House passes “Eddie Garcia Bill” ensuring protection of entertainment industry workers

by Jet Hitosis
Nov 25, 2020
The House of Representatives on Tuesday, November 24, approves in the third and final reading the proposed “Eddie Garcia Bill,” named after the legendary actor-director whose death last year put the spotlight on workplace safety in the entertainment industry.
PHOTO/S: PEP file, congress.gov.ph

Pasado na sa Kamara ang panukalang magbibigay ng proteksiyon at titiyak sa kaligtasan ng lahat ng manggagawa sa entertainment industry.

Nitong November 24, Martes, 235 kongresista ang bumoto—walang kumontra at walang nag-abstain—para maisabatas ang House Bill No. 7762.

Ang HB 7762 ay mas kilala bilang “Eddie Garcia Bill.”

Ipinangalan ang panukala sa legendary actor-director na si Eddie Garcia, na-comatose at binawian ng buhay matapos maaksidente sa taping ng isang teleserye ng GMA Network noong June 2019.

Dahil sa sinapit ni Eddie, 90, nagkaroon ng malawakang apela para bigyang-proteksiyon ang lahat ng nagtatrabaho sa industriya ng pelikula, telebisyon, at radyo.

Pinangunahan ni House Deputy Speaker at 1-Pacman Party-list Representative Michael "Mikee" Romero ang pag-aakda ng panukalang titiyak sa mga karapatan ng industry workers.

Si Romero ay stepson ni Eddie.

Ang kongresista ay anak ng domestic partner ni Eddie na si Lilibeth Romero.

THE FUTURE “EDDIE GARCIA ACT”

Sa Senado, ang bersiyon ng Eddie Garcia Bill ay inakda ng actor-politician na si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. (Lakas CMD).

Continue reading below ↓

Ito ay ang Senate Bill No. 294.

Gayunman, nakabimbin pa rin sa committee level ang SB 294 mahigit isang taon matapos itong i-file noong July 8, 2019.

Kailangang may bersiyon ang Senado ng HB 7762 ng Kamara para ma-consolidate ang dalawang panukala.

Ang pinag-isang bersiyon ng Eddie Garcia Bill ang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para pirmahan upang maging ganap itong batas.

Sakaling maging batas, obligado na ang lahat ng employers sa entertainment industry na magkaroon ng kontrata sa mga manggagawa at independent contractors nito.

Dapat na nakadetalye sa kontrata ang posisyon at saklaw ng tungkulin ng empleyado, lahat ng benepisyo nito, at ang mahahalagang polisiya ng employer na makakaapekto sa empleyado, ayon sa HB 7762.

FIXED WORKING HOURS, other BENEFITS FOR WORKERS

Itinatakda ng HB 7762 ang sumusunod na polisiya para sa lahat ng empleyado sa entertainment industry:

  • Walong oras na normal working hours kada araw, na maaaring ma-extend sa 12 oras. Ang mga oras ng trabaho na lampas sa fixed eight hours ay babayaran bilang overtime.
  • Ang minimum wage ng trabahador at independent contractors ay hindi dapat na bababa sa wage rate sa rehiyong pinagtatrabahuhan.
  • Awtomatikong covered ang empleyado ng Social Security System (SSS), Pag-IBIG Fund, at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
  • Obligasyon ng employer na ibigay ang basic necessities ng kawani, tulad ng pagkain kada anim na oras ng trabaho, sapat na inuming tubig, restrooms, pribadong dressing rooms, maaliwalas na holding areas, at libreng accommodation sa mga out-of-town tapings, shootings, at iba pang aktibidad.
  • Pagkakaroon ng occupational safety and health officer na magsasagawa ng assessment sa lugar ng trabaho, partikular kapag outdoors ang produksiyon.
  • Pagkakaroon ng service vehicles para sa anumang emergencies sa production sets.
Continue reading below ↓

EDDIE’S DEATH

June 8, 2019 nang mapatid sa kable si Eddie habang ginagawa ang isang eksena para sa Kapuso teleseryeng Rosang Agimat sa Tondo, Manila.

Nagtamo ng neck fracture ang beteranong actor-director, at na-comatose sa sumunod na dalawang linggo.

Pagsapit ng June 20, 2019, tuluyang binawian ng buhay si Eddie.

Nagsagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon ang GMA at DOLE sa aksidente.

Kasabay nito, hindi na itinuloy ng network ang pagpapalabas sa Rosang Agimat.

Noong December 23, 2019, inatasan ng DOLE ang pamunuan ng GMA at ilan pang pribadong kumpanya na magmulta ng P890,000.

Natukoy raw sa imbestigasyon ng DOLE na tatlong probisyon ng Occupational Safety and Health Standards (OSHS) Law ang nalabag sa aksidente.

Ayon sa DOLE, (1) bigo ang GMA na mai-report kaagad sa kagawaran ang on-set accident, (2) walang safety officer, at (3) wala ring first-aid responder sa location ng taping.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The House of Representatives on Tuesday, November 24, approves in the third and final reading the proposed “Eddie Garcia Bill,” named after the legendary actor-director whose death last year put the spotlight on workplace safety in the entertainment industry.
PHOTO/S: PEP file, congress.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results