Kahit humupa na ang baha sa mga lalawigang nasalanta nang husto ng Bagyong Ulysses, patuloy pa rin ang pangangalap ng pondo ng grupo nina Angel Locsin para sa typhoon victims.
Noong November 21, inanunsiyo ni Angel na ang kanilang grupong Typhoon Ulysses Assistance Initiative ay mamamahagi ng tig-iisang libong piso para sa isang libong indibidwal na sinalanta ng bagyo.
Ibig sabihin, aabot sa isang milyong piso ang ipamimigay nila sa mga taong labis na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.
Ito lamang daw kasi ang kaya ng kanilang grupo sa ngayon.
Pahayag ni Angel sa kanyang Instagram post, “Because our fellow Filipinos are still rebuilding after the devastation caused by Typhoon Ulysses, we are continuing our assistance initiative after our first one with Typhoon Rolly.
“Sa aming maliit na paraan, nais po naming makapag-abot tulong sa mga kababayan nating matinding naapektuhan ng bagyong Ulysses through Paymaya. Pwede po itong madownload sa https://official.paymaya.com/CAK1/14156a6d kung wala pa po kayong account.
"Though we would like to reach out to everyone who are in need, our resources are limited and can only accommodate the first 1,000 accepted requests. Each request will receive Php1,000 thru your Paymaya account. We will accept requests from November 20-23, 2020.
"Sundin po ang instructions na nasa artcard po namin kung paano at ipadala bilang PRIVATE MESSAGE sa TYPHOON ULYSSES ASSISTANCE INITIATIVE Facebook page. Salamat po.
"All requests are CONFIDENTIAL.
"Magtungan po tayo."
NETIZENS AIR DOUBT ON SYSTEM OF ASSISTANCE EFFORT
Marami ang pumuri sa inisyatibong ito nina Angel at sa kanyang mga kasamahan.
Narito ang kanilang mensahe ng pagsaludo sa kilalang actress-philanthropist:
Pero may ilang nagbabala kay Angel na baka mapasok sila ng sindikato o kaya ay mga taong walang magawa kungdi mang-scam o manloko sa kapwa.
Baka raw maloko sila ng iilang mapagsamantala.
Ayon pa sa isang netizen, “Marami din po nag ta-take advantage ng donations thru gcash and paymaya. Real account but donations don't go to the victims of typhoon. I saw some posts sa twitter po.”
Paniniguro naman ni Angel, “may system po kami”
Ayon sa netizen, hindi naman siya nagdududa sa sistema ng pagtulong nila ni Angel.
Ang tinutukoy raw niya ay yung ibang nabiktima ng mga manloloko.
Aniya, “no po.. Not saying yung sa inyo, I know this is legit and will go to the right people. Yung iba po.. Dami kong nakita sa twitter na nanloloko sa pagpadala ng gcash, scammer. Na ta-take advantage po nila yung mga tao with the right intentions and are willing to donate. Sayang lang po."
Nagtanong naman ang isa pang netizen tungkol sa sistema ng verification nila.
Saad ng netizen, “di naman sa pagiging nega..concern lang din na sana yung mga tao talaga deserve tulungan ang mabigyan. Paano verification nyo na sa kanya talaga ang bahay na pinapakita sa video? Pwede kasi bigay ng tao real fullname at paymaya details nila pero di naman pala sa kanila yung bahay o area na kinunan video or pwede din may isang grupo mangolekta at kunan videos parang interview pero since sabi nyo pwede paymaya details paano nyo masiguro na yung tao asa video nga mabibigyan ng assistance???"
Tugon ng aktres, “kaya po kailangan magpakilala po sa video yung sender. Makikita naman po pag fake. Sa panahon ngayon na may pandemya pa, hangarin lang namin makapagabot ng mabilisang tulong na hindi na po mahihirapan at makikipagsiksikan ang mga tao. Malayo man, maaabot pa rin. Salamat po"
Dagdag pa ni Angel, “hindi po pwedeng mangolekta ng video bilang one facebook account na legit po per request :) nagawa na po namin ito nung Rolly :)”
Walang kapaguran ang pagtulong ni Angel sa mga biktima ng anumang kalamidad mula noon pa man.
Minsan ay naba-bash pa siya pero ipinagkibit-balikat na lamang ito ng fiancée ng film producer na si Neil Arce.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika