KC Concepcion sells pre-loved gowns to help fishing communities affected by typhoons

Nov 24, 2020
Live bidding for actress-host KC Concepcion's pre-loved gowns and dresses on Instagram's @thisiskcscloset will end tomorrow, November 25, at 7:00 p.m.
PHOTO/S: @itskcconcepcion, @thisiskcscloset on Instagram

Tuluy-tuloy ang paghahanap ni KC Concepcion ng paraan upang maabutan ng tulong ang mga sinalanta ng bagyo.

Isa ang 35-year-old actress-TV host sa mga celebrities na kaagad kumilos para maayudahan ang matitinding naapektuhan ng magkasunod na bagyong Rolly at Ulysses ngayong November.

Nitong November 15, inianunsiyo ni KC na magde-design siya ng mga alahas na ibebenta para mapondohan ang relief operations sa Cagayan.

Continue reading below ↓

Bagamat hindi direktang tinamaan ng Ulysses, nalubog sa baha ang malaking bahagi ng Cagayan dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.

Kinailangang magpakawala ng tubig ng dam, na muntikang umabot sa spilling level dahil sa pag-uulang dulot ng Ulysses.

Kinabukasan, November 16, personal na namahagi si KC ng relief packs sa mga taga-Tuguegarao City, ang kabisera ng probinsiya.

Continue reading below ↓

KC SELLS PRE-LOVED GOWNS

Nitong Linggo, November 22, inianunsiyo ni KC sa Instagram na isusubasta niya ang ilan niyang pre-loved gowns at dresses.

Ang lahat ng kikitain dito ay mapupunta sa “Project Silong” ng international wildlife conservation organization na World Wildlife Fund (WWF) Philippines.

Si KC ay celebrity ambassador ng WWF Philippines.

Layunin ng Project Silong na tulungang makapagsimulang muli ang mga mangingisda sa Bicol Region “who have lost their boats, homes and livelihoods” dahil sa magkasunod na pananalasa ng Rolly at Ulysses.

Sinimulan nitong Linggo ng gabi ang live bidding sa Instagram page ni KC na @thisiskcscloset.

Ang live bidding ay hanggang bukas na lang, Miyerkules, November 25.

Saad sa post ni KC (published as is): “We will be directly donating to this drive once the 3-day INSTAGRAM GOWN AUCTION drops TONIGHT 11.22 (Sunday) @ 7pm and is closed Wednesday 11.25 @ 7pm - bid on comments section of each item you want on @thisiskcscloset!”

Continue reading below ↓

Sa taya ni Agriculture Secretary William Dar, aabot sa PHP5 billion ang kabuuang pinsala ng bagyong Rolly sa agrikultura, habang halos PHP4 billion naman sa Ulysses, as of November 14.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Live bidding for actress-host KC Concepcion's pre-loved gowns and dresses on Instagram's @thisiskcscloset will end tomorrow, November 25, at 7:00 p.m.
PHOTO/S: @itskcconcepcion, @thisiskcscloset on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results