Tess Pineda appeals for financial help from grandson Jake Zyrus

by Arniel C. Serato
Nov 24, 2020
Tess Relucio (left) has a message for her apo Jake Zyrus (right), who's formerly known as Charice Pempengco: "Charice, bakit mo ako ginanito anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinakakain mo. Pero ang lola mo kahit piso hindi mo naaalala?"
PHOTO/S: Courtesy: Mukbangers On The Road on Facebook / @jakezyrusmusic on Instagram

Umapela ng tulong si Tess Pineda, ang lola ng singer na si Jake Zyrus o mas kilala dati sa pangalang Charice Pempengco.

Sa Facebook post ng Mukbangers On The Road noong November 18, ibinahagi nila ang video ni Tess na emosyunal sa kanyang apela.

Nakalagay sa caption ng post (published as is): "Good day mga Kamukbangers siya po si Tess Pineda siya po ang Lola ni Charice Pempengco o mas kilala sa tawag ngayon na Jake Zyrus.

"Siya po ay lumapit saamin at nakiusap na baka pwede daw po namin sya kuhanan ng video upang manawagan sa kaniyang pamilya at makahingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo at Maam Jessica Soho.

"Siya po ay 74 years old na at may mga iniindang karamdaman nais nya pong makapag pa check up dahil lagi na po syang nahihilo kailangan nya rin po ng mga gamot.

"Pansamantala po syang kinukupkop ng isang concern citizen sa Sta.Rosa Laguna hinihiling din po niya na mabigyan sya ng isang makina sa pananahi upang kahit papaano ay makatulong sya sa taong kumukupkop sa kanya..

Continue reading below ↓

"Sa mga nais pong tumulong maari po kayong tumawag sa numerong eto 09972140556/ 0493022302..maraming salamat po.."

"HINDI PO AKO NAAALALA NG PAMILYA KO"

Sa video, una munang umapela si Tess ng tulong mula sa mga personalidad na sina Raffy Tulfo, Jessica Soho, at Boy Abunda.

Si Raffy ay host ng TV5 program na Idol In Action; si Jessica ay host ng GMA program na Kapuso Mo, Jessica Soho; at si Boy ay kilalang TV host sa ABS-CBN.

Pahayag ni Tess: “Magandang umaga po, Sir Tulfo, Ma’am Jessica Soho, kay Boy Abunda...

"Ako po ay lumalapit sa inyo, humihingi po ng kaunting tulong.

“Hinatid po ako dito ng apo ko. Ako po si Tess Pineda, kilala po bilang lola ni Charice Pempengco.

"May sakit po ako, ang BP ko po lagi tatlong araw na, 160/100.”

Kasunod nito, humiling ng kaunting ayuda si Tess para may magamit sa pagpapa-check-up sa kanyang blood pressure (BP) at para makapagsimulang manahi muli.

Continue reading below ↓

Paliwanag niya: “Puwede po ba akong matulungan makapagpa-check-up man lang ako?

"At kung maaari po sana nang makatulong ako sa taong nag-aalaga sa akin, gusto ko pong magkaroon ng makina para makapanahi kahit paunti-unti.

“Kaysa po ako'y lagi na lang nakaupo, nakatanga, nag-aalala sa pamilya, nag-iisip."

Ayon kay Tess, wala raw siyang maasahan sa kanyang pamilya upang magbigay ng pinansiyal na tulong sa kanya.

Dire-diretsong pahayag pa niya: "Hindi po ako naalala ng pamilya ko.

“Lumalapit po ko sa inyo, humihingi ng tulong, makina po at pinansiyal para mapa-check up ko po yung mata ko.

"Nito pong nagdaang taon ako po ay na-istroke sabi ng doktor napatiran daw po ako ng ugat sa ulo, sa batok.

“Pero pinilit ko pong maka-recover. Wala na po kasi ako mapagbili ng gamot.

“Gusto ko pong maghanapbuhay kahit konti, kumita kahit konti... Wala na po akong makina, binenta na nilang lahat.

