Ai-Ai delas Alas laughs off “malakas sayad nun” comment about Mystica

by Arniel C. Serato
Nov 25, 2020
Ai-Ai delas Alas Mystica issue
Ai-Ai delas Alas: "THANK YOU OWE MY LOVE MABABAIT ANG MGA CREW AND STAFF LAHAT WE ARE BLESSED...”
PHOTO/S: Noel Orsal

“HAPPY SET.”

Ganito inilarawan ni Ai-Ai delas Alas ang set ng kinabibilangang bagong romantic-comedy series ng GMA-7 na Owe My Love.

Kagabi, November 24, ni-repost ni Ai-Ai sa kanyang Instagram account ang bahagi ng statement ng pamunuan ng show ukol sa mga akusasyon ni Mystica.

Si Ai-Ai ay isa sa lead stars ng Owe My Love, kung saan kabilang din sa cast si Mystica.

Kalakip ng post ng Comedy Queen ang mensaheng ito: “HAPPY SET DITO AND GOOD VIBES LANG KANINA MASAYA LAHAT KAMI SA CAST.

“THANK YOU OWE MY LOVE MABABAIT ANG MGA CREW AND STAFF LAHAT WE ARE BLESSED..”

Nakalagay pa sa caption ni Ai-Ai, “First taping day of OWE MY LOVE -- masaya , HAPPY SET , na miss ko mga kasamahan ko sa work .. and thank you GOD at may work kami @gmanetwork @gmanewsandpublicaffairs @artistcenter.”

Continue reading below ↓

NETIZENS REACTION TO MYSTICA'S RANT

Sa comments section ay naghayag ng kanilang opinyon ang followers ni Ai-Ai tungkol sa mga reklamo ni Mystica sa taping ng Owe My Love.

Saad ng isang nagkomento, “Yung batikan na aktor hindi nagrereklamo tas yung wala na career siya pa madami kuda hahaha”

Ayon naman sa isa pang follower ni Ai-Ai, “Oo nga,ay naku dami nmang mas ok n artist,bat yun pa daig p mga superstar kung maka asta,ay ambot”

Continue reading below ↓

“May ketek sa utak yun!” ang natatawang komento ng isa pang netizen.

Continue reading below ↓

Suggestion naman ng isa pang nagkomento, sana ay si Roderick Paulate o Allan K na lamang ang kinuha para sa show.

Puna ng isa pa, “bakit kc c Mystica pa kinuha ng @artistcenter eh alam.namn ng lahat ng malakas sayad nun eh sana c @roderickpaulate na lang masaya pa sana at maraming matutuwA”

Continue reading below ↓

Isang malutong na tawa ang sagot ni Ai-Ai rito.

MYSTICA RANTS ABOUT ALLEGED UNFAIR TREATMENT

Noong Lunes, November 23, ibinalita dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nilayasan ni Mystica ang lock-in taping ng Owe My Love sa isang resort sa Bulacan.

Ayon kay Mystica, naantala ng ilang araw bago makuhanan ang kanyang mga eksena sa teleserye. Hindi rin daw niya alam na ila-lock in sila sa resort.

Continue reading below ↓

Ayaw rin niyang makasama si Kiray Celis sa kuwarto dahil ang ibang artista raw ay may kanya-kanyang room.

Nilinaw naman ng produksiyon ng Owe My Love ang mga paratang ni Mystica.

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Kiray, pero nagpadala kami ng mensahe upang hingin ang kanyang panig.

Bukod kay Ai-Ai, tampok din sa Owe My Love sina Lovi Poe, Benjamin Alves, Winwyn Marquez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Ruby Rodriguez, Mike “Pekto” Nacua, at Ryan Eigenmann.

Kasama rin sa show sina Buboy Villar, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Donita Nose, at Mahal.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas: "THANK YOU OWE MY LOVE MABABAIT ANG MGA CREW AND STAFF LAHAT WE ARE BLESSED...”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results