Maris Racal apologizes for typo error; tweets c*cks instead of clocks

by Arniel C. Serato
Nov 24, 2020
Former Kapamilya star Maris Racal headlines TV5's newest kilig-serye "Stay-in Love" opposite phenomenal Boys Love (BL) series star Kokoy de Santos.
PHOTO/S: Courtesy: @mariesteller on Instagram

Humingi ng dispensa si Maris Racal sa kanyang typographical error sa pagpu-promote ng kanyang bagong palabas sa TV5.

Kagabi, November 23, nag-tweet ang TV5 star ukol sa pilot episode ng pinagbibidahang weekly show sa Kapatid network na Stay-in Love.

Saad niya sa kanyang tweet, “Set your alam cocks!!! 9:30 pm bukas!! Stay-in Love (two heart emojis)”

Continue reading below ↓

Binura kaagad ito ni Maris.

Pero may mga netizens na na-screenshot agad ang post ni Maris at saka ni-retweet ito.

Kasunod nito, nag-apologize naman agad ang aktres.

Aniya, “Typo yun. sorry omg. (crying face emoji)”

Natatawa naman ang ilang netizens sa typo error ni Maris.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

STAY-IN LOVE

Ang Stay-in Love ay ang bagong kilig-serye ng TV5 mula sa CS Studios at Cignal.

Ayon sa website ng TV5 ukol sa istorya ng palabas: “Hindi ito typical katulong vs. amo drama.

"Maaaliw kayo sa kwento ng mga magkapitbahay at kasambahay na, taga-utos man o tagasilbi, sosyal o promdi, Englisher o may punto, pare-parehong ‘pag na-in-love, makalat!”

Continue reading below ↓

Makakasama ni Maris dito sina Kokoy de Santos, Ruffa Gutierrez, Pooh, at Bobby Andrews. Kasama rin dito ang baguhang aktor na si Marc David.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Maris ang official poster ng palabas noong nakaraang November 8.

Sabi niya sa caption, “We’re down to our last shooting day of the first cycle and seeing this poster now, slowly, nagssink in na lahat. Dati pinapangarap ko lang ‘to. Salamat Lord!

“Sana po supportahan niyo ang series na ito! Excited na si Diding maglinis ng mga kalat sa bahay at buhay simula November 24, 9:30PM sa TV5! #StayInLovePosterReveal #CS_Studios #TV5 #Cignal

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Kapamilya star Maris Racal headlines TV5's newest kilig-serye "Stay-in Love" opposite phenomenal Boys Love (BL) series star Kokoy de Santos.
PHOTO/S: Courtesy: @mariesteller on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results