Raquel Pempengco, mother Tess Pineda exchange accusations on Tulfo program

by Arniel C. Serato
Nov 25, 2020
Raquel Pempengco mother rift
Tess Pineda (left) and daughter Raquel Pempengco (right) confront each other on Raffy Tulfo's (center) program. “Reyna po talaga 'yan ng kasinungalingan sa buong mundo. Kilala ng mga tao 'yan,” says Tess about her daughter Raquel.
PHOTO/S: Courtesy: Radyo Singko 92.3 News FM on Facebook

Nagkasagutan sa ere ang mag-inang Tess Pineda at Raquel Pempengco.

Si Raquel ang ina ng trans singer na si Jake Zyrus, na unang nakilala ng publiko bilang Charice Pempengco. Lola ni Jake si Tess.

Ang sagutan ng mag-ina ay nag-ugat sa akusasyon ni Tess na pinalayas daw siya ni Raquel sa kanilang bahay.

Noong November 18 ay kumalat ang video, na in-upload sa Facebook page na Mukbangers on The Road, kung saan sinabi ni Tess na pinababayaan na siya ng kanyang pamilya.

Diumano, binato pa siya ng bote na may tubig kaya nilisan niya ang bahay ng anak.

Humingi rin siya ng pinansiyal na tulong sa apo niyang si Jake Zyrus para may magamit daw siyang pampa-checkup at pambili ng gamot.

Nanawagan din si Tess ng tulong sa mga personalidad na sina Raffy Tulfo, Jessica Soho, at Boy Abunda.

TESS pineda TELLS side of the story

Noong Lunes, November 23, nagkaharap sina Tess at Raquel sa programa ni Raffy Tulfo, ang Wanted sa Radyo ng Radyo Singko 92.3 News FM, via online.

Continue reading below ↓

Dito ay muling inungkat ni Tess ang diumano’y pagiging “evil” ng anak na si Raquel.

Sa ngayon ay nakikituloy raw si Tess sa isang nagmagandang loob na Facebook friend niya.

Inusisa ni Raffy si Tess kung ano ang dahilan at muli silang nag-away ng anak na si Raquel.

Tugon ni Tess, “Napakabigat ng dugo sa akin ng anak ko. Hindi ko po alam ba't ganun siya sa akin. Mula’t mula pa ginagawa na sa akin niyan.”

Pinamumukha pa raw ni Raquel na masama siyang tao at ina.

Pero diin niya, “Hindi po totoo yun. Alam niyo na naman po ako, kilala niyo ako.”

Binanggit ni Tess na nagtrabaho siya bilang OFW (Overseas Filipino Worker) sa Saudi Arabia ng 13 taon. Nakapagpundar daw siya ng mga ari-arian. Pero noong 2000, umuwi siya sa Pilipinas at nawala lahat ng kanyang naipundar.

Itinaguyod daw niya ang singing career ni Charice noon, at sumikat naman ang apo ng taong 2004.

Continue reading below ↓

Sa pagkakataong ito, binalingan ni Raffy si Raquel at tinanong tungkol sa diumano’y pinag-awayan nila ng ina.

Saad ni Raquel, “Sadya naman po 'yang ginagawa na 'yan ni Nanay sa akin mula pa noon, kaya wala na pong bago, wala na pong iba.

“Ilang beses na po 'yan hinatid sa akin, 'tapos lalayas ulit pag may makukuhang pera.

“'Yan po, may pension po 'yan buwan-buwan, di ko lang alam kung sa'n niya dinadala.

“Pag darating po sa akin 'yan, walang dala kundi mga basahan niyang damit.”

Binibilhan daw ni Raquel ng mga bagong damit ulit ang ina, pero lalayas na naman daw itong muli.

RAQUEL pempengco DENIES MOTHER'S ACCUSATIONS

Kasunod na inungkat ni Raquel ang pension ng ina at ang namayapang ama.

Saad niya, “May pension po siya na nasa apat na libo o limang libo. Ang kay Tatay naman ay nasa anim na libo na, nasa kanya na din po yun.”

Continue reading below ↓

Diin ni Raquel, “Hindi po, wala po akong pinalayas.”

Pero nanindigan si Tess na pinalayas siya ni Raquel.

Ayon pa rito, may batas daw si Raquel sa pamamahay nitong huwag babanggitin ang pangalan ni Charice/Jake.

Saad ni Tess, “Sikat ako sa buong mundo, pero doon huwag ako magpakilala na lola ako ni Charice Pempengco.

“Nagkataon po na may mga taong nagpunta doon, nag-ano po na barangay, nag-census.”

Lahat daw ng pictures ni Charice/Jake sa loob ng bahay nila ay pinatanggal na ni Raquel.

Tungkol sa pension, paliwanag naman ni Tess, “Nung 2016 po, isinanla nila, buhay pa yung tatay nila.

“Hindi ko nakita na ang ATM ko. 'Yan po yung itinawag ng SSS sa akin na ayusin ko, kaya inayos ko po.”

Ayon naman kay Raquel, ang kanyang ina ang nagsanla ng ATM nito. Nagtataka rin daw siya kung bakit ang daming utang nito.

Lahad niya, “Tinawagan ko yung lending. Si Nanay daw ho ang pumipirma at kuha nang kuha ng pera doon.

Continue reading below ↓

“At hindi naman in-authorize na isanla ng kahit sino ang ATM nang hindi ang may hawak ang may dala.”

Inusisa ni Raffy si Raquel kung magkakaayos pa ba sila ng ina.

Tugon pa ni Raquel tungkol sa pagtira ng ina sa bahay, “Ay, wala pong problema sa amin, siya lang po ang naglalayas.

“Hindi po totoo 'yan. Siya po ay may taga-alaga dito, may tagalaba po siya dito, at may sarili ho siyang kuwarto.”

