Julia Barretto wants to borrow Barbie Imperials boobs; Barbie wants to borrow Julia's butt

by Bernie V. Franco
Nov 27, 2020
Barbie Imperial Julia Barretto sexy photos
Barbie Imperial (left) and Julia Barretto tease each other on social media and ask permission to borrow each other's "assets."
PHOTO/S: @msbarbieimperial and @juliabarretto on Instagram

Sinakyan ni Barbie Imperial ang biro ng isang netizen na gusto raw nitong hiramin ang kanyang boobs.

Kasunod nito, sumakay rin ang kapwa niya aktres na si Julia Barretto sa biruan at sinabing gusto rin niyang hiramin ang boobs ni Barbie.

Nag-react naman si Barbie at nagpaalam na gusto niyang hiramin ang isang “asset” ni Julia.

BARBIE’S BOOBS, JULIA’S BUTT

Noong Miyerkules, November 25, isang female netizen ang nag-tweet para humingi ng permisong mahiram daw ang boobs ni Barbie.

Tweet ng netizen (published as is): “minsan nga barbie, pahiram ng boobs mo. balik ko din agad pipicture lang skskskskkskksk”

Tila madali namang kausap si Barbie kaya sumagot siya ng “Sige.”

Hindi naman nagpahuli si Julia: “Ako din.”

Kinuha ni Barbie ang pagkakataon para magsabi na may gusto rin siyang hiramin kay Julia.

Reply ni Barbie (published as is): “Pabiram din ako ng pwet mo plz”

Continue reading below ↓

Good vibes naman ang reaksiyon ng netizens.

Ikinatuwa nila ang palitan ng biro ng dalawang aktres.

“Hiraman na,” tweet ng isang netizen.

Ang iba naman, nagpapaalam kung pwedeng hiramin ang puwet at boobs.

Tweet naman ng isa pa, ipapauso nina Julia at Barbie ang “hiraman.”

BOOBS ISSUE

Coincidentally, parehong nasangkot noon sina Julia at Barbie tungkol sa uspang boobs.

April 2019 nang mag-post si Barbie sa Instagram ng kanyang swimsuit photos.

Agaw-pansin ang kaseksihan ni Barbie, at pinuri ito ng karamihan ng kanyang followers.

Pero may ilang mapamunang netizens ang pinansin ang hindi raw pantay na boobs ng aktres.

May ilang nagpaliwanag na may pagkakataon daw na hindi naman talaga pantay ang dibdib ng ibang babae.

Napa-react si Barbie.

"Bakit pati di pantay na dede sobrang big deal..." sabi niya, kalakip ang laughing emojis.

Sinundan niya agad ito ng isang post na nakikipagbiruan sa isang kakilalang netizen na nagkomento rin sa isyu tungkol sa boobs ni Barbie.

Continue reading below ↓

Ipinost ni Barbie ang swimsuit photo niya sa may beach.

Caption niya: “Waiting for senyora to post her proof of her not pantay na boobs like...”

Barbie Imperial boobs

Noong February 2020, hindi naiwasan ni Barbie ang mapa-react tungkol sa headline sa isang tabloid.

Ganito ang headline: “Boobs ni BARBIE, namimintog.”

Napa-tweet si Barbie: “Grabe yung ‘Boobs ni Barbie, namimintog’ HAHAHAH"

Continue reading below ↓

Samantala, noon lamang April 2020, nag-post si Julia ng kanyang OOTD (outfit of the day) photo sa Instagram.

Napansin ng netizens na walang suot na bra si Julia sa outfit niyang manipis na white T-shirt at gray pants.

Komento ng supporters ni Julia, hindi rin sila nagsusuot ng bra, lalo’t nasa bahay lang naman sila, dahil sa pandemya.

Continue reading below ↓

Pero may isang netizen na nagkomento ng hindi kaaya-aya: “Small but still so yummy.”

Kinuyog ng mga tagasuporta ni Julia ang netizen sa aktres.

Bagamat naging aktibo ang mga tagasuporta niya sa pagko-comment ay hindi naman sumagot si Julia sa mga ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial (left) and Julia Barretto tease each other on social media and ask permission to borrow each other's "assets."
PHOTO/S: @msbarbieimperial and @juliabarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results