Alden Richards can’t wait for 2020 to end: “It’s not the best year for all of us.”

by Jet Hitosis
Nov 28, 2020
Alden Richards year 2020
Kapuso A-lister Alden Richards still has a lot to be thankful for this 2020 amid COVID-19: “Andami ko pong first na-experience this year. I’m always grateful for all the firsts sa buhay ko, kasi whether it’s a good or bad experience, at least masasabi ko sa sarili ko when I grow old, na nadaanan ko siya."
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram

Kaisa ng marami si Alden Richards sa pagsasabing hindi naging maganda ang taong 2020 para sa lahat.

Nao-overwhelm ang 28-year-old Kapuso A-lister sa dami at magkakasunod na matitinding pagsubok na hinarap ng mga Pilipino ngayong taon.

Unang-una na riyan ang magsisiyam na buwan nang COVID-19 pandemic, na nagpabago sa buhay ng lahat.

“2020 is not the best year for all of us,” sabi ni Alden.

“Iyan po siguro talaga yung what I can really say in behalf of a lot of people.”

Na-interview si Alden sa PEP Exclusives nitong Biyernes, November 27.

COVID-19 PANDEMIC

Nabanggit ng Kapuso actor-TV host ang mga grabeng epekto ng pandemya sa ekonomiya, na sinabayan pa ng mapaminsalang mga kalamidad.

January nang makumpirma sa Pilipinas ang unang kaso sa bansa ng wala pang lunas na COVID-19.

Dahil sa pagkalat ng virus, pagsapit ng March 17 ay nagpatupad ang gobyerno ng istriktong enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon. Pinagbawalang lumabas ng bahay ang publiko, sinuspinde ang public transportation, pinatigil ang halos lahat ng trabaho, at isinara ang maraming negosyo.

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon, umiiral pa rin ang enforced quarantine sa buong Pilipinas dahil sa pandemya.

May kabuuang 424,297 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, at 8,242 sa bilang na ito ang namatay, ayon sa Department of Health (DOH).

Sabi ni Alden: “Nagka-COVID… ang daming nawalan ng trabaho, ang daming nagsarang mga establishments.”

NATURAL CALAMITIES

Nitong November naman ay sinalanta ang ilang lugar sa bansa ng malalakas na bagyo.

Patuloy ni Alden: “Tapos bumagyo pa, dalawa pa.”

Tinukoy ng aktor ang magkasunod na pananalasa ng mga bagyong Rolly (November 1) at Ulysses (November 11). Mahigit 20 ang nasawi dahil kay Rolly, habang lampas 70 naman ang namatay dahil sa Ulysses, batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“Lindol pa… nag-Taal [eruption]… ay, Diyos ko, Lord!” napabulalas pa sa pagkadismaya si Alden.

Ang lindol na binanggit ni Alden ay ang magnitude 6.6 na yumanig sa Masbate noong August 18, 2020.

Continue reading below ↓

Dalawang katao ang nasawi sa lindol, habang 51 naman ang nasaktan.

Nasambit din ni Alden ang pagsabog ng Taal Volcano sa Batangas noong January 12, 2020.

Umabot hanggang sa Metro Manila ang makapal na abo na ibinuga ng bulkan.

Nabalot ng putik at isinailalim sa lockdown ang mga bayan ng Taal, Agoncillo, San Nicolas, at Talisay sa Batangas.

Malawakan ang naging pinsala ng makapal na abo at putik sa maraming imprastruktura at pananim sa Southern Luzon.

STARTING ANEW

“Yung 2020 yung year na gusto na lang natin matapos agad so we can start anew in 2021,” sabi pa ni Alden.

“Pero, that’s life.”

Sa kabila ng sunud-sunod na dagok na ito sa atin bilang bansa, nananatiling matatag at mapagpasensiya ang mga Pinoy.

“We’re survivors,” sabi ni Alden.

“But sometimes kasi siguro yung resiliency natin naaapektuhan ng external factors, kaya even to ourselves minsan, nagiging doubtful tayo kung kaya pa ba natin. O minsan hindi na talaga kaya.”

Continue reading below ↓

LOOKING FORWARD TO 2021

Naniniwala ang Kapuso star na dahil sa resiliency ay makakabangon ang mga Pilipino mula sa krisis na ito sa susunod na taong 2021.

Kabilang ito sa mga inaasam ni Alden.

“Sana vaccine comes out,” sabi niya, tinukoy ang inaaasahan nang pagiging available sa merkado ng bakuna kontra COVID-19.

“As much as we want to say na sana bumalik na lahat sa normal, from the damages in the past almost nine months, parang sila ay magre-rebuild ulit ng lahat, e. Sana for this year 2021, mas habaan yung pasensiya ng lahat.

“Sana mas habaan yung pasensiya ko, as well, para hindi tayo mapagod to rebuild what was destroyed because of what happened."

2020: “ANG DAMING FIRSTS”

Sa kabila ng matitinding hamon na dulot ng 2020, ipinagpapasalamat ni Alden ang maraming “firsts” na naranasan niya ngayong taon.

“Andami ko pong first na-experience this year. Ang daming firsts.

“I’m always grateful for all the firsts sa buhay ko, kasi whether it’s a good or bad experience, at least masasabi ko sa sarili ko when I grow old, na nadaanan ko siya.

Continue reading below ↓

“I know how it feels. I know how it physically feels. My emotional feeling was affected by this experience.

“Dun po ako thankful, na hindi ko siya maririnig lang sa kuwento. Ako, first hand ko na-experience yung mga bagay na nangyari."

Dahil pa rin sa pandemic, isa pang "first" ang gagawin ni Alden bago matapos ang 2020.

First time niyang magpe-perform sa kauna-unahang virtual reality concert sa Pilipinas.

Sa December 8 na ang Alden’s Reality, na magsisilbing 10th anniversary celebration ni Alden sa entertainment industry ngayong 2020.

Guests ni Alden ang magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz at ang bandang December Avenue.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso A-lister Alden Richards still has a lot to be thankful for this 2020 amid COVID-19: “Andami ko pong first na-experience this year. I’m always grateful for all the firsts sa buhay ko, kasi whether it’s a good or bad experience, at least masasabi ko sa sarili ko when I grow old, na nadaanan ko siya."
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results