Ipinakita pa ni Raquel ang kuwartng tinutulugan ni Tess. May aircon ito at maayos na nakatupi ang mga damit ng ina roon.

Pero ayon kay Tess, sa garahe siya pinapatulog ng anak. Mariin itong itinanggi ni Raquel.

Sabi ng ina ni Jake, “Ayaw ko po sana magsalita dahil nanay ko 'yan, pero hindi po ako nagkulang sa kanya.

“Kaya kahit ano po ang sabihin niya, bahala na po ang tao sa kanya kung ano ang sasabihin sa nanay.

Continue reading below ↓

“Hindi po ako nagkukulang kapag hinahatid po 'yan dito.”

Sabi naman ni Tess, “Wala po akong sariling... kay Coycoy po 'yan. Dun po natutulog sa ibaba. Kaya nakikita ako ng taga-barangay.”

Ang "Coycoy" na tinutukoy ni Tess ay ang nakababatang kapatid ni Jake na si Carl Pempengco.

Sa buong panayam na ito, ilang beses maririnig sa background ni Raquel ang boses ni Carl, na pinabulaanan din ang akusasyon ng kanyang Lola Tess.

Ipinakita rin ni Raquel ang garahe na walang higaan.

TESS ACCUSES RAQUEL OF LYING

Ayaw na raw sanang magkomento ni Raquel sa mga akusasyon ni Tess dahil pagod na pagod na siya sa kanyang ina.

Naiiyak niyang sabi, “Ayoko na ho magsalita dahil lahat naman ho ginagawa kong tungkulin bilang anak.

“Ang nagtataka lang ako, bakit ako ang gumagawa sa kanya lahat, pero ako lang ang mini-mention niya. Samantalang ang iba kong kapatid, hindi tumutulong sa kanya.”

Apat na magkakapatid sina Raquel.

Continue reading below ↓

Pero buwelta ni Tess tungkol sa anak: “Reyna po ng kasinungalingan 'yan.

“Gaya ng sinabi ni Charice, ‘My mom is queen of evil,’ totoo po yun.

“Nasa libro ni Charice yun. Totoo po yun, ako ang magpapatunay sa inyo dahil ako ang bantay ni Charice.

“Reyna po talaga 'yan ng kasinungalingan sa buong mundo. Kilala ng mga tao 'yan.”

Ang tinutukoy ni Tess na libro ni Jake ay ang I Am Jake na inilabas noong 2018.

Sa isang bahagi ng libro, tinawag ng singer na “evil queen” ang sariling ina.

Dagdag pa ni Tess, “Ang kapatid niyang pangalawa, itinaboy din niya.

"Signal number 1, pinagtatapunan niya ng damit sa kalsada. Salbahe po talaga 'yan.”

Ibinunyag din ni Tess na may bago na raw kinakasama si Raquel ngayon.

IS RECONCILIATION POSSIBLE?

Layunin daw ni Raffy na mapagbati ang mag-ina dahil malapit na ang Pasko.

Sabi ni Raquel, “Wala pong problema sa akin, anak lang po ako, kayang-kaya kong tanggapin kahit ilang beses na po niyang ginawa sa akin 'yan.

Continue reading below ↓

“Lagi pong ginagawa niya sa akin 'yan, wala na pong bago. Pero tinatanggap ko pa rin lagi dahil ibinibigay ko ang respeto at tungkulin ko bilang anak.

“Kaya yung mga nagsasabi na po na sadyang wala akong ginagawa, wala silang alam.

“Na ako’y masama, tanungin nila ang mga taong nakakakilala kay Nanay.”

Nagpaliwanag din si Raquel kung bakit ayaw na niyang ipabanggit ang pangalan ni Charice/Jake sa bahay niya.

Aniya, “Kung ayaw ko man pong ipa-mention ang anak ko dahil nananahimik na po ang anak ko at may sarili na siyang buhay.

“Hindi niya po tungkulin na buhayin ang nanay ko dahil may mga anak pa po siya.

“Kaya ako’y nahihiya din na nadadamay anak ko, e. Wala po siyang kaalam-alam dito."

Sabi pa ni Raquel, "Ang nanay ko ang puno’t dulo ng lahat ng problema namin, naming magkakapatid.”

Inuunawa naman daw nila lagi ang ina dahil matanda na ito at may mga iniindang karamdaman, pero may mga dahilan pa rin daw ito upang lumayas sa kanilang bahay.

Continue reading below ↓

Saad pa ni Raquel, maaari siyang makipag-ayos pero hindi siya magsu-sorry sa ina.

“Opo, Sir, kung ihahatid po 'yan sa amin, tatanggapin ko po 'yan. Wala pong problema, wala siyang maririnig siya sa akin.

“Ako po’y hihingi ng sorry? Wala po akong ginagawa, e. Wala akong kasalanan.

“Dahil pag ako magsu-sorry, alam ko ina-accept ko mga kasinungalingan ni Nanay.”

Pero kapag ihahatid sa kanyang bahay ang ina ay tatanggapin daw niya nang dalawang kamay.

Samantala, ipakukuha raw ni Raffy sa kanyang staff ang lumang makinang panahi ni Tess at dadalhin sa kasalukuyan nitong tinutuluyan.

Bibigyan din daw ng kanyang programa ng pambili ng gamot at pampa-check-up si Tess.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tess Pineda (left) and daughter Raquel Pempengco (right) confront each other on Raffy Tulfo's (center) program. “Reyna po talaga 'yan ng kasinungalingan sa buong mundo. Kilala ng mga tao 'yan,” says Tess about her daughter Raquel.
PHOTO/S: Courtesy: Radyo Singko 92.3 News FM on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results