Michele Gumabao explains absence in ASAP Natin ‘To guesting of Miss Universe Philippines 2020 winners

by Bernie V. Franco
Nov 25, 2020
Michele Gumabao Miss Universe Philippines winners
Michele Gumabao (left) was noticeably absent in ASAP Natin 'To last Sunday, November 22. Her fellow Miss Universe Philippines 2020 winners (L-R) Billie Hakenson, Rabiya Mateo, Pauline Amelinckx, and Ysabella Ysmael appeared on the Kapamilya noontime musical-variety show.
PHOTO/S: @gumabaomichele on Instagram / Photo from Instagram

Ayaw pa ring tantanan ng mga isyu si Michele Gumabao kaugnay ng Miss Universe Philippines 2020.

Guest ang Miss Universe Philippines 2020 winners sa opening number ng Kapamilya musical-variety show ASAP Natin 'To noong Linggo, November 22.

Present sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, first runner-up Ysabella Ysmael, third runner-up Pauline Amelinckx, at fourth runner-up Billie Hakenson.

Tanging ang second runner-up na si Michele ang wala.

Rabiya Mateo ASAP Natin To

Continue reading below ↓

Tila naulit na naman ang nangyari sa press conference para sa Miss Universe Philippines 2020 winners noong Oktubre. Wala rin si Michele sa presscon proper.

Iyon ang pinag-ugatan ng hindi matigil-tigil na isyung masama ang loob ni Michele na hindi siya ang nanalo.

Pero bakit nga ba wala si Michele sa ASAP Natin ‘To noong Linggo?

MICHELE AIRS HER SIDE

Sa pagkakataong ito, hindi pinalampas ni Michele ang pang-iintriga sa kanya.

Napilitan daw sumagot si Michele dahil idinadamay pati ang kanyang charity work.

Hindi nakadalo si Michele sa ASAP Natin ‘To dahil nagtungo siya sa Isabela para sa kanyang relief operations.

Hindi nagustuhan ni Michele na pinaparatangan siyang ginagawang dahilan ang kanyang pagkakawanggawa para hindi sumipot sa TV guestings at makasama ang fellow beauty queens.

“A lot of people have been questioning my motives for coming up here just because I missed a guesting of the MUPH queens on tv!” ani Michele pagtukoy sa pagpunta sa Isabela.

Continue reading below ↓

Nag-post si Michele sa Instagram ngayong gabi ng Miyerkules, November 25, upang ipaliwanag ang hindi niya pagpunta sa ASAP.

Paliwanag ni Michele, hindi siya ang nagdesisyong hindi sumipot sa ASAP noong Linggo, kundi ang kanyang handler at ang production team mismo ng TV show.

Aniya, hindi na siya pinatuloy mag-guest sa ASAP bilang precautionary measure.

Sa katunayan daw, mga volunteers na mismo dapat ang magdadala ng relief goods sa Isabela at hindi na sasama si Michele.

Saad niya, “Our goods were scheduled to be brought to Isabela and distributed by volunteers just because may scheduled guesting ako on Sunday.

“Due to multiple relief operations Kahit negative ako sa swab, my handler and the show decided for the safety of everyone hindi ako kasama because of the exposure from my relief operations.”

Bunsod ng development na ito, nagdesisyon si Michele na sumama na lang sa Isabela.

“I decided to go to Isabela with our team to personally distribute the goods instead.”

Continue reading below ↓

Hindi nagustuhan ni Michele na pati ang kanyang fundraiser ay nadawit sa “drama” ng iba.

Sabi niya (published as is): “Sanay na ako sa Mga issues on social media and I said before Basta ako Lang Ibash niyo okay Lang.

“But when it involves our organization I have to clear this up because So many people trusted and donated their hard earned money for the victims of typhoon Ulysses and I will personally see our operations through!”

Banat ni Michele, “I will not allow your drama to taint this initiative and all the people who worked hard to make this happen.”

Hamon pa niya, “If you have any questions with attendance you can ask those who invite us on their programs [thumbs up emoji]

“and kung gusto niyo ako makita sumayaw sa tv manuod Kasi kayo ng wowowin every Friday, Baka kumanta pa ako dun!”

Michele Gumabao instagram

Continue reading below ↓

Si Michele at ang ilan pang fellow Miss Universe Philippines 2020 winners, gaya nina Pauline at Billie, ay occasional co-hosts sa game show ni Willie Revillame sa GMA-7 na Wowowin: Tutok To Win.

Hindi rin ito ang unang beses na hindi nakasabay ni Michele sa TV show ang kanyang fellow winners.

Sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay kamakailan, hindi nakasabay ni Michele sina Ysabella, Pauline, at Billie sa guesting.

Lumabas sa morning talk show sina Rabiya at Michele, pero magkahiwalay sila ng episodes.

May ilang pagkakataon namang nagkasama ang limang Miss Universe Philippines winners sa mga naunang commitments, gaya ng charity at relief operations.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michele Gumabao (left) was noticeably absent in ASAP Natin 'To last Sunday, November 22. Her fellow Miss Universe Philippines 2020 winners (L-R) Billie Hakenson, Rabiya Mateo, Pauline Amelinckx, and Ysabella Ysmael appeared on the Kapamilya noontime musical-variety show.
PHOTO/S: @gumabaomichele on Instagram / Photo from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results