Zanjoe Marudo’s alleged breakup with Josie Prendergast revealed after photos of her with a new guy surface

by Jet Hitosis
Nov 23, 2020
Netizens believe that actor Zanjoe Marudo (left) and model-surfer Josie Prendergast (right) have broken up after sweet photos of Josie with a new guy surfaced last week (center).
PHOTO/S: @onlyzanjoemarudo, @josie_prendergast on Instagram

Pinaniniwalaang hiwalay na si Zanjoe Marudo sa girlfriend niyang Filipino-Australian model-surfer na si Josie Prendergast.

Hindi tukoy kung ilang buwan na ang nakalipas nang mangyari ang hinihinalang breakup sa pagitan ng 38-year-old Kapamilya actor at ng 21-year-old Siargao-based model-surfer.

Kung gaano kasi naging pribado si Zanjoe tungkol sa pagkakamabutihan nila ni Josie noong 2018, ganoon din inilihim ng aktor ang pinaniniwalaang hiwalayan nila.

Kung may isang bagay man na sigurado, sakaling totoo ang breakup, ay wala pang isang taon ang nakalipas nang mangyari iyon.

Sa isang mediacon kasi noong January 10, 2020, nagkuwento pa si Zanjoe kung gaano siya ka-“happy” sa relationship nila ni Josie.

Nag-celebrate raw kasi sila ng Pasko at Bagong Taon sa bayan ng pamilya ni Zanjoe sa Batangas at sa pamilya ni Josie sa Siargao.

Pagkatapos nito, nanatiling low profile ang relasyong Zanjoe-Josie; wala nang update tungkol sa kanila na lumabas sa social media.

Zanjoe and Josie

Continue reading below ↓

A NEW BEAU FOR JOSIE?

Hanggang sa biglang sumulpot sa social media noong nakaraang linggo ang latest photos ni Josie kasama ang isang lalaking foreigner.

Ang isa sa mga litratong ito ay ipinost mismo ng lalaki gamit ang sariling Instagram nito.

Mahihinuhang kuha sa Siargao ang picture, kung saan nakaupo ang pareha habang nakayakap ang lalaki sa beywang ni Josie.

Kapwa sila nakangiti, habang malambing na nakasandal pa si Josie sa lalaki.

Tanging smiling face with three hearts emoji ang caption ng lalaki sa litrato.

Nag-comment naman si Josie ng isang red heart emoji.

Isang common friend nila ang napakomento ng, “the two sweethearts [black heart emoji].”

Continue reading below ↓

Sa isa pang litratong in-upload ng isang entertainment website, nakayakap muli ang lalaki kay Josie mula sa likuran ng dalaga.

Bahagyang tinakpan ng lalaki ng nakabalabal ditong white towel ang itaas na bahagi ng two-piece printed swimsuit ni Josie.

Kuha sa dalampasigan ang litrato at mahihinuhang katatapos lang nilang umahon sa dagat.

Parehong malaki ang pagkakangiti ng dalawa sa nabanggit na picture, kung saan masuyo pang nakakapit si Josie sa kanang braso ng lalaki.

THE NEW GUY

Natukoy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang lalaking kasama ni Josie ay isang Australian longboard surfer.

Limitado ang impormasyon sa social media pages ng lalaki.

Naka-private kasi ang Instagram at Facebook accounts nito.

Gayunman, hindi nalalayo kay Josie ang edad ng lalaki, na nasa early 20s din.

Tubong-Byron Bay sa New South Wales, Australia ang lalaki.

Sa lugar din na iyon lumaki si Josie.

Australian ang ama ni Josie, habang tubong Siargao naman ang kanyang ina.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Josie sa kanyang blog, sa Siargao siya isinilang, pero nag-migrate sa Byron Bay ang kanyang buong pamilya noong siya at apat na taong gulang.

Nangangahulugang posibleng magkababata si Josie at ang lalaki, at matagal na silang magkakilala.

Sa katunayan, noong February 26, 2016 ay ini-repost ng lalaki sa Facebook ang isang short film tungkol kay Josie.

Ang post ay nagmula sa filmmaker na si Nathan Oldfield, ang creator ng short film ni Josie para sa international surfing clothing brand na iniendorso ng dalaga.

Ang titulo ng short film ay Ladies of the Sea: Josie Prendergast.

Ibig sabihin, ini-repost ng lalaki ang short film na iyon ni Josie dalawang taon bago naging girlfriend ni Zanjoe ang model-surfer.

ZANJOE AND ANGELICA

Sa kasalukuyan, nali-link si Zanjoe sa kapwa Kapamilya talent na si Angelica Panganiban, 34.

Nagkamabutihan daw ang dalawa habang nasa lock-in taping ng serye nilang Walang Hanggang Paalam.

Pero mistulang hindi sineseryoso nina Angelica at Zanjoe ang pagli-link na ito sa kanila.

Continue reading below ↓

Ang alam nga kasi ng lahat ay girlfriend pa ni Zanjoe si Josie.

Kasabay nito, nabalita kailan lang na may bago nang boyfriend si Angelica.

Bukod dito, matagal nang malapit na magkaibigan sina Zanjoe at Angelica, na nagtambal sa Kapamilya daytime series na Playhouse noong nakaraang taon.

Tinangka ng PEP na kuhanan ng komento si Zanjoe sa isyung ito, pero wala siyang response at press time.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens believe that actor Zanjoe Marudo (left) and model-surfer Josie Prendergast (right) have broken up after sweet photos of Josie with a new guy surfaced last week (center).
PHOTO/S: @onlyzanjoemarudo, @josie_prendergast on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results