KIM CHIU'S "BAWAL LUMABAS" SPEECH-TURNED-SONG

Sa puntong ito, mahihinuhang ang hate comments na binabasa ni Kim ay may kaugnayan sa kanyang nag-viral na pahayag na "Sa classroom may batas, bawal lumabas, o bawal lumabas..."

Noong May 8, kasama si Kim sa ABS-CBN stars na nag-Facebook Live upang ihayag ang kanilang sama ng loob sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN noong May 5.

Continue reading below ↓

Napaglaruan ang speech ni Kim at ginawan ng iba't ibang memes, hanggang sa nilapatan ito ng nakaka-last song syndrome beat ni DJ Squammy.

Nag-collab sina Kim, music producer na si DJ Squammy, at songwriter na si Adrian Crisanta para mabuo ang kanta at i-record ito.

Sa latest vlog ni Kim, binasa niya ang comment ng isa niyang hater na minura siya ng "T*** I*** mo."

Sabi pa raw ng hater, "Andaming puwedeng i-feature na underrated na singers or band. Ba't eto pa talaga."

Depensa ni Kim sa sarili, "Grabe naman. Maganda naman kanta, ha. Marami nga nakinig, e."

Sabay kanta si Kim ng "Sa classroom may bataas..."

"DUN TAYO TUMINGIN SA MAS POSITIVE..."

Ayon kay Kim, pinili niyang bumangon matapos siyang putaktihin ng batikos noong Mayo.

Mas kaya na raw i-handle ni Kim ang bashers niya ngayon.

"Ginawa na siyang kanta, e, so might as well kumanta na rin ako. Binuo na rin namin.

Continue reading below ↓

"Nasa sa inyo naman yun kung gusto niyo pakinggan o hindi. Nagandahan ako, e.

"And gusto ko rin lyrics kasi come out stronger... Inspirational yung kanta kahit nakakatawa yung chorus.

"Marami nag-dislike pero mas marami naman yung nag-like, so that's more important.

"Dun tayo tumingin sa mas positive kasi kung anong nakikita mo, yun ang nai-imbibe mo."

Hirit pa ni Kim sa basher na hindi nagustuhan ang pagkanta niya, "And aminin mo, nakinig ka sa song ko. Thank you so much!"

May netizen naman ang nagsabing ikinayaman daw ni Kim ang paggawa niya ng merchandise shirts na may quote na "Bawal Lumabas" at "Law of Classroom."

Pero paglilinaw ni Kim, napunta ang kinita niya sa pamimigay ng food packs sa 1,500 families na apektado ng COVID-19 pandemic.

Nag-donate din si Kim ng PHP300,000 para sa mass testing kontra COVID sa mga nangangailangang mga komunidad, via Shop and Share, ang fundraising project nina Angel Locsin at Anne Curtis.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Kim, "Dinonate ko naman yung mga kinita ko dun. So, di man ako yumaman sa bulsa, yumaman naman ako sa good deeds. So that's what's more important."

MUTING her instagram COMMENTS box

Natutunan din daw ni Kim na limitahan ang maaaring mag-comment sa kanyang Instagram comments section.

Ito ay para maiwasan niyang makakita ng bashing na maaari lamang makasira sa kanyang positibong disposisyon.

Nais din niyang iwasan ang netizens na nag-aaway-away sa kanyang Instagram account.

"Kung galit ka man sa akin, hindi mo na mabubuhos yung galit mo sa akin dahil wala ka nang pagbubuhusan kasi pinatay ko na yung comment box.

"Kung gusto mo man ako ipagtanggol, wala ka na rin mapagtatanggol dahil wala na rin akong comment box."

Sa huli, isang quote mula sa Indian lawyer at anti-colonial nationalist na si Mahatma Ghandi ang nagsilbing aral daw kay Kim: "Nobody can hurt me without my permission."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu on reading mean comments from her bashers on social media: "Aww... Tanga na naman. Alam ko C-H-I-U apelido ko hindi T-A-N-G-A. Grabe naman, makatanga naman."
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results