Sandra Seifert calmly responds to comment accusing her of being Cesar Montano's "kabit"

by Bernie V. Franco
Nov 27, 2020
sandra seifert instagram
Former beauty queen Sandra Seifert: "Here are my two cents: as long as you are not hurting anyone and trying your best each day to do what’s right and be a blessing to others, you’re on the right track."
PHOTO/S: Instagram

Sinagot ng former beauty queen na si Sandra Seifert, 36, ang paratang na “kabit” siya ni Cesar Montano, 58.

Kasunod ito ng recent Instagram post ni Sandra na larawan ng kanyang five-year-old son, si Corinth Ian, na hinahalikan ni Cesar.

Hindi man direktang tinukoy, pag-amin ito ni Sandra sa matagal nang usap-usapang nabuntis siya noon ni Cesar.

Bakas din sa mga salitang ginamit ni Sandra sa comments na kinukumpirma niyang si Cesar ang ama ng kanyang anak.

Si Sandra ay kinoronahang Miss Earth Philippines 2009, at hinirang na first runner-up o Miss Air sa Miss Earth 2009 pageant.

Si Cesar ay ikinasal sa aktres na si Sunshine Cruz noong 2000, at nagkaroon sila ng tatlong anak na babae.

Naghiwalay sina Cesar at Sunshine noong 2013. Nag-file si Sunshine ng petisyon para sa annulment ng kasal nila noong 2015.

Inaprubrahan ng Quezon City Regional Trial Court ang petisyon noong September, 2018.

Continue reading below ↓

Na-link si Cesar kay Sandra noong 2015.

SANDRA SEIFERT ON CLAIMS SHE IS "KABIT"

Sa kanyang post ng larawan ni Cesar at ng kanilang anak, sinagot ni Sandra ang komento ng ibang netizens.

Isa na rito ang tanong ng isang netizen kung ang former beauty queen ba ang “kumabit" kay Cesar.

Lumalabas na napagkamalan ng netizen na si Sandra ang babaeng nakahubad sa viral video greeting na ginawa ni Cesar noong October 2018.

Bukod sa "kabit," ginamit pa ng netizen ang mga masasakit na hashtags na “imoral, pakawala, mistress, ahas.”

Nito lamang September 2020, natukoy na ang mystery woman sa viral video ni Cesar ay si Kath Angeles, ang partner ngayon ng aktor.

Ganito ang comment ng netizen: “So confirmed si Sandra nga ba ang kumabit kay Cesar at nasa viral video?? #kabit #imoral #pakawala #mistress #ahas”

Mahinahong sagot ni Sandra: “sorry to disappoint you but I’m not the woman in the viral video.

Continue reading below ↓

“Pls do your research so you can find out who she is. [winking face with smile emoji] God bless [prayerful hands emoji]”

Maraming netizens ang nagtanggol kay Sandra mula sa toxic comment ng netizen.

Isang netizen ang nagsabing mabait ang pagkakakilala niya sa dating beauty queen.

Buwelta ng supporter sa kritiko ni Sandra: “The only immoral thing that I can see here is your behavior.

Continue reading below ↓

“Sandra is one of the kindest people that I have ever met. You’re obviously not. Please learn to have grace.”

Pinasalamatan naman ni Sandra ang sumuporta sa kanya.

Aniya, “It’s quite unfortunate to see comments /behavior like this but hopefully it could be an opportunity for realization that it’s not too late to improve our character and chose to be a blessing to others, after all.”

Continue reading below ↓

Isang concerned netizen din ang nagsabing i-turn off na lang ni Sarah ang comments section ng kanyang post dahil baka mabasa raw ito ng kanyang anak at hindi ito makabuti sa kanya.

Positibo ang naging tugon dito ni Sandra: “appreciate your concern so much.. don’t worry, all will fall into place as it should..

“let’s just keep praying for one another and encourage those who need more help in understanding…”

Continue reading below ↓

May isa pang netizen na pumuri kay Sandra sa ginawa nitong pag-amin.

Komento ng netizen: “Beautiful post Sandra, I love seeing your son with his father! You're such a lovely woman and I’m sure the best mother.”

Huwag din daw magpaapekto si Sandra sa panghuhusga ng “small-minded” people.

Naging mahaba ang sagot ni Sandra, pero pinasalamatan niya ang nagkomento dahil mas pinili nitong unawain ang sitwasyon niya.

Bahagi ng mensahe ng dating beauty queen: “truly, no one is perfect and we all have fixing to do.. but it stars with recognizing this and wanting to be better each day..”

Dagdag niya, “Here are my two cents: as long as you are not hurting anyone and trying your best each day to do what’s right and be a blessing to others, you’re on the right track.

“Finally, when you fall, get up and keep walking.

“God has prepared many more blessings for those who are ready to be their best version.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former beauty queen Sandra Seifert: "Here are my two cents: as long as you are not hurting anyone and trying your best each day to do what’s right and be a blessing to others, you’re on the right track."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results