Alden Richards finds beauty in helping amid pandemic: "It always comes back ten thousand fold or more."

by Arniel C. Serato
Nov 27, 2020
Alden Richards helping others
Alden Richards on extending aid to flood victims in Marikina: "Masaya po ako na kahit papa'no, through the donations that I got from the game stream, sa gaming, nakatulong pa po tayo sa iba. Kasi it’s the highest purpose of gaming for me.”
PHOTO/S: Courtesy: Alden Richards / Mahalla Molina on Facebook

Aminado si Alden Richards na nitong isinailalim sa lockdown ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic, may mga malalapit siyang kaibigan, katrabaho, at kakilalang tinutulungan.

Kaya malaki ang pasasalamat ng Kapuso star na kahit may pandemya ay patuloy ang pagdagsa ng endorsements sa kanya. Ang mga kinikita raw niya rito, pati na sa kanyang TV shows, ay ibinabahagi niya sa mga humihingi ng tulong sa kanya.

Tiniyak din daw ni Alden na ang mga tauhan sa kanyang restaurant at fast-food chain ay patuloy na makatatanggap ng kanilang mga suweldo sa kabila ng health crisis.

Ngunit ang kagandahan daw nito, kahit marami siyang ibinibigay ay may natitira pa rin para sa kanya.

Pahayag ni Alden sa PEP Exclusives nitong Biyernes, November 27, “Kasi po nung pumasok yung COVID, siyempre walang work, so automatic, no work, no pay.

“Sinikap ko po talaga na hindi mag-stop ang salary ng staff ko po, especially.

“Nagugulat ako minsan na ang dami ko nang naibigay, pero may natitira pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I guess yun ang beauty in helping, e, if you’re a happy giver.

“Parang pag bukal sa loob mo na magbibigay ka, hindi mo kasi iisipin yung matitira, e.

“Para kung may matira man, thankful ka.”

Maluwag daw sa dibdib ni Alden ang pagbibigay ng tulong-pinansiyal sa mga kakilala niyang nangangailangan lalo na ngayong may pandemya.

Kabilang na rito ang production staff ng mga teleseryeng tinampukan niya TV shows na kinabibilangan niya.

Saad ng 28-year-old Kapuso actor, “Pero siguro ganun lang po talaga ako, mas masaya kung may matutulungan, may mabibigyan, rather than keeping all of it to myself. There’s no happiness in that.

"So, I’d rather help out.

“Kumbaga, may mga naitabi naman tayo, kung ano man yung financial plans mo, financial standing mo ay naplano mo naman na, parang it’s best to really give out yung sobra.

“Kung meron ka mang puwedeng ibigay, kasi babalik siya, e.

“Ganun po ang nangyari. It always comes back ten thousand fold or more.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“HIGHEST PURPOSE OF GAMING”

Bukod sa COVID-19 pandemic, biktima rin ang Pilipinas ng sunud-sunod na kalamidad dulot ng mga mapinsalang bagyo.

Isa ang Marikina City sa napuruhan nang husto nang tumama ang bagyong Ulysses sa National Capital Region noong November 12.

Kahapon, November 26, personal na nagdala ng relief packs ang Asia’s Multimedia Star sa Marikina. Nagulat daw siya sa kanyang nakita.

Lahad ni Alden, “Hanggang ngayon pala, kahit two weeks ago [na yung bagyo], hanggang ngayon may damage pa rin.

“Dun ako nagulat sa bunduk-bundok na basura pa rin ang nandun, 'tapos hindi pa rin tapos ang clearing operations.

“I couldn’t imagine, Marikina lang yun, e, ang daming lugar na na-damage, yung iba mas malala pa yung effects.

“Kailangan pa rin nila ng tulong siguro, and parang we can’t take it for granted.”

Nitong lockdown, nawiwili si Alden sa online gaming.

Kumikita rin siya rito, kaya ginamit niya ang naturang platform upang makatulong sa mga biktima ng baha sa Marikina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “Masaya po ako na kahit papa'no, through the donations that I got from the game stream, sa ano po sa gaming, nakatulong pa po tayo sa iba.

"Kasi it’s the highest purpose of gaming for me.”

Samantala, sa December 8 na mapapanood online ang 10th showbiz anniversary concert ng aktor na may pamagat na Alden’s Reality.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on extending aid to flood victims in Marikina: "Masaya po ako na kahit papa'no, through the donations that I got from the game stream, sa gaming, nakatulong pa po tayo sa iba. Kasi it’s the highest purpose of gaming for me.”
PHOTO/S: Courtesy: Alden Richards / Mahalla Molina on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results