Ruffa Gutierrez on John Lloyd Cruz, Aga Muhlach, Zoren Legaspi: “Dyinowa ko na 'yan.”

by Bernie V. Franco
Nov 25, 2020
Ruffa Gutierrez candidly reveals that John Lloyd Cruz, Aga Muhlach, and Zoren Legaspi all became her ex-boyfriends.
PHOTO/S: YouTube (Maris Racal, ABS-CBN Entertainment) / Facebook (John Loyd Cruz) / Instagram (Zoren Legaspi)

Naging tampulan ng tukso si Ruffa Gutierrez matapos niyang amining “dyinowa” niya noon ang mga aktor na sina John Lloyd Cruz, Aga Muhlach, at Zoren Legaspi.

Nakibahagi si Ruffa sa YouTube video ng young actress na si Maris Racal, kung saan naglaro sila ng “Jojowain o Totropahin.” In-upload ito noong November 22.

Kuha ang video habang break nila sa lock-in taping ng TV5 teleserye na Stay-In Love

Kasali rin sa laro ang iba pang cast ng Kapatid rom-com series na sina Pooh, Meanne, Welwel, Charm, at Elsa Droga.

Simple lang ang mechanics ng laro: magbabanggit ng pangalan ng aktor si Maris at sasagot isa-isa ang mga kasali kung gusto nilang dyowain o makarelasyon, o kaya ay totropahin o kakaibiganin lamang.

Ilan sa mga binanggit na pangalan ay sina Gerald Anderson, Carlo Aquino, Ejay Falcon, Jericho Rosales, Enchong Dee, at Piolo Pascual.

RUFFA’S PAST BOYFRIENDS

Hindi nagpapigil si Ruffa na sumagot nang pangalanan ang tatlong sikat na aktor na dating naugnay sa kanya.

Continue reading below ↓

Unang binanggit si John Lloyd Cruz. Halatang sinadya ng co-stars ni Ruffa na huli siyang tanungin.

Mahihinuhang alam nina Maris ang nakaraan nina Ruffa at John Lloyd.

Tinanong ni Maris si Ruffa kung jojowain o totropahin si John Lloyd.

“Dyinowa ko na ‘yan,” sagot ni Ruffa, at naghiyawan ang kanyang mga kasamahan.

Hindi naman maiwasang mapansin ni Ruffa kung bakit mas tumingin sa kanya ang mga kasama kesa nang sumagot si Maris.

“Parang mas tumingin kayo sa akin kesa kay Maris,” pansin ni Ruffa.

Pa-joke na hirit ni Pooh kay Ruffa: “Parang may touch ng katotohanan…”

Nagkasama sina Ruffa at John Lloyd sa ABS-CBN teleseryeng I Love Betty La Fea noong 2008.

Taong 2009 ay nagkaroon ng tagong relasyon ang dalawa. Tumagal iyon ng isang taon.

Gayunpaman, mas naging vocal si Ruffa sa past relationship nila ni John Lloyd.

Samantala, hindi na hinintay ni Ruffa na tanungin siya nang banggitin ang pangalan ni Aga Muhlach

Continue reading below ↓

“Ay, dyinowa ko na 'yan, e,” dahilan para maghagalpakan ang mga kasamahan niya.

Hindi tiyak kung kailan nabuo ang relasyon nina Ruffa at Aga. Pero nagkasama sila sa mga pelikulang Abel Morado: Ikaw Ang May Sala (1993) at Bakit Pa Kita Minahal (1994).

May asawa na ngayon si Aga, si Charlene Gonzalez. Ikinasal sila noong 2001. Anak nila ang kambal na sina Atasha at Andres, 19 anyos.

Hindi na rin naghintay si Ruffa na tanungin siya nang banggitin ang pangalan ni Zoren Legaspi.

“Naku, dyinowa ko na rin 'yan,” hirit ng aktres, kaya nagsigawan muli ang kanyang co-stars.

Nasambit ni Maris: “Ang daming dyinowa.”

Sabi naman ng isa pang co-star, “Ate Ruffa, yung totoo, sinu-sino yung mga dyinowa mo?”

Ruffa Gutierrez Jojowain o Totropahin

Continue reading below ↓

Sina Ruffa at Zoren ay nagtambal sa maraming pelikula ng Regal Films gaya ng Island of Desire (1990), Shotgun Banjo (1992), at Disgrasyada (1993).

Kasal na si Zoren kay Carmina Villarroel at may anak na kambal—sina Cassy at Mavy, 19.

Si Ruffa ay ikinasal naman sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas noong 2003, pero naghiwalay sila noong 2007.

May dalawa silang anak—sina Lorin, 17, at Venice, 16.

Ang huling napabalitang boyfriend ni Ruffa ay ang French-Israeli model na si Jordan Mouyal.

Noon lamang August 2020, itinanggi ni Ruffa ang usap-usapang hiwalay na sila ni Jordan.

Pero inaming hindi pa rin boto ang ina niyang si Annebelle Rama sa boyfriend.

Hindi naman tiyak kung magkarelasyon pa nga sina Ruffa at Jordan.

Ang huling post ni Jordan sa Instagram ay noong November 2019 pa, kung saan larawan nila ni Ruffa ang nakalagay.

Patuloy naman siya sa pagpo-post ng update sa Instagram Story na nawawala pagkatapos ng 24 oras.

Continue reading below ↓

Wala ring recent photos si Ruffa na ipinu-post sa social media kasama si Jordan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez candidly reveals that John Lloyd Cruz, Aga Muhlach, and Zoren Legaspi all became her ex-boyfriends.
PHOTO/S: YouTube (Maris Racal, ABS-CBN Entertainment) / Facebook (John Loyd Cruz) / Instagram (Zoren Legaspi)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results