Pia Wurtzbach says Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo is "on the right path”

by Bernie V. Franco
Nov 28, 2020
Pia Wurtzbach Rabiya Mateo interview
Former Miss Universe Pia Wurtzbach to Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo: “Ang laki ng self-awareness mo, which is so important because you have to have that open mind that you need to keep learning."
PHOTO/S: YouTube (Pia Wurtzbach)

Pinuri ni Pia Wurtzbach si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo dahil nasa “right path” daw ito whet it comes to her preparations for the Miss Universe 2020 pageant.

Si Pia ang itinanghal na Miss Universe 2015 at ikatlong Miss Universe titleholder ng Pilipinas.

Si Rabiya naman ang kakatawan sa Pilipinas sa gaganaping prestigious international pageant. Wala pang petsa kung kailan at saan ito gaganapin.

Noong November 25, 2020, lumabas bilang guest si Rabiya sa Queentuhan, ang weekly online show ni Pia, kasama sina Bianca Guidotti (Binibining Pilipinas International 2014) at Carla Lizardo (Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010).

Sa episode ay napag-usapan ang pageant journey ni Rabiya, na siyang naging kinatawan ng Iloilo City sa Miss Universe Philippines 2020 pageant na ginanap nitong Oktubre.

Naging matatas si Rabiya sa pagsagot sa mga tanong na may kinalaman sa mga kritiko niya, mga isyung ipinupukol sa kanya, mga kahinaan niya, at mga paghahanda niya sa susunod na Miss Universe pageant.

Continue reading below ↓

Nabilib sina Pia, Bianca, at Carla sa mga sagot ni Rabiya.

Kaya naman, nagkomento si Pia kay Rabiya na nasa tamang direksiyon ito.

Aniya “I also love that you have a lot of self-awareness.

“Just by listening to you, alam mo kung saan ka possible na ma-trigger, alam mo kung saan ka dapat mag-train pa.

“Ang laki ng self-awareness mo, which is so important because you have to have that open mind that you need to keep learning.

“Hindi ka dapat makuntento na, ‘Ah, nanalo na ako. Okay na ito. Ito na yung formula ko.’

“Pero parang na-notice ko sa iyo na sobrang open mo to learning and inoobserbahan mo rin yung sarili mo na, ‘Ito dapat gawin ko, ganito-ganyan…’

"Which is so good and so important for a person who wants to keep improving and who wants to win. So galing!” papuri ni Pia sa Ilongga beauty queen.

Pia Wurtzbach Rabiya Mateo

Continue reading below ↓

Binati rin ng former Miss Universe si Rabiya dahil ngayon pa lang ay alam na nito kung ano ang mga kailangan niyang tutukan bago sumabak sa international stage.

Sabi ni Pia, “’Tsaka mention ko na lang din, perfect yung formula mo na, ‘Know when to peak.’

“Perfect iyon. Perfect iyon na nag-ano ka lang, nagfo-focus ka lang sa goal mo, at doon mo nilalabas yung energy mo.

“I think you’re on the path already, Rabiya," ani Pia.

“You don’t need a lot of work. When I mean work, alam mo yung… parang wala nang babaguhin pa sa way of thinking mo or training mo. Parang, you’re on the right path.”

RABIYA, GETTING READY FOR MISS UNIVERSE PAGEANT

Sa online show, ikinuwento ni Rabiya na tinandaan niya ang payo ni Miss Universe 2011 third runner-up Shamcey Supsup.

Sabi ni Rabiya, "Dapat talaga aralin mo yung pageant. Sinasabi ni Ms. Shamcey, 'Know when to peak.'

Continue reading below ↓

"I tried to conserve my time and put my energy in the right place. Para pagdating ng competition, I still have a lot.

"I still need to prove myself to the judges. Yun naman ang importante.”

Si Shamcey ay siya ring kasalukuyang national director ng Miss Universe Philippines organization.

Pagdating naman sa mga kritiko, sinabi ni Rabiya na hindi niya kayang kontrolin ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa kanya.

Pero nasa kanya kung paano siya magre-react sa mga pumupuna sa kanya.

"Minsan as a public figure, people are gonna throw stones at you and you can't do anything to stop them,” hayag ni Rabiya.

Kaya naman mas pinipili niyang huwag na lamang basahin ang pamimintas sa kanya ng kanyang mga kritiko para hindi siya maapektuhan.

Lahad niya, "Kaya you have to put your energy at the right place. Huwag ka na mag-aksaya ng oras sa mga taong negative lang gustong dalhin sa buhay mo.

Continue reading below ↓

“You have to have peace in your mind. And mangyayari lang yun kapag hindi ka nagbabasa."

Sa tingin raw ni Rabiya ay maiksi na lang ang kanyang panahon bilang preparasyon sa darating na Miss Universe pageant.

Kumportable na raw siya sa public speaking, salamat daw sa kanyang pagiging lecturer sa Physical Therapy review centers.

Ang tututukan daw niya ay ang kanyang figure kaya sinimulan na ni Rabiya ang regular workout niya sa gym.

Paliwanag niya, "Right now, we have this target na arms, hips, body. Nai-inspire ako to do that.

"I know myself. I'm not gonna settle for less. I'm gonna push myself to improve, kasi ngayon Pilipinas na yung dalang-dala mo, e."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Miss Universe Pia Wurtzbach to Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo: “Ang laki ng self-awareness mo, which is so important because you have to have that open mind that you need to keep learning."
PHOTO/S: YouTube (Pia Wurtzbach)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results