Richard Gomez after seeing wife Lucy Torres’s swimsuit photo: “On my way home, honey!!!”

by Jet Hitosis
Nov 27, 2020
Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez wows fellow celebrities, netizens, and her own husband, Ormoc City Mayor Richard Gomez, with this swimsuit photo posted last Tuesday, November 24.
PHOTO/S: @lucytgomez on Instagram

Kinilig ang fans sa naging reaksiyon ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa swimsuit photo ng asawang si Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez.

Martes, November 24, nang ipinost ni Lucy, 45, sa Instagram ang sariling pictures habang nagpapahinga sa dalampasigan.

Nakasuot si Lucy ng one-piece blue swimsuit at pearl necklace.

Maikling caption ni Lucy: “A summer in November.”

Continue reading below ↓

Ilang kapwa celebrities at fans ang napakomento ng papuri sa kongresista.

Gandang-ganda kay Lucy ang aktres na si Iza Calzado, stylist na si Liz Uy, ang entrepreneur-author na si Rizza Mananquil-Trillo, at ang doctor to the stars na si Vicki Belo.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Gayunman, agaw-pansin ang comment ng 54-year-old husband ni Lucy na si Richard.

Pilyong komento ng aktor: “On my way home, honey!!!”

Nag-reply si Lucy kay Richard (published as is): “hahaha uli na Dong”

Umani naman ng kilig na reaksiyon mula sa netizens ang palitan ng mensahe nina Richard at Lucy.

Continue reading below ↓

RICHARD AND LUCY

Kilala ang mag-asawang Richard at Lucy sa lantarang pagpapahayag ng pagmamahal sa isa’t isa, lalo na sa social media.

Tradisyon na nilang magpalitan ng sweet messages tuwing birthday ng isa sa kanila, lalo na tuwing ipinagdiriwang ang kanilang wedding anniversary.

April 28, 1998 nang ikinasal sina Richard at Lucy sa Sts. Peter and Paul Parish Church sa Ormoc, kung saan alkalde ngayon ang actor-politician.

September 8, 2000 naman nang isilang ni Lucy ang kaisa-isang anak nilang si Juliana.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez wows fellow celebrities, netizens, and her own husband, Ormoc City Mayor Richard Gomez, with this swimsuit photo posted last Tuesday, November 24.
PHOTO/S: @lucytgomez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results