Raquel Pempengco shows video of mother Tess Pineda enjoying videoke days before leaving home

by Arniel C. Serato
Nov 26, 2020
Raquel Pineda (left) to mom Tess Pineda (right): "Wish ko kay Lord na magbago ka na kasi tumatanda na po kau at ako lang nman ang nag iisa na sisinop s inyo. Samahan nio po akong ipanalangin ang Nanay ko...”
PHOTO/S: Courtesy: Raquel Relucio Pempengco on Facebook

Palaban pa rin si Raquel Pempengco sa kanyang inang si Tess Pineda.

Ngayong Huwebes, November 26, nag-post si Raquel sa kanyang Facebook account ng screenshots ng mensahe galing sa kanyang kababata.

Ayon dito, bata pa lamang daw ay nasaksihan na niya kung gaano kalupit si Tess kay Raquel.

Lagi umano nitong sinasampal, minumura, at sinasabunutan si Raquel noong bata pa ito.

Si Raquel daw palagi ang pinagbabalingan ng galit ni Tess dahil hindi raw niya ito paboritong anak.

Caption ni Raquel sa kanyang post: “BIG REVELATION...ngayon nyo itanong kung tunay ko ngang INA ang kinalakihan kong NANAY?

“Hinde lng po iyan ang naransan ko...marami na akong sakripisyo pero kahit ganun naging masunurin pa rin ako.

“Hinde man pinatikim sa akin ang pagmamahal ng isang INA pero ibinigay ko nman yun sa Totoo kong mga anak.”

Continue reading below ↓

Noong Lunes, November 23, nag-post din si Raquel sa kanyang Facebook kung saan sinabi niyang hindi umano siya totoong anak ni Tess.

Ang dahilan niya: walang inang katulad ni Tess na kung ituring siya ay ganun-ganun na lamang.

Pahayag ni Raquel, “Mali man ang kwento ng ibang tao sa akin...wla nmang epekto sa akin dahil alm ko sa sarile ko ang totoo...ang katotohanan po ay di ako tunay na anak kaya nagagawa sa akin ang ganyan...

“Dahil walang ina ang ipagkakanulo ang sariling anak mapabuti lang xa...Gabayan sana kau ni Lord.”

Continue reading below ↓

Noong araw ring iyon, nagkaharap silang dalawa ng inang si Tess sa Wanted sa Radyo program ni Raffy Tulfo.

Sa nasabing kumprontasyon, nagbatuhan ng samu’t saring kasiraan ang dalawa laban sa isa’t isa.

Nauna na rito, inakusahan ni Tess si Raquel na pinalayas diumano sa kanyang bahay.

Mariin naman itong itinanggi ni Raquel. Ang ina raw niya ang kusang umalis na palagi umano nitong ginagawa kapag nabuburyong.

“PANG-APAT NA BESES”

Noong November 20, nag-post din si Raquel ng video kung saan makikitang nagkakasiyahan sila sa bahay.

Makikita sa video na masayang nagbi-videoke si Tess.

Saad ni Raquel sa caption, “Para po sa nakakaalam yan po nanay ko nkaraang 2weeks lng bago ulit xa naglayas...kung gaano xa kasaya d2.

“Sa kinasamaang palad naglayas ulit. Pang apat na beses ng babalik at laging naglalayas kapag wala n nmang pera sa pinupuntahan nya ..babalik ulit sa akin."

Lahad pa ni Raquel, “Wala akong magagwa kundi laging tanggapin kc nanay ko daw kahit di nya pinaramdam sa akin na mula bata ako ang pagiging ina nya at laging pasamain sa ibang tao..

Continue reading below ↓

“Wish ko kay Lord na magbago ka na kasi tumatanda na po kau at ako lang nman ang nag iisa na sisinop s inyo. Samahan nio po akong ipanalangin ang Nanay ko...”

Noong November 18, nag-post ang isang grupo sa Facebook ng video ni Tess kung saan umaapela ito ng tulong pinansiyal sa apong si Jake Zyrus, na hanggang ngayon ay Charice pa rin kung tawagin niya.

Continue reading below ↓

Pinabayaan daw kasi siya ng kanyang pamilya.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raquel Pineda (left) to mom Tess Pineda (right): "Wish ko kay Lord na magbago ka na kasi tumatanda na po kau at ako lang nman ang nag iisa na sisinop s inyo. Samahan nio po akong ipanalangin ang Nanay ko...”
PHOTO/S: Courtesy: Raquel Relucio Pempengco on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results