Alden Richards, umaming nag-try makipagrelasyon pero hindi nag-work
Nov 27, 2020
Article Summary

  

Simulan nang balikan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga artikulo tungkol sa mga babaeng na-link kay Alden Richards.

Kung tunay kang fan ng Pambansang Bae, malamang na gusto na mong malaman kung sino sa mga na-link sa kanya noon ang tunay na nakarelasyon niya.

Sa PEP Exclusives Zoom interview ni Alden sa ilang PEP staff, nakumusta ang kalagayan niya ngayon, kung paano siya nagko-cope sa kasalukuyang pandemic, at mga proyektong ginagawa.

Nabanggit din ang patuloy niyang pagtulong sa mga naapektuhan ng pandemic situation ng bansa, paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng nakaraang kalamidad, at nakanti na rin ang tungkol sa kanyang love life.

Saad ni Alden kung bakit single pa rin siya, "Wala pa yung hinahanap natin...

"I'm not very public about my personal life, especially, pagdating po sa love. Siyempre may mga sinubukan tayo in the past. Kaya lang hindi nagwo-work."

Nang tanungin ng PEP Editor-In-Chief na si Jo-Ann Maglipon kung may nakatunog sa media o naisulat ba ang kanyang past relationships, positibo ang sagot ng Kapuso actor.

"Opo, meron pong iba," natatawang sagot ni Alden.

Panoorin ang video kung paano na-handle ni Alden ang pagtatanong ng PEP staff at abangan ang kanyang mas mahaba at full exclusive interview dito sa PEP.

HOT STORIES

#aldenrichards #aldenlovelife #pepexclusive #kapusoactor

Hosts: PEP Team
Video Producer: Rommel Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results