Kris Bernal reveals borrowing Maris Racal’s inner garment for a production number; tells Maris, "Love na kita agad."

by Bernie V. Franco
Nov 24, 2020
Kris Bernal (left photo, right) makes an appreciation post for Kapamilya star Maris Racal, whom Kris called "multitalented" and "supportive." (Right photo) Kris, who used to be a Kapuso actress performed last Sunday on TV5's Sunday variety show.
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram /TV5

Simula pa lang ay nagkaroon na agad ng "personal" bond ang dalawang aktres na sina Kris Bernal at Maris Racal.

Si Kris ay kilalang GMA-7 star, pero ngayong buwan ay inanunsiyong kumawala na siya sa Kapuso network at nagdesisyong maging freelance artist.

Si Maris naman ay highly identified bilang ABS-CBN actress.

Parehong may mga TV projects sina Maris at Kris sa TV5.

Pinagbibidahan ni Kris ang primetime series na Ate Ng Ate Ko, samantalang bida si Maris sa romantic-comedy series na Stay-in Love.

Bagamat bagong magkakilala, naramdaman daw agad ni Kris ang suporta sa kanya ni Maris.

Sa katunayan, pinahiram si Kris ni Maris ng “inner garment” para sa outfit ni Kris sa Sunday Noontime Live (SNL), ang weekend variety show ng Kapatid network.

Sa episode ng SNL nitong Linggo, November 22, nag-perform ng dance number si Kris.

Si Maris naman ay regular na nagpe-perform sa Kapatid variety show.

Mula raw simula hanggang sa dulo, nanood daw si Maris ng performance ni Kris.

Continue reading below ↓

KRIS'S APPRECIATION POST FOR MARIS

Sa kanyang Instagram account inihayag ni Kris ang “appreciation” kay Maris nitong Lunes, November 23.

Todo-puri si Kris kay Maris na tinawag niyang “multitalented” at “supportive.”

Una, ipinost ni Kris ang larawan nilang dalawa ni Maris, at “accidental twinning” daw sila dahil pareho silang naka-feather crop top kahit hindi sila nag-usap.

Atsaka ikinuwento ni Kris na sa kanyang dance production number, pinahiram siya ni Maris ng inner garment.

Sumayaw si Kris sa tugtog ng dance song na “WAP” na kinanta ni Cardi B.

Papuri ni Kris kay Maris: “Appreciation post to this multitalented sweetheart!

“I wouldn’t be able to pull off my WAP dance if she didn’t let me borrow her inner garment. Lol! Trueee story!

“She’s really supportive throughout my WAP dance that she’s even behind the cameras watching.

“Congrats on your new shows, Maris! Keep shining! Love na kita agad!”

Continue reading below ↓

Sumagot sa comments section si Maris. Hindi niya itinago ang pagkagulat na ikinuwento ito ni Kris sa social media.

Natatawang comment ni Maris: “OMG. THE WORLD KNOWS!! Hahahaha congrats nairaos ang prod atee!”

Muling sumagot si Kris at bilang pasasalamat daw, bibigyan niya ng gift certificate (GC) si Maris.

Reply ni Kris kay Maris: “The exact word you said after my prod: ‘KUMAPIT!’ [laughing emoji]

Hindi na idinetalye kung anong inner garment ang ipinahiram ni Maris kay Kris.

Ang outfit ni Kris sa production number ay snake printed top at printed pants na dark blue and gray.

Continue reading below ↓

Dugtong ni Kris: “Thanks Maris!! Congrats on #StayInLove!! [heart and clapping hands emojis] Bigyan kita ng GC! Hahaha!”

Balik-sagot ni Maris: “HAHAHAHAHA Kahit GC lang, okay na ako! Congrats rin sa Ate Ng Ate Ko!! [heart emoji]”

Marami namang netizens ang naibigan ang kuwento ni Kris at natuwa na nagkasundo agad ang dalawang aktres.

Continue reading below ↓

Ang serye ni Kris ay nagsimulang umere nitong Lunes ng gabi, November 23, samantalang ang teleserye ni Maris ay magsisimula ngayong Martes ng gabi, November 24.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Bernal (left photo, right) makes an appreciation post for Kapamilya star Maris Racal, whom Kris called "multitalented" and "supportive." (Right photo) Kris, who used to be a Kapuso actress performed last Sunday on TV5's Sunday variety show.
PHOTO/S: @krisbernal on Instagram /TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results