Glaiza de Castro distributes relief goods to typhoon victims on her way back to Baler

by Bernie V. Franco
Nov 23, 2020
Glaiza de Castro returns to Baler, Aurora, and distributes relief goods to typhoon victims along the way. The Kapuso actress describes her trip to the region as "bittersweet" after seeing the damage done by Typhoon Ulysses.
PHOTO/S: @glaizaredux and @luigi_tinio on Instagram

“Bittersweet.”

Ganito inilarawan ni Glaiza de Castro ang pagbabalik niya sa Baler, Aurora, nang makita ang matinding pinsalang idinulot ng bagyong Ulysses.

Bukod sa pagsadya sa Baler upang mag-abot ng tulong sa mga residente roon, si Glaiza ay mayroon ding property roon, ang Casa Galura, na ginawa niyang bed-and-breakfast business.

Galura ang tunay na apelyido ng Kapuso actress.

Sa kanyang pagbabalik sa Baler nitong weekend, nag-post ng black-and-white photos ang aktres sa Instagram.

Makikita sa kanyang mga kuhang larawan ang mga nasirang bahay dulot ng bagyo.

Ipinost din niya ang larawan ng mga residenteng inabutan niya ng relief goods.

Kita sa mga larawan ang pag-aabot ni Glaiza ng relief goods na iniangkas sa kanyang sasakyan.

Continue reading below ↓

Sa kanyang caption, nabanggit ni Glaiza na magkahalo ang kanyang nararamdaman sa pagbabalik sa Baler.

Aniya, “Ang bittersweet ng biyahe pabalik ng Baler. Masaya dahil andito na ulit pero nakakalungkot din makita na apektado ang ilan dahil sa bagyo. Pero unti unti, aahon tayo.”

Nanawagan din si Glaiza na ituloy lang ang pag-aabot ng tulong sa mga nasalanta.

“Sa lahat ng naging bahagi ng pagtulong, maraming maraming salamat sa mabubuti niyong puso.

“Bagama’t marami pa rin ang hindi pa napupuntahan, sana ay maging daan ito para maipaabot natin sa kanila sa susunod ang tulong sa kahit na anong uri ng paraan.”

Naging aktibo rin si Glaiza sa paggamit ng kanyang social media para manawagan na matulungan ang typhoon victims.

Noong nakaraang linggo rin ay nakaagaw ng atensiyon si Glaiza nang mag-tweet siya ng pasaring kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinatutsadahan ni Glaiza ang isinagawang aerial inspection ng Pangulo sa lalawigan ng Cagayan, na isa rin sa matinding sinalanta ng Bagyong Ulysses.

Continue reading below ↓

Ni-repost ni Glaiza ang kuhang larawan ni Pangulong Duterte, kasama si Senator Bong Go, habang sakay ng helicopter para sa isinagawang aerial inspection.

Patama ni Glaiza: “Yung may nakita ka nang mali pero nag inspect ka lang.”

Umani ng magkahalong reaksiyon mula sa netizens ang maiksing tweet na ito ni Glaiza.

Lalo’t matinding pinag-usapan sa social media ang paghahanap sa Pangulo dahil sa sunud-sunod na pagtama ng malalakas na bagyo sa bansa.

Bago ang Bagyong Ulysses, tumama rin sa Pilipinas ang super-typhoon na Rolly PH pagpasok ng November.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro returns to Baler, Aurora, and distributes relief goods to typhoon victims along the way. The Kapuso actress describes her trip to the region as "bittersweet" after seeing the damage done by Typhoon Ulysses.
PHOTO/S: @glaizaredux and @luigi_tinio on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results