Winwyn Marquez to netizen saying mother Alma Moreno is prettier than her: “Mas maganda talaga… dyosa.”

by Jet Hitosis
Nov 26, 2020
Alma Moreno, Winwyn Marquez prettier
For actress-beauty queen Winwyn Marquez (right), her mother, veteran actress Alma Moreno (left), is a "dyosa," and therefore "mas maganda talaga" compared to her.
PHOTO/S: Mars Ravelo Komiks, @teresitassen on Instagram

Aminado ang beauty titlist-actress na si Winwyn Marquez na mas maganda sa kanya ang inang si Alma Moreno.

Si Winwyn, 28, ay isa sa tatlong anak ni Alma, 61, sa dati nitong asawa, ang actor-former politician na si Joey Marquez.

Sa latest Instagram post ni Winwyn nitong Lunes, November 23, ibinahagi niya ang sariling picture habang nakasuot ng pink dress.

Winwyn Marquez peach dress

Continue reading below ↓

Sa comments section, isang lalaking netizen ang basta na lang ikinumpara ang mukha ni Winwyn sa inang si Alma.

Ayon sa netizen, napanood niya ang mga pelikula ni Alma noong 1970s, ang panahong sikat na sikat ang noon ay dalaga pa lang na aktres.

Prangkang sinabi ng netizen kay Winwyn ang kanyang opinyon: “Maganda ka naman. Pero sorry mas maganda sya sayo nung panahon nya.”

Sinang-ayunan ni Winwyn ang netizen.

Mas maganda raw talaga sa kanya ang ina, na tinawag pa niyang “dyosa.”

Sabi niya (published as is): “malamang mas maganda talaga mom ko! Kakaiba yun dyosa [purple heart emoji]”

Continue reading below ↓

Kinastigo ng ilang Instagram followers ni Winwyn ang netizen at tinawag na “toxic.”

Hindi raw tamang pinagkukumpara ang mag-ina, na “equally beautiful.”

“Negative” daw ang dating ng ganoong pagkukumpara, gayung puwedeng namang ma-“appreciate” pareho ang mag-ina.

Pero giit ng netizen, walang “toxic” sa kanyang comment.

Sa katunayan, “happy” pa nga si Winwyn sa sinabi nitong “Mas maganda ung nanay nya sa kanya.”

Continue reading below ↓

ALMA: SEX GODDESS OF PHILIPPINE MOVIES

Taong 1974 nang magsimula sa showbiz si Alma, na noon ay 15 years old pa lang.

Una siyang nagbida sa pelikulang Ligaw Na Bulaklak (1976), sa direksiyon ni National Artist for Film Ishmael Bernal.

Nang sumunod na dekada, pawang sexy movies ang pinagbidahan ni Alma at tumabo ang mga ito sa takilya.

Dahil dito, binansagan siyang “Sex Goddess of Philippine Movies.”

WINWYN: BEAUTY QUEEN-MARINE RESERVIST

Samantala, taong 2017 nang hirangin si Winwyn bilang kauna-unahang Asian na kinoronahang Reina Hispanoamericana titlist.

Napanood din si Winwyn sa ilang teleserye sa GMA-7. Ang huli ay sa mini-series na I Can See You: High Rise Lovers noong nakaraang buwan.

Habang nagte-taping para sa Kapuso shows, isinasabay ni Winwyn ang kanyang reservist training sa Philippine Marines.

Nitong Biyernes, November 20, inanunsiyo ni Winwyn na natapos na niya ang pagsasanay para sa Philippine Naval Reserve Command.

Hindi lang basta kinumpleto ni Winwyn ang ilang buwan ng matinding pagsasanay, Top 1 din siya sa Batch Dakila ng 2020 Philippine Marines reservist training.

Continue reading below ↓

Winwyn Marquez military reservist

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For actress-beauty queen Winwyn Marquez (right), her mother, veteran actress Alma Moreno (left), is a "dyosa," and therefore "mas maganda talaga" compared to her.
PHOTO/S: Mars Ravelo Komiks, @teresitassen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results