Trending topic sa Twitter ang "Cebu Institute of Medicine" ngayong Huwebes ng gabi, November 26.
Ito ay dahil nag-react ang maraming netizens sa caption ng post ng isang national daily kung saan tinawag nila ang medical institution bilang “a Cebu-based university.”
Buong caption ng post: “LOOK: A Cebu-based university was named by the Professional Regulation Commission (PRC) as the top performing school for the November 2020 Physician Licensure Examinations.”
Ang Cebu Institute of Medicine (CIM) ang top 1 performing school sa November 2020 Physician Licensure Examination, ayon sa Professional Regulatory Commission (PRC).
Lahat ng 138 first-time takers mula sa CIM ay pumasa kaya binigyan ito ng PRC ng 100 percent passing rate.
Pumangalawa ang University of the Philippines-Manila (144 passers out of 146 examinees), pangatlo ang Ateneo School of Medicine and Public Health (141 passers out of 143 examinees).
Pang-apat ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (121 passers out of 124 takers), panglima ang University of Sto. Tomas (436 passers out of 456 takers), pang-anim ang University of the East-Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (316 passers out of 336 takers).
Pampito ang Far Eastern University-Nicanor Reyes Medical Foundation (268 passers out of 296 takers), pangwalo ang San Beda University (102 passers out of 113 takers), pangsiyam ang Saint Louis University (145 passers out of 161 takers), at pangsampu ang Davao Medical School Foundation (182 passers out of 213 takers).
Sa kabuuan, may 3,538 ang mga bagong doktor mula sa 4,704 takers.
Ang UP-Manila graduate na si Jomel Lapides ang nag-top 1 sa physician licensure examination.
Tabla naman sa top 2 sina Patrick Joseph Mabugat ng University of Saint La Salle at Adrian Teves mula sa University of Sto. Tomas (UST).
Dalawa rin ang nasa top 3—sina Henrick Fong ng UST at Raphael Rodolfo ng UP-Manila.
CEBU INSTITUTE OF MEDICINE BACKGROUND
Ang Cebu Institute of Medicine ay itinatag noong June 1957 bilang Cebu Institute of Technology College of Medicine.
Noong 1966, ang CIM ay naging ganap na “non-stock, non-profit medical learning institution.”
Simula noong taong iyon ay kinilala na ito bilang CIM.
Isa ang CIM sa leading medical institutions sa labas ng Metro Manila.
Base sa kanilang official website, as of August 2013, nakapagtapos na ito ng 5,162 doctorsr.
129 graduates ng eskuwelahan ang nag-top sa Physician Licensure Examination.
Naging Top Performing School ang kolehiyo mula 2001 hanggang noong 2013.
Noong 1987, nasa Level IV category na o ang pinakamataas na antas sa mga learning institutions ayon sa Board of Medical Education.
Noong December 2011, nasa Level II na ang accreditation nito mula sa Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges & Universities (PAASCU).
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika