Umabot sa PHP247,000 ang nalikom na pondo ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo para sa mga biktima ng magkasunod na mapaminsalang bagyong Rolly at Ulysses.
Ang birthday fund drive ni Rabiya ay kanyang sinimulan bago ang kanyang ika-24 kaarawan noong November 14.
Nakiusap siya sa kanyang mga kaibigan at tagahanga na sa halip na materyal na bagay ang iregalo sa kanya, mas mabuting mag-donate na lamang daw sa kanyang fundraising drive.
At noong nakaraang Linggo, November 22, nagsimula nang mamahagi ng relief goods si Rabiya sa Tuguegarao, Cagayan.
Apat na ibat-ibang bayan sa Cagayan ang kaniyang inikot para makapamigay ng ayuda katulong ang ilang volunteers at kawani ng Philippine Army.
Sabi pa ni Rabiya sa kanyang Instagram post, “One day. Four different towns. Same goal. One Heart!
“Thank you so much to all donors who made my birthday donation drive successful.
“We were able to collect Php 247,000.
“Next target is to distribute relief goods around Metro Manila. #PhenomenalWomanInAction”
Bukas, November 25, sa Marikina naman mamimigay sina Rabiya ng relief goods.
Nakatakda silang mamahagi ng relief goods sa limandaang pamilya.
Ang mga probinsiya ng Cagayan at Isabela ay labis na nasalanta ng baha dulot ng Typhoon Ulysses at sa pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam.
Matinding pagbaha rin ang inabot ng siyudad ng Marikina sa Metro Manila at ilang bayan sa lalawigan ng Rizal.
BIRTHDAY FUN DRIVE
November 13, 2020, inanunsiyo ni Rabiya sa Instagram na napagdesisyunan niyang gumawa ng sariling relief mission para sa mga biktima ng Typhoons Rolly at Ulysses.
Labis na nag-aalala ang Ilongga beauty queen para sa mga pamilyang nabaha dulot ng mapanirang magkasunod na bagyo.
Mensahe ni Rabiya, "Tomorrow will be my 24th birthday but I cannot be fully happy knowing some victims of Typhoon Rolly and Ulysses have nothing to eat or wear.
"To all Ilonggos, I’m asking for your support in my Donation Drive on my birthday in any kinds (No clothing for sanitary purposes).
"For those who are interested to donate you can contact me or Miss Air 09176053868.
"All donations gathered will be delivered to the victims of typhoon around Metro Manila.
"In the darkest moment, don’t be afraid to be a helping hand to those people who needed it the most."
Sa ngayon, nagsisimula pa lang bumangon ang mga taong apektado ng magkakasunod na bagyong nanalasa sa bansa.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika