Nadine Lustre takes a swipe at haters who use fake accounts

by Arniel C. Serato
Nov 27, 2020
Nadine Lustre haters fake accounts
Nadine Lustre: "Haters who use fake accounts don’t have balls. #sadlayf”
PHOTO/S: Courtesy: @nadine on Instagram

Inalmahan ni Nadine Lustre ang mga bashers niyang nagtatago umano sa fake accounts.

Sa Instagram post ng kaibigan niyang si Lux Fisch kagabi, November 26, makikitang nasa isang kasiyahan si James Reid, ang kapatid nitong si Lauren Reid, at iba pa nilang mga kaibigan.

Nakalagay sa caption: “What a lovely Friendsgiving dinner! An incredible success with great food and great conversation.

“Eating with like minded people, exchanging thoughts, laughing, it’s the simple things that really make for the best memories. (wine emoji) to the fun side of adulting.

“Can’t wait for the next one. Btw, @laurenreidabook needs her own cooking show!!!

“Let’s make it happen universe. Her pecan pies were so addicting”

Continue reading below ↓

Nagkomento dito si Nadine, na nababalitang nakabalikan ni James.

Ayon sa aktres, imbitado siya sa pagtitipon.

Saad nito, “uhm... I was actually invited #jokesonUlol #2020namagbagokana

Nadine Lustre James Reid

Sa buong thread ng kanyang komento, naghayag si Nadine ng saloobin ukol sa mga bashers.

Sabi niya, “haters who use fake accounts don’t have balls. #sadlayf”

Continue reading below ↓

Nadine Lustre bashers

Dagdag pa niya, “Also, If you shit on other people, you are NOT my fan.

“No exceptions. We don’t welcome hate in our house.”

Nadine Lustre bashers haters

Continue reading below ↓

Sinagot siya ng isang netizen.

Sabi nito, “@nadine try to ask @james kung meron din ba siyang balls (laughing emoji) #desperate”

Nadine Lustre basher

Halata sa sagot ni Nadine ang kanyang pagkadisgusto, “utot mo blue.”

Nadine Lustre utot

Continue reading below ↓

NADINE-JAMES RELATIONSHIP

January 1, 2020, iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang hiwalayan nina Nadine at James.

Bago magtapos ang buwan ng Enero, kinumpirma ng dalawa ang kanilang hiwalayan.

Kahit hiwalay na sila, mananatili pa rin daw silang magkaibigan lalo na pagdating sa musika na pareho nilang hilig.

Bahagi ng kanilang joint statement: “We agreed that going separate ways was best for both of us.

"We are in good terms and are still really good friends and will continue to work with each other especially when it comes to music.”

Pero nitong nakaraang Mayo, umingay ang balitang nagkamabutihan daw muli ang dalawa habang naka-lockdown ang buong bansa dahil sa COVID-19.

Lalo pang tumibay ang reconciliation rumor tungkol sa dalawa dahil sa makahulugang birthday greeting ni Nadine, 26, sa ika-27 kaarawan ni James noong May 11.

Isang simpleng “seedling” emoji lang ang inilagay ni Nadine sa larawang magkasama sila ni James sa Instagram

Continue reading below ↓

Maaaring bagong simula ang pakahulugan ng sumisibol na halaman.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin kinumpirma ng dalawa ang tungkol dito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre: "Haters who use fake accounts don’t have balls. #sadlayf”
PHOTO/S: Courtesy: @nadine on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results