Kean Cipriano, Mark Escueta, other celebs pay tribute, mourn the passing of Slapshock’s Jamir Garcia

by Jet Hitosis
Nov 26, 2020
Kean Cipriano, Mark Escueta, KC Concepcion, Paulo Avelino Jamir Garcia death
Hours after the news of the sudden death of Slapshock frontman Jamir Garcia (center) trended on November 26, tributes on social media from (L-R) Kean Cipriano, Mark Escueta, KC Montero, Paulo Avelino and other celebrities pour in for the 42-year-old rock singer.
PHOTO/S: @kean, @markescueta, @jamir_garcia, @kcmontero, @pauavelino on Instagram

Ilang celebrities ang nagpaabot ng pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Jamir Garcia, ang frontman ng heavy metal band na Slapshock.

Bandang 9:20 ng umaga ngayong Huwebes, November 26, nang natagpuang patay si Jamir, 42, sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sangandaan, Quezon City.

Dead-on-arrival ang singer sa Metro North Medical Center Hospital.

At press time, walang opisyal na pahayag ang pulisya tungkol sa sanhi ng pagkamatay ni Jamir.

Sa isang Instagram post ni Kean Cipriano, frontman ng bandang Callalily, sinabi niyang isa si Jamir sa “mga pinaka humble na taong nakilala ko sa music industry.”

Inalala rin ni Kean ang pawang “makabuluhan” na payo sa kanya ni Jamir.

Sabi ni Kean (published as is): “Napakataas ng respeto ko sa taong to.

“Hindi lng dahil magaling syang musikero, pero dahil pinakitaan din nya ako ng respeto na hindi ko basta basta natatanggap sa lahat ng musikero lalo na nung panahon na nagsisimula ako.

Continue reading below ↓

“Nung panahon na pakiramdam ko hindi kami sinseryoso ng mga artists na nauna samin, si Jamir yung isa sa mga nagparamdam sakin na parte ako ng industriyang to.”

Jamir Garcia death

“ROCK IN PEACE”

Gaya ni Kean, thankful din si Mark Escueta, drummer ng bandang Rivermaya, sa pakikipagkaibigan ni Jamir.

Saad sa Facebook post ni Mark: “Maraming salamat Jamir [rock, music notes, praying hands emojis] Rest In Peace brother.”

Continue reading below ↓

May Instagram post din ang host na si KC Montero para kay Jamir.

Saad sa post ni KC: “We lost a great one today.

“One of the nicest people to pick up a microphone.

“Rock in Paradise.”

Continue reading below ↓

Sa isang tweet, sinabi ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na napanood pa niyang mag-perform ang Slapshock noong February 2020.

Kuwento ni Glaiza: “Sobrang saya namin kasi tinugtog nila yung Agent Orange.

“Yun na pala yung huli na maririnig kong kakantahin mo yun live.

“Salamat at rock in peace, Jamir.”

Continue reading below ↓

CELEBS SAY GOODBYE

Nagpaabot din ng pakikiramay ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa mga naulila ni Jamir.

Tweet ni Ogie; “We send out our most heartfelt condolences to all the loved ones of OPM great Jamir Garcia. #RipJamir”

Tulad nina Kean, Mark, KC, Glaiza, at Ogie, nagluluksa rin sa pagpanaw ni Jamir ang aktor na si Paulo Avelino.

Continue reading below ↓

Tweet ni Paulo: “RIP, Jamir. [praying hands emoji]"

Nag-tweet din para kay Jamir ang isa pang aktor na si Jerald Napoles: “Goodbye legend #JamirGarcia !! #AgentOrange #SlapShock a sad end of an era!”

Continue reading below ↓

Ang “Agent Orange” na binanggit sa tweet ni Glaiza at ginamit na hashtag ni Jerald ay isa sa mga pinasikat na awitin ng Slapshock.

Samantala, idinaan naman ng kapwa aktor na sina Jake Cuenca at JM de Guzman sa Instagram Stories ang pakikiramay nila para kay Jamir.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hours after the news of the sudden death of Slapshock frontman Jamir Garcia (center) trended on November 26, tributes on social media from (L-R) Kean Cipriano, Mark Escueta, KC Montero, Paulo Avelino and other celebrities pour in for the 42-year-old rock singer.
PHOTO/S: @kean, @markescueta, @jamir_garcia, @kcmontero, @pauavelino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results