Michele Gumabao calls non-showbiz boyfriend and herself "lugaw king and queen" 

by Rachelle Siazon
Nov 24, 2020
Michele Gumabao to boyfriend Aldo Panlilio: "Together we are the lugaw king and queen."
PHOTO/S: @aldopanlilio12 / @your200pesos Instagram

Bigo man si Michele Gumabao na masungkit ang Miss Universe Philippines crown, pabirong nakahanap siya ng titulo para sa kanya at non-showbiz boyfriend na si Aldo Panlilio.

Si Michele, 28, ay kinatawan ng Quezon City at itinanghal na second runner-up sa Miss Universe Philippines 2020 pageant.

Si Aldo, 31, ay head strength and conditioning coach ng PBA team na Phoenix Super LPG Fuel Masters.

Tinukso ni Michele si Aldo na sila ang "lugaw king and queen" dahil sa pagiging abala nila sa pagsasagawa ng relief operations para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Noong November 14, nag-post si Aldo ng litrato niya na nagsasandok ng lugaw mula sa isang giant casserole.

Kuha raw iyon nang magtungo sila ni Michele sa apat na lokasyon sa Barangay Silangan sa Quezon City, para sa feeding program para sa "2,000 evacuees."

Sa comments section, nag-iwan si Michele ng mensahe na, "Together we are the lugaw king and queen."

Continue reading below ↓

Nilakipan pa iyon ni Michele ng laughing with tears emoji.

Balik-sagot ni Aldo na tumatawa rin sa panunukso ng nobya, "Cooking tayo."

FUNDRAISING PROJECT

Si Michele ang bumuo ng fundraiser na "Your 200 Pesos" mula noong April 2020.

Layunin nitong magsagawa ng relief operations para sa mga nangangailangan nitong pandemya.

Continue reading below ↓

Hanggang nitong Nobyembre, ang ginawa nilang feeding program activities ay nakatutok sa mga lugar na lubhang apektado ng sunud-sunod na bagyo sa bansa.

Madalas na katuwang ni Michele ang nobyo sa relief ops ng fundraiser.

Ang latest ay ang pagbisita nila sa probinsya ng Isabela para magsagawa ng relief operations mula noong Linggo, November 22 hanggang Lunes, November 23.

Continue reading below ↓

HAPPY LOVE LIFE

Pagdating sa usaping pag-ibig, going strong ang magkasintahang Michele at Aldo.

Noong September 7, nagdiwang sina Michele at Aldo ng kanilang fourth anniversary.

Base ito sa litrato na ipinost ni Aldo, kunsaan may hawak silang cup cakes na may disenyong lettering na "4 years."

Noon namang ika-28 kaarawan ni Michele noong September 2, nag-post si Aldo ng sweet message para sa dalaga.

Kalakip nito ang litrato nila na tila kuha sa isang canyoneering adventure base sa suot nilang head gear at backdrop na waterfalls.

"As big a smile now since the day we met. 2020 has been an adventure on its own, it may not be the adventure we've been used to, but its an adventure i wouldn't wanna spend with anyone else.

"A birthday gift, OUR NEW HOME. Rent free! [laughing with tears and prayer emojis]

"Happy Birthday [lovestruck and heart emojis]."

Sa comments section, sagot ni Michele kay Aldo, "Best birthday gift ever!!!! love you baby!"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michele Gumabao to boyfriend Aldo Panlilio: "Together we are the lugaw king and queen."
PHOTO/S: @aldopanlilio12 / @your200pesos Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results