"Hindi naman po ako sinusustentuhan kahit piso.”

Continue reading below ↓

“CHARICE, BAKIT MO AKO GINAGANITO ANAK?”

Sa dulong bahagi ng video, nagkuwento si Tess tungkol sa apat niyang anak.

Lumalabas na may alitan si Tess at anak na si Raquel Pempengco kaya hindi niya maasahan ito na bigyan siya ng tulong.

Si Raquel ang ina ng singer na si Jake.

Ayon kay Tess, hindi raw siya nagpapaawa.

Pero aniya, kailangan daw niyang maiparating sa mga nakakakilala sa kanya, lalo na sa kanyang apong si Jake, ang kanyang tunay na karamdaman.

Saad ni Tess, “Hindi po ako nagpapahabag.

"Masama ang pakiramdam ko po kung minsan ako'y nakatayo at bigla akong napapaluhod.”

RELATED STORY

Sa puntong ito, nagbigay ng mensahe si Tess para sa apong si Jake, na ang tawag pa rin niya ay Charice.

Humahagulhol na pakiusap ni Tess: “Charice, bakit mo ako ginanito anak?

"Yung ibang tao binubuhay mo, pinakakain mo.

“Pero ang lola mo kahit piso hindi mo naaalala?

“Kung ako ay naging masamang ina, kung ako ay naging masamang lola, sa akin pa rin kayo nagmula.

Continue reading below ↓

“Ano bang kasalanan ko sa inyo para paghigantihan niyo ako ng ganito?”

history of TESS's ILLNESS and her rift with jake

September 2018, nang ma-stroke si Tess kaya pansamantala itong nawalan ng paningin.

Ilang araw siyang nakaratay noon sa Sta. Rosa Hospital sa Laguna.

Ang anak ni Tess na si Raquel ang nagkuwento noon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kondisyon ni Tess.

Continue reading below ↓

Noong panahong iyon ay wala pang alitan ang dalawa.

Ayon kay Raquel: “Naputukan siya ng ugat sa ulo, kaya nagkaroon siya ng mild stroke. Ang effect nun, nawalan siya ng paningin.

“Na-mild stroke siya, pero ang nadale sa kanya yung ugat… yung sa paningin niya, pumutok ang ugat dun sa mata niya.

“May chance daw makakita pero matagal, unti-unti, o baka hindi pa siya makakita.”

Sa Lucban, Quezon noon nagpapagaling si Tess matapos siyang makalabas sa ospital.

Noon ding September 2018, esklusibong nakausap ng PEP.ph si Jake tungkol sa masalimuot na ugnayan nito sa pamilya.

Ayaw idetalye ni Jake ang anumang hidwaan na mayroon sa kanilang pamilya bilang respeto sa kanyang ina at lola.

Pero mahihinuha sa mga binitiwang salita ni Jake na malayo ang loob niya sa kanyang pamilya.

Paliwanag ni Jake, ayaw niyang magpadala sa guilt trip ng ina at lola gayong madalas ay siya ang pinapalabas na "demonyo" sa pamilya.

Continue reading below ↓

Hindi raw para idaan pa sa media kung kinakailangan mang magbigay siya ng tulong para sa lola.

Bahagi ng kanyang pahayag noon: "I'm her grandson. She has children, I think it's kinda unfair na ako lang yung laging pinuntirya."

Wala pang reaksiyon si Jake ukol dito sa bagong apela ni Tess.

Pero, sa ibang post pa rin ng Mukbangers On The Road, makikitang may mga nag-aabot na mga netizens ng kaunting financial support kay Tess.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tess Relucio (left) has a message for her apo Jake Zyrus (right), who's formerly known as Charice Pempengco: "Charice, bakit mo ako ginanito anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinakakain mo. Pero ang lola mo kahit piso hindi mo naaalala?"
PHOTO/S: Courtesy: Mukbangers On The Road on Facebook / @jakezyrusmusic on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results